TM #8

5 1 0
                                    

Unedited. Enjoy ^3^

Boyfriend

"Uy ganda nang camera mo Lau! Can I borrow your phone? Selfie lang!" Napakurap ako at inilahad kay Aesha ang cellphone kong hawak-hawak.

Nakita niya kasi ang pag scroll ko sa albums ko, maganda daw ang quality at filter nang camera kaya pinagka-interesan niya. She's a selfie addict.

Hmm, she takes hundreds of photos of herself everyday, I think.

"Here oh!"

"Nice! Bulok kasi 'yong camera nang phone ko eh!" She pouted and started posing for the camera.

"Why naman? Iphone 'yon ah?" Kuryuso kong tanong. Ngumiwi ako nang magpacute siya sa camera.

"Naapakan ko kasi kaninang umaga, gulat ako nasa sahig na pala, hindi ko nakita kaya ayon, cracked. Di bale, nagpabili na din naman ako nang bago kay Mommy." Napanganga ako dahil sa naging sagot niya.

She's an only child that's why she's being spoiled by her parents. Sana lahat.

"Paano naman 'yon napunta sa sahig? Why don't you put it on your bedside table or under your pillow para iwas hulog?"

"I'm busy watching some clips on youtube, nakatulog ako. Di ko namalayan lumagapak na pala sa sahig."

Napailing na lamang ako at tumingin sa unahan kung saan naglalakad kasabay namin ang ibang estudyante. Nag-iingay pa nga ang iba kaya napagalitan nang ibang teachers na ang nagdidiscuss sa loob nang nadadaanan naming classroom.

"Omg!" Napasigaw ako nang biglang mabitawan ni Aesha ang cellphone ko.

Natigil sa paglalakad sina Eru, Rari at Liana na nasa unahan at kuryusong lumingon sa amin. Some eyes immediately turned at our area, obviously because of my shriek.

"What happened? Basag ba?" Nag-aalala kong tanong kay Aesha na kasalukuyang pinupulot ang cellphone ko.

She bit her lower lip and shaked her head.

"No...uh...Shit! Nagulat lang ako sa lockscreen mo!" She trailed off while looking at me with pure shock etched on her face.

Narinig ko ang tawa ni Eru sa gilid ko. "Ba't ka pa magugulat? Gosh! Be observant naman minsan cuz, kaya nga pinilit ko siyang kay Brix na mag pa picture kahapon eh."

Ngayon, ako naman ang hindi makapaniwala dahil sa sinabi niya. She did that because she already sensed something? This girl is really dangerous.

"C-crush mo si Brix?" Nauutal na tanong ni Aesha na halatang gulat na gulat sa nalaman. I brought my tongue in between my teeth and nodded shyly.

"I find him uh, what should I call this? Uhmm..."

Napaisip ako, hindi ko naman puwedeng sabihin na hot si Brix dahil baka pagtatawanan nila ako...I need to save myself from shame! Sapat na ang kahihiyan ko nang malaman nilang crush ko si Brix.

"Hot and edible ba Lau?" Mas lalo akong nahiya sa sinabi ni Rari.

Seriously? I can't believe them! Grade Seven pa lang kami pero bakit ang bulgar na nang mga bunganga nang mga 'to? They're like college students!

"Uh medyo? Pero ang totoo, uh, kinilig kasi ako sa ginawa niyang pagprotekta sa akin mula sa bola kahapon...kaya...gano'n." I confessed shyly. Parehong nang-iinit ang dalawang pisngi dahil sa hiya.

I am hopeless romantic, yes.

I crave for genuine affection, sweet romance and of course, unexpected yet wonderful love. Being a sucker for impossible love story is my passion, that's why I easily fall inlove, na hindi ko alam kung tama ba o mali.

Teared Masks (Madrigal Series #3) On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon