Chapter 2

1.9K 86 1
                                    

PARANG hinugot mula sa isang libro ang tanawing natatanaw ni Denise.

Nasa burol siya ng mga sandaling iyon para magliwaliw. Hawak ang kaniyang Camera at walang sawang kumukuha ng litrato. The place could be her next entry for the exhibit that she joined.

Bata palang siya ay mahilig na siya sa pagkuha ng mga litrato kaya naman iyon ang kaniyang kinuhang kurso. She enjoys photography at napaka suwerte niya rin na hindi hinadlangan ng pamilya niya ang kaniyang pangarap.

Naglibot-libot pa si Denise sa burol. Nililibang niya ang kaniyang sarili dahil ilang sandali nalang ay makikilala na niya ang mapapangasawa. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan niya. Kung alam lang niya na sa isang matanda ang magiging bagsak niya di sana ay sinagot na niya ang mga nanligaw sa kaniya noon.

'Nagkaroon na sana ako ng karanasan, naibigay ko na sana ang una kong halik at ang sarili ko. Mas katanggap-tanggap kesa sa mapunta lang iyon sa isang matanda. Hays!'

Hindi namalayan ni Denise na narating na niya ang lawa sa ibaba ng burol, sa kaiisip niya sa mapapangasawa ay ganoon na kalayo ang narating niya.

The lake is so beautiful at hindi nakaligtas sa Camera ni Denise ang tanawin. Itinaas niya ang DSLR at kumuha ng magagandang shot. Lalong gumaan ang pakiramdam niya ng makita ang mga kuha niya. It was all perfect.

"Kinuhaan mo ba ako??"

Mula sa pagkakatingin sa kaniyang camera ay napaangat ang tingin ni Denise. Nanlaki ang mga mata niya. Para siyang tinakasan ng kaluluwa ng mga sandaling iyon. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya mahanap ang boses niya.

She's now facing a man in his full nakedness.

Basa ito at mukhang kakaahon lang sa lawa. Water is still dripping on his hair down to his broad shoulders. Matikas ang pangangatawan ng binata at may kayumanging balat. May kakapalan ang kilay, matangos na ilong, manipis at may kapulahan ang mga labi. Itim at tila kay lalim rin tumingin ng mga mata nito.

Nahahawig ito sa mga Mexican Actors dahil sa tindig at sa mahaba nitong brown na buhok na naaabot sa balikat.

Lumakad ito palapit sa kaniya. Hindi alintana ang kahubdan na nakabandera sa harapan niya. Pakiramdam ni Denise ay pulam-pula na ang kaniyang mukha sa kahihiyan at kawalan ng magagawa.

'He's naked for christ sake!! Fuck!! should i run?? Damn it what to do??'

Umiwas si Denise ng tingin ng huminto ito ilang pulgada mula sa kinatatayuan niya. Kung hindi niya gagawin iyon ay tiyak na makikipag face to face siya sa ipinagmamalaki nito.

"Uulitin ko, kinuhaan mo ba ako??"  Tanong ng lalaki. Malalim ngunit suwabe ang boses nito. Nagtayuan ang mga balahibo ni Denise sa lamig ng boses nito. Hindi naman ito mukhang galit pero may kung ano sa presensiya nito na nagpapakabog ng mabilis sa puso niya.

'Siguro dahil nakahubad siya kaya ako kinakabahan.. eh sino bang hindi kakabahan? Hindi ko naman kilala ang lalaki na ito, baka rapist pa toh o mamamatay tao.'

'Pero napakagwapo naman niya para maging rapist lang??...

'Diyos ko, nasa alanganin na akong sitwasyon ang kagwapuhan niya pa rin talaga ang napansin ko?? Erase, erase!'

Brave Man Series 1- Alvaro SandejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon