07-

3 0 0
                                    

Binagabag ako ng pangyayaring yun hanggang sa pag tulog ko. Hindi parin nawawala saaking pandama ang mga labi naming mag kalapat kanina.


Tangina! This is not right! Hindi pwede!


Magdamag akong nakatingin sa bintana. 1 am nanaman at hindi talaga ako dinadalaw ng antok dahil sa kabalastugan ng lalakin yun!


Ang daya! Bakit pangalan nya hindi ko alam tapos sha may alam sa pangalan ko? Tapos alam nya pa kung saan ang kwarto ko pero hindi ko naman alam kung saan yung kanya!


"O baka naman may plano kang bisitahin sha?' biglang sumagi sa isip ko ang salitang yan na mas nakapag painit ng pisngi ko! "HINDI! HINDI KO SHA BIBISITAHIN TANGINA LANG!!!!"


"HOY!"


"AAAHHH!!!!!!" Gulat na sigaw ko ng marinig kung may magsalita mula sa pintoan! Takot akong lumingon dito at nakahinga naman ng maluwag ng malaman kung sino ang hindut na
pumasok sa kwarto ko. "What the hell?! Hobby mo talagang sumulpot ng kung saan-saan eh no?!" I said and rolled my eyes at her as I sighed.



"Hmm, hindi naman. Minsan lang siguro?" Puno ng sarkasimo nitong saad. Seryoso ko naman shang tinignan, " Ano nanamang sadya mong babae ka? Ala-una na oh." I said and pointed my finger at the clock. Tumawa naman ito ng mahina at iling na tumingin saakin.


"Coming from you ah? Para naman natutulog ka rin ng ganitong oras." She sarcastically stated. "Tara labas tayo, hindi naman tayo mag papakita eh. Saka last day ko na to dito, bukas dadalhin na ako sa mental institution, tss." Saad nito na nakapag palungkot saakin.



Mawawalan nanaman ako ng kasama dito. Isang linggo pa nga lang kaming nag ka sama at ito, aalis na pala ang babaeng ito. She let out a deep sigh and forced her self to smile even if she's feeling the opposite of it. "Aalis ka na pala, tara." Ani nito at tumayo na.


Ngiting umakbay sakanya ang babae at ginulo ang buhok nito. "Sira, bisitahin mo nalang ako pag may oras ka. At kahit alam kung wala sana bisitahin mo parin ako, papatayin kitang baliw ka pag hindi mo ako binisita doun." Biro pa nito na kina ngiti nya.


"Ako pa ang baliw ha? Sino bang pupunta sa mental institution bukas? Ako ba? Ha?" Ngising pag mamayabang nito sa kausap. Binatokan naman sha nito na kinatawa nya, "Gago ka ah!" Tawang saad nito. Mahina shang umiling at umakbay narin dito.


"Mana sayo pre, wag ka nga mag-malinis jan kadiri ka!" Pang-aasar nya pa. Nagtuloy-tuloy ay pag-aasaran nilang dalawa hanggang sa makarating sila sa rooftop ng hospital. Sabay silang umupo sa bench at pinaka-titigan ang ulap.


"Biruin mo nga naman, parang kahapon lang umupo ka pa sa tabi ko at nakipag asaran saakin. Tapos ngayon aalis kana, baka naman pag pumunta ka doun eh mabaliw ka lalo?" Anas ko at binalingan sha. Mahina naman shang napangisi at ginulo ang buhok ko. "Matagal na akong baliw, ulol ka. Isang linggo tayong nag kasama sa hospital na ito, at ang masasabi ko lang ay sobra akong natuwa dahil nakilala kita." Saad nito na mas naka pag pa lungkot saakin.



"Ikaw pa lang ang naging tunay sa lahat ng pekeng nangyari sa buhay ko. Sana lang ipag-patuloy mo pa ang pagiging natural mo sa lahat. I admire you for being so straightforward to me though, kung sana lang ay nakilala kita ng mas maaga ay baka matagal pa tayong naging kaibigan." May bahid na kalungkotang sabi nito. Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman sa mga sinabi nya.


Fallen Angel (Bruise Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon