09-

10 0 0
                                    

Boung gabing nanatili dito si Zach upang bantayan ako. Kahit sa pag gigisng ko ay naroon din shang nakahiga sa may sofa. 'Wala bang sakit ang isang to? Hindi ba sha hinahanap sa kwarto nya?' Tanong ko saaking sarili.


Tinignan ko lang ang kabouan ng mukha nya habang naghihintay na magising ito. Hindi naman ganun ka perpekto ang mukha nya kung tutousin, may peklat ang mukha nya sa may noo ngunit hindi naman yun mapapansin dahil natatago ng buhok nya yun. Pag tinitigan mi naman ay saka mo lang mapapansin na meron na.





Mataas din sha kung tutuosin sapagkat ang height ko ay nasa 5'6 lang at mas mataas pa sha dun. Yung ilong nyang hindi ganon ka tangos. Katam-tamang mga mata, hindi ko masasabing chinito pero hindi rin naman malaki ang mga ito. Ang masasabi ko lang ay talagang hindi sha perpekto pero sobrang lakas ng dating ng mga imperfections nya saakin, at talaga namang nagustuhan ko yun.





'Pero hindi kita gusto.' Saad ko saaking isip.





'Kung hindi mo sha gusto sana hindi ka pumayag na gawin nya ang mga bagay nayun ng walang permiso mo.' Naisip ko bigla ang bagay nayan kaya naman parang puzzle na bomuo ang mga nangyari saamin ng mga nakaraang araw. Na hinayaan ko nalang dahil sa hindi ko malamang dahilan.





Ng maramdaman kung unti-unti nyang minulat ang kanyang mga mata ay agad kung binaling sa TV ang mga mata ko. Kinakaban akong lumingon sakanyang muli dahil tingin ko'y nakatingin narin ito saakin. Unti-unti kung naririnig ang yabag ng mga paa nyang papalapit saaakin ngunit binalewala ko yun hanggang sa maramdaman ko ang mga bisig nyang yumakap sa katawan ko.





"Morning." Malamya nitong saad. Hindi ko na ito nagawang sagutin pa at binigyan nalang sha ng mahinang tango. Ng bumitaw sha sa yakap ay agad akong lumingon sakanya, "Dito ka pala natulog? May kwarto ka naman kaya bakit ka pa nakikitulog dito?" Tanong ko sakanya. Hindi naman sha nakasagot dahil biglang ng ring ang cellphone nito.





Lumayo sha saakin at agad na pumasok sa CR.





"What?!" Rinig nyang sigaw nito. Nanatili akong naka-upo sa kama at pinakinggan ang mga sinasabi nito.



"Stupid! Ang bobo nyo! Pinatahimik nyo nalang sana ang matandang yun! I told you last night to do as I say!" Hindi ko na pinansin pa ang mga sinabi nya dahil hindi ko naman ugaling maki saw-saw sa usapan ng iba kaya't nag lagay nalang ako ng earphones at pinatunog ang mp3 ko.



Nag patuloy ako sa pakikinig ng musika ng bumukas ang pintoan ng CR. Agad kung hinubad ito at tinignan si Zach. "Oh anong nangyari sayo?" Muling tanong ko ng mapansin ang mukha nyang tila nagpipigil sa galit.



"Nothing." Misteryosong sagot nito. Tinitigan ko pa ito at sinuring mabuti ang mukha nya. Mahina akong tumango at binigyan ito ng ngiti. "Okay."



Ng matapos kaming kumain ay agad itong nag-paalam saaking may pupuntahan daw muna sha sa kwarto nya. Naiwan naman akong mag-isa sa kwarto kaya't maka lipas ang 30 minutes ay naisipan kung mag lakad-lakad sa ground floor dahil sobrang nakaka bagot naring mag-isa sa kwarto. I prepared my jacket and my MP3 just incase I'll use it when I roam around outside this hospital.


Nadaanan ko pa ang silid ni Zach kaya't naisipan kung buksan iyun. Hindi ko pa man din nabubuksan ito ay naririnig ko na ang mga sigaw na nag mula sa loob.


"Stupid! Pinatahimik mo na sana ang matandang yun! I told you many times Luke! MANY TIMES, YOU SHIT!" Rinig kung sigaw ng isang lalaki sa loob. Hindi ko masyadong naaninag ang mukha nya sapagkat naka harang ang pintoan, pero nasisiguro kung may kasama si Zach sa loob. Sino ba kayo?


Fallen Angel (Bruise Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon