HER POV
Nagising ako sa isang malaki at madilim na bahay. May mga gamit pero halatang luma na.
At bakit ako nandito?
Natutulog lang ako kanina sa kama ko. Parang may kakaiba, 'di'ko mawari kung ano pero parang may mali.
"Jash? "
Huh?
Sino 'yon?
Napatigin ako sa likod at napailag nang may rumaragasang kutsilyo patungo sa direksyon ko.
Geez! Who's that?!
Muntik na'ko do'n ah!
Nagtago ako sa likod ng pader. Pinakiramdaman ko ang paligid.
May nakita akong anino sa kaharap kong pader.Tss.
Hinintay ko na tumapat s'ya sa'kin, nang makita ko siya hinila ko ang braso n'ya at isinandal sa pader, inipit ko ang leeg n'ya gamit ang kanang braso ko.
May takip ang kaniyang mukha kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Sino ka?" Tanong ko at lalo s'yang idiniin sa pader. Nagpumiglas s'ya pero lalo kolang hinigpitan ang pagkakahawak sakan'ya.
"B-bitawan m-mo ako..."
Halata sa boses niya na nahihirapan siya. Binitawan ko ito ngunit hawak ko parin s'ya sakan'yang braso.
"Inuulit ko. Sino ka?" Ulit ko sa sinabi ko.
Umiling s'ya at ngumisi ngunit, halos parang tumigil ang paligid ko nang may hinugot s'ya sa loob ng damit n'ya.
Hindi kaagad ako nakagalaw kaya naramdaman ko nalang na may malamig na bagay ang bumaon sa t'yan ko.
Dahilan para manlaki ang mata ko at humigpit ang hawak sa braso n'ya.
"Ahh!" Impit na sigaw ko. Napatingin ako sa aking t'yan at halos mawalan ako ng ulirat sa sakit na nararamdaman ko.
"Makikilala modin ako..." Pagkasabi niya no'n ay nagdilim na ang paningin ko.
Pagkamulat ay nasa bahay na ako sa luma naming bahay.
Kinapa ko ang t'yan ko pero wala akong maramdaman.
Nasa dati kong kwarto ako ngayon, kaya kahit nagtataka ay lumabas ako at bababa na sana sa hagdan nang may marinig akong nagsisigawan.
"Bitawan mo'ko! 'Wag mo s'yang sasaktan hay*p ka!" Rinig kong sigaw ni James, ang ama ko.
Kumunot ang noo ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko bago maingat na lumabas.
"James?! Sinong nand'yan?!" Sigaw ko.
Sa di'ko malamang dahilan ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong narinig na sumagot.
Bigla akong kinabahan parang pamilyar ang senaryo na'to.
Nang tuluyan na akong nakababa nakita kong makalat ang sala.
Anong nangyari rito?
Tumigil ako sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid, tuluyan na akong nakababa nang may nagsalita.
"Mabuti at nagpakita ka?" Sabi nang nasa likuran ko.
Haharap na sana ako nang may maramdaman ako sa likod ng ulo ko.
Isang malamig na bagay na sa isang kasa rito sabog ang bungo ko.
Gagalaw sana ako nang magsalita ulit siya.
BINABASA MO ANG
LOVING HER LIKE HELL
RandomThere was a boy who fallen love with HER. But can he accept HER real world? A world like HELL. He will love HER even if like HELL?