Chapter 12
Gustong takbuhin ni Alvaro ang distansiya nila ni Denise para yakapin ito pero hindi iyon ang tamang oras.
Lumapit sa kanila si Denise. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito pero mababakas ang matinding galit at poot sa mga mata nito. And those eyes darted at one person. Kay Stella na sa kabilang banda ay nakangisi. Mukhang nasisiyahan pa ito sa nangyayari.
"Niloko mo ko?" mariin na tanong ni Denise.
"I did, and since you're stupid ngayon mo lang nalaman--- hindi na natapos ni Stella ang sasabihin dahil mabilis na umigkas ang kamay ni Denise pasampal sa pisngi nito. Kaliwa't kanan. Napasinghap ang lahat. Kitang-kita kay Denise ang galit, at mukhang walang makakapigil dito.
"Bitch!" sigaw ni Stella sabay hablot sa buhok ni Denise, gumanti naman ang huli na nauwi sa sabunutan.
"Sinakripisyo ko ang anak ko para sa taong kagaya mo, papatayin kita!" sigaw ni Denise.
"Binabawi ko lang ang para sa akin. Akin si Alvaro!" sigaw rin ni Stella.
"Oh my god, stop them Alvaro!" sigaw ng kaniyang Ina na yakap na ngayon ng Papa niya.
And that's what he did. Inawat niya ang mga ito. Niyakap niya si Denise sa bewang nito at hinila palapit sa kaniya. Ganoon rin ang ginawa ni Nexus kay Stella.
"Bitiwan mo ko, papatayin ko ang babaeng yan!" sigaw ni Denise.
"Stop it Honey!" niyakap niya ng mahigpit ang asawa at pinakalma ito.
Dumating naman ang iba pang tauhan ng mansion at inilabas ang mag-amang Soliman. Nagsisisigaw si Stella samantalang payapa namang sumama ang ama nito.
"Ako na ang bahala sa kanila!" Nexus said.
"Thank you bro!" he replied. Tumango ito at nagpaalam na sa lahat.
Napabuntong hininga nalang si Alvaro. He hope that everything is over now.
Bumaba ang tingin niya sa yakap na asawa. Denise is crying. Binalot ng takot at pag-aalala ang dibdib niya.
"Honey!" he called.
Denise look up at him. Hilam ng luha ang mukha nito. "Si Stella, siya ang dahilan kung bakit kita iniwan noon." she said between her sobs.
Lalo siyang nakaramdam ng galit para kay Stella. Kumuyom ang kamao niya. He'll make sure that Stella and his father will be rot in jail.
__________________
Denise slowly open her eyes. Nilibot niya ang tingin sa buong paligid at doon ay napagtanto niyang nasa loob siya ng silid ni Alvaro.
Dinala siya rito ng asawa matapos ang naganap na rebelasyon sa pagitan nila ni Stella kanina lang. Nakatulog siya dala ng sobrang pag-iyak.
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Nakwento na rin niya kay Alvaro at sa mga magulang nito ang tunay na nangyari. They're all mad of the Soliman's lalo na si Alvaro. Hindi ito pumayag sa gusto niya na hayaan nalang si Stella. He was really determine to put her in jail. Hinayaan nalang niya ito, hindi na rin mahalaga ang mga nangyari noon dahil para sa kaniya tapos na iyon. Tapos na ang lahat, maaari na silang magsimulang muli ni Alvaro.
Natuon ang atensiyon ni Denise sa pinto ng bumukas iyon. Mula roon ay pumasok ang ina ni Alvaro, her mother in law Belinda smiled at her.
Umupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. "How are you feeling?" she asked.
Tipid siyang ngumiti. "Maayos naman po Mrs. Sandejas!"
"Oh you don't call me that, it's Mama Bel remember?" kay gaan ng mga ngiti nito habang sinasabi iyon.
BINABASA MO ANG
Brave Man Series 1- Alvaro Sandejas
Storie d'amoreBrave Man Series 1 Hindi mapaniwalaan ni Denise ang balitang ibinungad sa kaniya ng kaniyang Ina ng pauwiin siya nito sa kanilang bayan sa Santa Elena. She's getting married. Hindi siya ipinagkasundo kagaya ng tradisyon ng mayayamang pamilya, bagkus...