Hindi ko naman talaga gustong makialam sa paraan ng paghahanap niya ng pera para mabuhay sila pero i just want to help. Lumaki ako na maswerteng di nahihirapan sa mga materyal na pangangailangan ko ano naman ngayun kung magbabahagi ako ng kahit kaonti lang? Sana di siya magalit o sana di niya na lang malaman mas maganda yun.
Pagpasok ko palang sa bahay maingay na bunganga na ni mama ang inabutan ko.
"Cecilia bakit yung mga tanim ko sa labas lanta na? Di niyo ba tinutubigan yun?" Tanong ni mom.
"Di po kasi masyadong sumisikat ang araw maam dahil laging umuulan" sagot naman ni Cecelia.
"Ang Ref natin bakit di man lang nagalaw? Ano bang kinakain ng anak ko at di nauubos ang lamang nito?" Tanong nanaman ni mom.
"Eh kasi po maam di naman po dito natutulog si Alexa" sabi ni Yaya Cecilia at yun palang alam kong sisigaw na si mama.
"AXIFERRRRRRR!!!" tawag ni mom at aakyat sana sa hagdan pero nagpakita ako.
"Ma don't be OA, alam mo namang tinutulongan ko si Mira diba?" Tanong ko kay mama kaya medyo kumalma siya.
"Speaking of Mira bakit nagagawa naman niyang pumunta sa photoshoots niya Anak, ikaw na walang ginagawa di man lang sumisipot" sabi ni Mama.
"Ma saka na natin pag-usapan yan, kumain namuna tayo" sabi ko sa kanya at mukhang nakahanda na rin naman ang hapunan.
"Tumawag ang teacher mo ang sabi pinilit lang daw na di ka magkaroon ng line of 7 na grade, ano bang problema Axiffer?" Tanong ni mom.
"Wala pong problema" sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kubyertos. Gusto ko mang magsalita pinili kong ikimkim nalang lahat ng mga kataga na gustong kumawala.
"And you're coach called too, ang sabi nag-quit ka daw sa Badminton team niyo?" Tanong ni mom.
"Sumali lang naman ako nong nakaraan dahil maganda yung jersey" sagot ko sa kanya.
"Yun na ba yun axiffer? Sasali ka lang dahil maganda yung Jersey di para manalo? Walang problema pero mababa ang grado?" Tanong ni mom, she's really pro when it comes to pissing me off.
"Walang Problema sa akin, yung mundo ang baliktad ma! Kakaiba ako, di ako tulad nila desisyon kong maging ganito" sabi ko na medyo tumataas na ang boses.
"What do you mean?" Tanong ni mom.
"I know my purpose ma! I'm just tired of all of this" sagot ko at iniwan na ang hapag-kainan.
"Axiffer! Bumalik ka dito yan na ba ang kinalabasan ng pagbabarkada mo?" Tanong ni mama.
"Di ko lang sila basta-bastang barkada ma! Pamilya ko sila" sabi ko at pumasok na sa loob ng Kwarto.
Punong-puno na ako sa lahat ng kaplastikan na toh! Kinuha ko ang mga damit at gamit ko sa Aparador at ipinasok sa loob ng bag ko. Pumunta ako ng Cr at naghilamos yinignan ko ang sarili ko sa salamin, puno ng pagod ang mga mata ko at mapag-isa naman ang isinisigaw ng mga hininga ko. Huminga ako ng malalim at tinahak ko ang pinto sa huling pagkakataon isinirado ko ang pinto at lumabas ng kwarto dala-dala ang bag ko.
"Maam saan po kayo pupunta?" Tanong ni Ceceilia.
"Magpapahangin lang po" sabi ko at pilit na pinapaalis si Yaya cecilia sa daan ko sa pagsabi na magiging okay lang ako.
"Axiffer saan ka pupunta?" Tanong ni mom.
"I want to start my own life ma, magsarilihan na tayo! Total you already did start a life on your own by leaving me here everyday" sabi ko kay mama habang umiiyak. She's the only family I have left but I'm pushing her away too.
BINABASA MO ANG
Crashing My Ride in Buenaflor
General FictionSi Axiffer Lexillian Kardova ay ang gala queen na di mapakali pag nasa bahay lang ito. She is expected to be a model but she really wants to be a Track Racer, will her fate be change pag makilala niya na si Mr. Aral Muna ng Buenaflor? samahan niyo a...