Chapter 6

2K 101 34
                                    

Chapter 6

4 years later..

"How is she?"

Doctor Mallari look at him. Bahagya itong ngumiti sa kaniya pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. The Doctor heave a sigh.

"She's getting worse Mr. Sandejas, hindi na tinatanggap ng katawan niya ang chemoteraphy. We did our best, but all we need now is a miracle!"  pahayag ng doctor.

Napabuntong hininga nalang si Alvaro at tinanguan ang doctor. Nagbilin pa si Doctor Mallari sa kaniya ng mga dapat gawin at kung kelan ito babalik bago ito nagpaalam na aalis na. Noon lang siya pumasok sa kwarto ng makaalis ito.

Sumalubong sa kaniya ang mga ngiti ni Mrs. Molina. He can't help but feel useless. Wala man lang siyang magawa para sa kaniyang biyenan. Divina, his mother in law was diagnose of stage three leukemia a year ago. Noong una ay naagapan pa nila pero sa katagalan ay unti-unti ring nanghina ang katawan nito. Kagaya nalang ngayon.

Payat at wala na rin itong buhok. Nawala na ang angking ganda nito.  Hindi na ito kababakasan ng kahit anong sigla na palagiang nakikita rito noon. Lumapit siya rito at kinuha ang kamay nito.

"How are you feeling?"  he asked.

"Not good!" mahinang usal nito. Napabuntong hininga siya sa narinig. Katahimikan ang bumalot sa pagitan nila ng manugang, hindi niya alam ang sasabihin. Kahit siya mismo ay pinanghihinaan na ng loob sa kalagayan ng kaniyang biyenan. Naiinis siya na wala man lang siyang magawa para maibsan ang paghihirap nito.

"Did the doctor told you?"  tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya dito bilang sagot.

Pumatak ang isang butil ng luha sa mga mata nito at dahil sa nakita ay parang gusto na rin niyang mapaiyak. Napamahal na sa kaniya si Divina, para na niya itong ikalawang ina. Isa ito sa mga taong hindi umalis sa tabi niya noong mga panahong iniwan siya ni Denise. He owe her a lot.

"Malapit na kami magkasama ni Roberto!" nakangiting lumuluha nitong sabi. Sinabi na rin pala dito ng doctor ang totoo.

"Hindi mo pa rin ba siya ipasusundo?"  maya maya ay tanong niya. Tinutukoy niya si Denise. Gusto niyang makita nito ang ina bago man lang ito mawala.

It's been a year. Denise should know what is happening to her mother.

And by just thinking of her ay nagsimulang manikip ang dibdib niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya ang rason nito kung bakit siya iniwan. Yes he's an asshole but he doesn't deserve that. Denise owe him an explanation.

Naging matunog sa buong Santa Elena ang nangyari. Nakakarinig siya ng mga hindi magagandang pahayag patungkol sa asawa niya pero ipinagsawalang bahala nalang niya iyon. Ayaw niyang lumabas na kaawa-awa kaya naman hindi nalang siya kumibo sa mga ito.

Ginugol nalang niya ang panahon niya sa pag aasikaso sa  rancho at sa iba pa nilang negosyo. Ayaw niyang magmukmok at magpaapekto sa nangyari. Hindi siya ganoong tipo.

Pilit na ngumiti si Divina sa kaniya. "Ayokong maging hadlang sa mga gusto niyang gawin. If i die today, masaya akong mamamatay na naibigay ko lahat sa kaniya. Na hindi ako nagkulang bilang ina niya, ayos na ako roon Alvaro!" 

Kumuyom ang kamao niya. Divina doesn't deserve that. Hindi niya gusto ang sinabi nito. Sa opinyon niya ay kailangan nito ang presensiya ni Denise, baka sakali ay maka-recover pa ito. He must do something about it.

Tumayo na siya at nagpaalam kay Divina. Inatasan naman niya ang private nurse na bantayan ito pagkalabas niya ng silid. Sumakay siya sa kaniyang Pick up truck at habang nasa biyahe ay nagsimula niyang tawagan ang kaniyang kaibigan.

Brave Man Series 1- Alvaro SandejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon