CHAPTER III

48 43 0
                                    

Katatapos lang ng New Year Celebration namin kasama ko si Mira at mga kapatid niya sa pagsalubong ng bagong taong yun andun din si Fielo at di ko rin naman tinigilang kausapin si Spade na nagre-reply din naman pero malimit lang. Ang suplado eh puro tipid ang reply hayst.

Nasa Apartment ako ngayun nila Mira binabantayan ko ang mga kapatid niya dahil ipapakilala na daw siya ni Fielo sa nanay nito, oh diba nauna pa Legalization kesa sa label. Pero naghalikan na rin naman sila nong New Year ay ewan ko ba sa kanya basta ako naiinis na ako kay Spade di nagre-reply.

["What, bakit ba tawag ka ng tawag?"] Bungad niya nang masagot na ang tawag ko.

"I'm bored" sabi ko sa kanya.

["Bored din naman ako ah, tumawag ba ako sayo?"] Pamimilosopo nito kaya natuwa ako, hindi siya busy kung ganun dahil nakasagot siya guguluhin ko toh.

"Oh bored ka din? Libangin natin isat-isa magkuwento ka, asan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

["Luh feeling jowa tanong ng tanong"] sabi niya at humagalpak.

"Ako nasa kanila Mira ako. Bantay Bata 163 dzai! Sana all ipakikilala na sa nanay ikaw kailan mo ako ipapakilala?" Tanong ko sa kanya at talagang napapwesto na ako ng maayos sa sofa nagsisimula nang maging masaya ang phone call na ito.

["Uh di kita jowa kaya di kita kailangan ipakilala sa kahit sino"] sabi niya kaya napasimangot ako, napaka hard-to-get talaga.

"Anong pangalan ni mommy? Kunwari ka pa you like me rin naman" sabi ko sa kanya at naririnig kong tumatawa siya sa kabilang linya.

["I don't like you"] sabi niya kaya napataray nanaman ako.

"Yeah cause you love me na pala, ikukuwento ko talaga sa mga anak natin na napaka hard-to-get ng tatay nila di dapat tularan" sabi ko sa kanya

["Feeler! Sure na agad na magkakaanak di mo pa nga ako nakukuha eh"] sabi niya.

"Eh makukuha rin kita pagnangyari yun madali nalang yung part na may anak" sabi ko at humagalpak.

["Ulol, geh na may inuutos pa sa akin"] sabi niya

"Say hi to mommy for me or daddy kung sino man nag-uutos sayo" sabi ko sa kanya.

["Uh I don't have Parents, geh na babye"] sabi niya at pinatay na ang tawag.

What? Wala siyang parents, napaka walang kwenta ko talagang kausap sheyt! Ka-awkward nong sitwasyon ko kanina nong tinatanong ko ang about sa mama niya napaka wala talagang preno ng bunganga ko sana di siya na-hurt grrr. Anyways wala na muna akong magagawa dun nag-isip nalang ako ng mga paraan para makabawi sa kanya, di rin naman ako nahihirapan dito sa Apartment nila Mira dahil kaonti lang naman ang gagawin at di rin pasaway si Crizzy na walang ibang ginawa kundi magbasa ng libro o di kaya maglaro sa mga laruan niya, si Dash naman puro ML lang naman ginagawa niyan.

Gusto ko sana kumain sa labas kasama ni Spade kaso di raw uuwi si Mira dahil malakas ulan sa Farm kaya wala akong nagawa kundi ipagabukas na ang naisip. Wala na akong ibang ginawa kundi tumingin sa cellphone ko bawat minuto naghihintay ng reply.

"Alam mo para kang timang" sabi ni Dash.

"Sino?" Tanong ko na nakatingin pa din sa phone.

"Siyempre ikaw, alangan naman si Crizzy di rin naman pwedeng ako kaya syempre Oo. ikaw!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Lose streak ka noh? Ang init ng ulo" sabi ko kaya napa-eye roll siya.

"Ah basta mukha kang timang sino bang hinihintay mo mag-reply? May jowa ka na?" Tanong sa akin ni Dash.

Crashing My Ride in BuenaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon