TM #4

11 3 0
                                    

Bridge

I woke up next morning feeling giddy, my body is not cooperating with me, siguro dahil sa pagod sa mga ginawa namin sa Alcho kagabi.

I spent my 30 minutes staring blankly at my ceiling, thinking about nothing. Nang mahimasmasan ay napagpasyahan kong tumayo at manghilamos sa banyo.

I didn't bother to change my black silk ternos when I went out of my room to eat breakfast. Kami lang naman ang tao dito at walang dapat na pagpagandahan.

I thanked God mentally when I saw no one at our table, alas nuwebe na nang umaga at sigurado akong wala na sina Dad dito, and for Lirae, siguro ay nasa university na iyon, may tine-take na make-up class tuwing sabado. Salamat at walang pipeste sa akin ngayon.

"Ay Ma'am, nasa loob po nang ref ang agahan niyo, gusto niyo po bang initin ko?" Yaya Marta asked when she saw me looking for my breakfast at the table.

"Yes please, thanks Ya." Ngumiti ako at tumungo sa ref upang kunin ang fresh milk na nasa loob.

Binuksan ko iyon at inilagay sa loob nang baso ko. Habang naghihintay sa pagkain ay inopen ko ang IG account ko at kumuha nang isang simpleng litrato ko at nang gatas, I edited it for a bit and posted it on my IG story.

My phone vibrated for every reacts and replies, isa-isa kong nireplayan ang mga kakilala at nag react lamang nang heart sa mga hindi ko kilalang follower ko sa IG.

Maya-maya pa ay inilapag na ni Yaya ang isang platito nang carbonara at garlic bread sa harap ko. Pinatay ko ang aking internet connection at nagpasalamat sa kaniya.

"Kayo po Ya? Tapos na kayong kumain?" Tanong ko pagkatapos niyang ilapag ang mga pagkain sa aking harapan.

"Oo Ma'am, tapos na kaming lahat." Nakangiti niyang sagot.

Paunti-unti kong kinain ang garlic bread at pasta habang nakiki pag-chikahan kay Yaya. Nang matapos ay agad kong tinungo ang sink at hinugasan ang pinagkainan.

"Naku Ma'am! Sana po ay hindi niyo na hinugasan, hinayaan niyo na lang sana sa akin!" Umiling ako kay Yaya.

"It's alright po, kaya ko naman." Ngumiti ako at binanlawan ang mga sinabong baso, platito at tinidor.

"Ang layo layo niyo po sa kapatid niyo Ma'am..." Napalingon ako sa kaniya.

Napataas ang kilay ko at tumawa. Narinig ko ang tawanan nang iba sa likod.

"Bakit naman po Ya?" Nakita kong lumapit na din sa amin ang ibang maids na ka close ko rin. Ngumiti ako sa kanilang lahat at inilagay na sa cabinet ang mga hinugasan.

"Naku, malamang malayo sila dahil hindi naman sila magkapatid. Anak ni Ma'am Joy sa ibang lalaki si Lirae, si Belle naman ay anak nina sir Landon at Ma'am Georgina. Kung tutuusin nga ay sampid lang ang mga straw na yon eh." Napahalakhak ako sa sinabi ni Jane, ang anak ni Yaya Marta.

"What do you mean straw?" Nagtataka kong tanong.

"Sipsip." Agad siyang humagalpak nang tawa. Napangiti lamang ako at umiling-iling sa trip niya. 

Scholar ni Dad si Jane, dito na rin naninirahan dahil andito ang kaniyang ina. Masaya siyang kasama dahil palagi siyang may bagong kuwento sa mga karanasan niya sa kanilang baryo.

"Jane! Mag hinay-hinay ka sa pananalita ha, mamaya mapalayas tayo dito dahil diyan!" Saway ni Yaya Marta sa anak. Napailing ako at humagikhik.

"Tama naman nay eh, sampid lang ang mga 'yon. Atsaka ang pangit ni Lirae, ang laki nang butas anng ilong pag nagagalit. Hindi katulad ni Ma'am Belle na palaging kalmado." Kumindat siya sa akin. Dahil sa sinabi ay agad siyang binatukan ni yaya.

Teared Masks (Madrigal Series #3) On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon