Dara's POV:
Nakapikit kong ninanamnam ang sariwang hangin ng hapong iyon.
Dinig ko ang mahihinang hampas ng hangin na sinasayaw ang mga dahon ng puno sa paligid.Sa halip na pumasok sa paaralan ay nandito ako sa isang parke. Pinili kong gumala at pagbigyan ang sarili kahit isang beses lang. Hindi ko ito magagawa bukas kaya ngayon ko na lang sinusulit ang libreng oras ko para sa pagdiriwang ko ng kaarawan bukas. Atsaka, iiwan ko na rin naman ang eskwelahang pinapasukan ko. Ang eskwelahang kahit pampubliko'y marami akong natutunan.
Napabuntong-hininga ako. Bukas, ibang paaralan na ang papasukan ko. Makakaya ko bang makisalamuha sa mga estudyanteng sobrang layo sa estado ng buhay na kinabibilangan ko?
Gustuhin ko mang tumutol sa kagustuhan ng Auntie ko, wala akong magagawa. Naasikaso na niya lahat ang kailangang asikasuhin upang mailipat ako sa paaralan na pinapasukan ng anak niya - ang pinsan kong si Gwen.
Medyo nakaluwag-luwag sa buhay sina Auntie kaya doon sa prestihiyosong paaralan na yun niya pinapag-aral si Gwen.
"Simula bukas, ikaw na magbibitbit ng mga gamit ni Gwen. Wag mong isiping inilipat kita dun sa mamahaling paaralan na yun dahil gusto kong maranasan mo ang buhay na nakaaangat. Ginagawa ko lang 'to dahil sa anak ko." sabi sa'kin ni Auntie kaninang umaga.
"Mom, I told you! I don't want her around. Ayokong malaman ng mga schoolmates kong may pinsan akong basahan. Dzuh??! Atsaka, that school is expensive mom! Pinag-aaksayahan mo talaga ng pera ang isang 'yan?" singit ng pinsan ko.
Natawa si Auntie sa reklamo ng anak. "Of course not! Nakakuha ako ng scholarship para sa kanya kaya wag kang mag-alala anak. Anyway..." binalingan ako ni Auntie. "... dahil nalipat na kita sa mamahaling paaralan na 'yun, ibig sabihin mas malaki na ang pangangailangan mo. Alangan namang ako pa gumastos ng gastusin mo sa paaralan na yun di ba? Libre na ang pagpapatira namin sa'yo dito, libre pa pagkain. Aba! maswerte ka na sa'min! Kaya doblehin mo na lang ang kayod mo sa pagpapart-time job, Dara. Atsaka, pasalamat ka na lang sa'kin dahil hindi ka na gagastos pa ng uniporme. Gamitin mo na lang yung pinaglumaan ni Gwen."
Tango na lang ang naging tugon ko kay Auntie.
Ngayon, dagdag problema na naman sa'kin ang mga maaaring gastusin.Oo, simula nung mamatay si Mama, kina Auntie na ako tumira. Kinuha nila ako hindi dahil sa naaawa sila sa'kin, kundi dahil upang maging magaan ang buhay nila.
Ako ang nagsisilbing katulong nila sa bahay. Hindi rin naman ako makaangal dahil wala na rin naman akong ibang matitirhan pa.Kaya ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay magtiis at magsikap sa pag-aaral upang makaalis sa bahay ng Auntie ko na nagsisilbing impyerno sa'kin.
Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral upang may mapatunayan sa taong kinamumuhian ko. Nang sa gano'n ay makakaya ko ng harapin siya.
Inilibot ko ang paningin sa buong parke. Marami-rami na rin ang gumagala ng hapong iyon.
Agad akong napatingin sa gilid ko nang may batang kumalabit sa'kin...

BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RastgeleDara Louisse Torrente is a simple girl na walang ibang ginawa kundi ang magkulong sa apat na sulok ng library tuwing vacant period. She's beautiful ngunit hindi iyon pansin ng nakararami dahil palaging nakayuko ang ulo nito sa mga libro. In this pre...