CHAPTER V

35 38 0
                                    

Ang saya saya ko today Magbibihis ako Mamamasyal ako kasama ni Spade ayun nakulitan sa akin napilit ko ring lumabas kami. Nakasuot ako ng loose maong pants and Color Blue 24K Knitted Sweater tucked inside my pants and paired up with 24K Black leather Belt. Di naman halata na anak ako ng may-ari ng 24K sa suot ko noh? HAAHAH sinuot ko lang ang Classic Vans shoes ko at ini-headband Braid ang kabilaan ng aking buhok.

"Busy much?laging may lakad?" Tanong ni Mira sa kanila ako ulit natulog.

"Di naman, gala lang kasama ng mga kaibigan. Hulaan mo sino nanghagad sakon maglagaw subong" excited kong sabi.

"Kailangan pa bang hulaan? Halata namang yung Spade nanaman" sabi ni Mira.

"Yup, I'm Excited" sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sayo, tabi nga magwa-wash ako ng clothes" sabi niya

"Pinasosyal mo pa sabihin mo nalang kasing maglalaba ka" sabi ko sa kanya.

"Just leave na nga, panira ka ng trip eh" sabi niya sa akin.

Maaga ata ako masyado sa Infinitea dahil ang usapan namin 1:30 pero alas dos na baka filipino time kaya late siya. Naghintay pa ako hanggang sa nag 2:30 na pero wala pa din naka ilang message na rin ako at calls pero di ainasahot o nirerepylan hanggang sa nagplano akong umuwi na, hinayupak pinagtitignan na ako ng mga staff sa Infinitea naka-tatlong Milktea na ako nakakainis siya bago umuwi dumaan na muna ako sa Donnax Para daanan ang ipina-photo copy kong Reviewers nautusan lang ni Yzra.

Naglalakad ako papuntang Food Stuff para mamili ng pasalubong para sa kanila Crizzy,Mira at Dash pero sama ng loob ang naabutan ko.

"Thank you talaga Spade ha, kahit may lakad ka inuna mo pa din ako" sabi ni Merakle.

"Bakit ba kasi nakipag-away ka?" Tanong ni Spade.

"Eh napikon ako dun sa babae eh" sabi ni Merakle

"Kagagaling mo lang sa simbahan 'Kel!!! Iwasan mo namang mandemonyo sa bahay ng panginoon" sabi ni Spade at napatingin sa gawi ko pero di niya ako napansin.

"SANA ALL inuuna" sabi ko at tumalikod na nagbago ang isip ko Fishball at Empanada nalang ipapasalubong ko di naman maarte yung mga yun eh.

"ALEXA!!!" tawag niya pero di ako tumingin. Para akong tanga dun sa Infinitea nagsuot pa ako ng maayos para lang maging presentable dahil ito ang unang beses na niyaya niya ako tapos idi-ditch niya lang ako para kay Merakle, well bestfriend siya sino ba naman ako para unahin niya.

"Alexa sandali lang" tawag ulit ni Spade hanggang sa mahabol niya na ako.

"Sorry ha naghintay ka ba?" Tanong ni Spade.

"Halata bah? 1:30 ang usapan natin! Anong oras na? Lampas alas tres na! Kung di ako aalis dun mapapahiya lang ako dahil kanina pa ako dun" sabi ko at binilisan pa lalo ang paglalakad.

"Sorry napaaway kasi si 'kel eh" sabi ni Spade.

"Dalawang oras? Sa dalawang oras na yun napaaway siya?" Tanong ko ulit.

"Sorry talaga, pasensya na sa pagpapahihintay" sabi ni Spade, nakakahiya pinagtitinginan kami dahil pareho kaming sumisigaw habang naglalakad paano ba naman kasi puro tunog ng busina ng mga letseng tricycle ang maririning kung hindi kami magsisigawan.

"Sabihin mo kasi kung di mo ako gusto! Hindi yung pinapahabol mo ako, pinapahintay sa wala tapos mag-so-sorry ka at manghihingi ng dispensa. Isipin mo naman yung feelings ko!" Sumbat ko sa kanya bago dumaan at tumawid sa kalsada.

"Hindi naman sa hindi kita gusto at di kita pinapahabol may pake ako sa feelings mo Alexa!" Sagot niya at hinawakan ang palapulsuhan ko upang pigilan ako sa pagtawid.

Crashing My Ride in BuenaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon