"Hey that's not fair! Isa pa nga lang nakakain ko eh!" Pagmamaktol ni Natalia kay Zachary habang pilit na binabawi ang kinakaing burger. "Hoy babae anong isa ha?! Baka isang karton na ng burger ang kinain mo!" Ani nya pa habang pilit na nilalayo sa dalaga ang pagkain.
"Ano ba! Kahit isa o dalawang karton pa ang kinain ko ay wala kang pakialam kaya akin na yan! Tatamaan ka saking payat ka!" Balik nyang sigaw rito at umamba ng tatayo ulit ng pigilan ito ng mga braso ni Zachary, "Ikaw ang tatamaan saakin! Dapat nga ay hindi ka pinapakain ng ganito eh! Tumahimik ka jan at kainin mo ang gulay nayan!" Asik nito at marahas na nilapag sa harapan ni Natalia ang mga gulay na talaga ng kinakasukahan nya!
"AYAW!" Pag-mamatigas nya pa saka binaling ang atensyon sa bintana.
"Kakainin mo yan!"
"AYAW!"
"Ano ba ayaw mo ba talagang gumaling ha?!"
"AYAW!"
"ISA!" Tumataas na talagang boses nito. Muli shang tinignan ni Natalia at parang bata pang umiiling. "AYAW!" Paulit-ulit nyang saad. Halos ma ubos na ang pasesnya ng lalaki kakapilit sakanyang kainin ang mga gulay na nakahain sa harapan nito kaya't muli nyang nilabas ang burger na naka tago sa desk ni Natalia at pinakita pa rito.
Halos mag ning-ning naman ang mga mata nito habang nakatingin sa hawak nya. Akmang aabutin nya na yun ng muli ng ilayo sakanya ni Zach ang pagakain na kinadismaya nya. "Zach naman eh.." Ani nya at pilit na nag pa pa cute, umaasang madadala ang lalaki sa ginagawa nito.
"Ibibigay ko sayo to.." Pambibitin na saad nito. Agad na nag liwanag ang mukha ni Natalia ng sabihin nya yun pero agad rin napalitan ng pagka-diri ng marinig nya ang kasunod. "Kung kakain ka ng gulay na hinain ko mismo para sayo." Aniya at binigyang diin pa ang salitang 'mismo' sakanya.
"Sinabi ko naman kasi sayong nakakadiri yan eh!" Nandidiring saad nya at pilit na nilalayo ang mga gulay. "Kelan pa naging madiri ang kalabasa ha?! Pam palinaw ngn mata yan! Ampalaya din pam pa haba ng buhay! Spinach din, cabbage. Lahat yan nutritious kaya kumain ka!" Ani nito at tinulak pabalik sa dalaga ang plato. Napangiwi ang dalaga at dahan-dahang inamoy ang mga yun.
"Isa lang ah! Kingina mo bakit ba kasi kita sinusunod ha! Si kuya nga hindi ko sinususunod ikaw pa! Kingina ka talaga!" Ani nito at dali-daling kinakain ang mga gulay. Halos hindi na mae-pinta ang mukha nya ng malasahan nya yun. Hindi na sha nag aksayang nguyain yun at sa halip ay dire-diretsong nilolonok.
Ng matapos shang kumain ay agad nyang nilagok ang tubig na iniinom at malalim na bumuntong hininga. "KINGINA!!!!! Akin na nga yan!" Ani nito at mabilis na kinuha sa mga kamay ni Zach ang burger. "Hanep ka! Tangina ka talaga!" Ani nito at inis na tinignan si Zach.

BINABASA MO ANG
Fallen Angel (Bruise Series #2)
RomanceDeath was Once my Escape, Not until I met a fallen angel-Natalia P.