Chapter 10

1.8K 72 27
                                    

Note ni Author:  Pakibasa po ang note ko sa end ng chapter na ito. Importante po iyon hehe. Lubyu mga bhie😘

____________________

Chapter 10

"Mommy, Daddy is here na po!"

Nakangiting nilingon ni Denise ang anak. Bakas na bakas sa mukha ni Avana ang excitement kaya natutuwa siyang lalo dito.

"Okay baby, Mommy's just gonna finish packing your things. Hintayin mo nalang ako sa ibaba alright?!"  sagot niya.

"Sige po!"   Avana said at patalon-talon na lumabas ng kwarto.

Mabilis na tinapos ni Denise ang ginagawa, ayaw niyang paghintayin ng matagal ang anak niya.

Araw iyon ng linggo at napagkasunduan nila ni Alvaro na ipasyal si Avana bilang isang pamilya. They planed to go on a leisure park and have a picnic kaya naman maaga rin siyang nagising para maghanda ng pagkain.

Nang matapos siya sa pag-aayos ng gamit ay bumaba na si Denise para puntahan ang mag-ama niya. Dumaan muna siya sa kwarto ng ina para tignan ang lagay nito. Naibilin na niya sa nurse ang Mama niya, naroon din naman si Mang Isko at Manang Salud kaya naman kahit paano ay palagay ang loob niya.

Nasa labas na si Alvaro at Avana ng madatnan niya. Her daughter is sitting on the pick-up's hood while Alvaro's busy tying her shoe lace. That's a beautiful sight for her. Hindi napigilan ni Denise ang hindi mapangiti pero kaagad rin iyong napawi ng maalala niya si Stella.

Questions starts to enter her thoughts. Bakit nga ba narito si Alvaro. Hindi ba at may sarili na itong pamilya? Si Stella at ang anak nila, alam ba ng mga ito na narito sa kanila si Alvaro at pinupunan ang pagiging ama sa anak niya. Marahil ay hindi alam ni Stella dahil kung alam nito ay hindi niya basta nalang papayagan si Alvaro pero.....

'I am his wife. Sa akin siya kasal. Nasa akin ang lahat ng karapatan para kay Alvaro. Hindi ko na dapat inaalala ang babaeng iyon.'

"MOMMY!!" 

Tumingin siya kay Avana. Masayang-masaya ito walang duda. Nakikita rin ni Denise ang kasiyahang iyon kay Alvaro.

Matagal na dapat nangyari sa mag-amang ito ang mga bagay na iyon. 'Bakit ba nagpadaig ako sa takot ko? Bakit ba inuna ko ang iba kesa sa sarili kong kapakanan at lalo na ang sa anak ko? Bakit?' Lahat ng karapatan kay Alvaro bilang ama ay na kay Avana rin. Bakit ba parang lumalabas na kami pa ang nakikihati?'

Napalunok si Denise. Tears started to form on her eyes. Ngayon niya napagtanto kung gaano siya naging katanga sa desisyong ginawa niya noon. Pinagsisisihan na niya ito ngayon. She was brave to stand on her own but not responsible enough to face the consequences of her actions. And that's how stupid she is.

She wipe her tears. Nangyari na ang nangyari, wala na siyang magagawa para baguhin pa iyon pero sa pagkakataong ito may panahon pa siya para bumawi at itama ang lahat.

'Gagawin ko, lahat lahat para kay Avana! She deserves to be happy and have a complete family at uumpisahan ko iyon sa pagbawi kay Alvaro. Sa Asawa ko!'

Brave Man Series 1- Alvaro SandejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon