Sa madilim na gabi, puso koy umaasa at puno ng pag ibig.
Maaari nga bang mag tagpo o kahit mag salubong ang dalawang mag kaibang mundo
Imposible!
Napaka imposible, pero sa pag ibig nagiging posible.Pusong umaapaw ng emosyon ng pag mamahal at kabog ng dibdib na nakakabinge
Maaari nga bang yon nalang ang basehan para mag sama ang dalawang mag ka iba
Pero pag iisahin ng mga pusong sabik ng tunay at wagas na pag mamahalKung hahakbang ba ako patungo sa mundo mo, susugal ka ba sa akin?
May takot man sa puso pero kakayanin at pag aaralan yakapin
Para kung hindi man mag katagpo ang dalawa nating mundo
Papasok at hahakbang patungo naman sayo.Pag ibig kong sigurado na sayo at ikaw lang ang buhay ko. Pwede bang maging tayo?
Dahil sa tuwing ika'y natatanaw napupuno ng ligaya ang puso ko
At sa tuwing mag tatama ang paningin natin, naaaninag ko ang pag ibig mo, yon nga lang itoy may takot.
Takot kung masasaktan lang ba tayo.Hayaan natin tangayin na lamang tayo ng agos....
Kung hanggang saan tayo dadalin nito
Walang iniisip na kung ano at sino, basta mag kasama lamang tayo.Kung ang bagyo ay dumating habang tayo'y tinatangay ng agos...
Hayaan mong akoy maging kanlungan mo upang hindi ka matakot
Dahil alam kung maawa ang may kapal sa akin...
Dahil alam nyang pag nawala kay wala na rin ang mundo ko, kahit pa tayoy nasa mag kaibang mundo...
( Jovelyn)
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Aking Puso(Tula At Istorya)
PoetryAng mga tula ng aking puso, ay likha ng aking malikot na imahinasyon at ng aking Pusong puno ng emosyon... Sanay magustuhan nyo po ❤️😘