Chapter 3

1.9K 77 5
                                    


MAGDIDILIM na ng makarating ang mga Molina sa Rancho Sandejas.

Hindi pa rin maganda ang timpla ni Denise dahil sa lalaking naka daupang palad niya sa lawa kanina. Hindi mawala sa balintataw niya ang mukha nito at ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Naiinis pa rin siya sa kapahangasan nito pero may konting sundot na naidulot sa kaniyang puso ang ginawa nito.

But she had to erase that feeling. Ikakasal na siya, at ngayon nga ang nakatakdang araw na makikilala niya ang magiging katipan.

Isang kasambahay ang umalalay sa kanila papasok sa Mansion. The house is not the same like their mansion. Ang Mansion ng mga Sandejas ay antigo, nahahalintulad pa ang itsura nito sa mga mansion noong panahon ng mga kastila. Very old fashioned but still beautiful because it was preserved by the family.

Malawak ang Rancho ng mga Sandejas, ayon sa kwento ni Mang Isko ay ekta-ektarya ang lawak ng tubuhan at niyugan ng mga Sandejas. Hindi pa kasama roon ang asukarera at lugar kung saan inilalagak ang mga alagang kabayo ng Don.

Indeed the family is rich.

Idinala sila ng kasambahay sa malaking hapag. Naroon ang isang matandang lalaki, at isang babae at lalaki na mukhang nasa edad ng kaniyang ina. Napakalawak ng ngiti ng mga ito ng salubungin sila.

Bumeso ang mga ito at bumati.

"Welcome to Sandejas Ranch Divina!"  sabi ng babae na kaedad ng kaniyang ina.

"It's nice to be here again Belinda!" sagot naman ng kaniyang Ina.

"You have a very beautiful daughter Divina!" puna naman sa kaniya ng lalaki na mukhang asawa ni Belinda, dahil naka abrisete ang huli dito.

Ngumiti ang kaniyang ina at bumaling sa kaniya. Pinamulahan naman si Denise ng mukha ng mapunta sa kaniya ang atensyon.

"Of course she is, Alvaro!" sagot ng kaniyang Ina. Doon napaangat ng tingin si Denise.

'Alvaro?? Could it be him?? Siya ba ang pakakasalan ko?"

Pinagmasdan niya ang lalaking tinawag ng kaniyang ina na Alvaro. Gwapo ito pero may katandaan na para sa edad niya. Naningkit ang mga mata ni Denise ng may mapansin. 'He looks familiar.. parang nakita ko na ang mukhang iyon?"

Nahinto si Denise sa pagtitig sa lalaki ng may dumating.

"Sorry i'm late!"

"Yes you are Alvaro, i told you to be here as early as possible. Look naunahan ka pa ng bisita!"  litanya ni Belinda.

Isang pamilyar na lalaki ang lumapit at humalik sa pisngi ni Belinda. "Sorry Mom, tumulong pa ako kina Mang Roldan na paanakin si Snow White. Nahirapan sila dahil may sakit ang kabayo!"  paliwanag ng binata.

"Enough of your excuses. Apologize to your fiancee instead!"  utos ng ginang.

Tumango ang binata at humarap sa kanila ng kaniyang Ina. Nanigas si Denise sa kaniyang kinatatayuan ng magtama ang paningin nila ng lalaki.

'It's him, the naked guy in the lake!!'

Mukhang nakilala rin siya nito dahil rumehistro sa mukha nito ang pagkabigla, pero saglit lang iyon at agad itong nakabawi.

"Hi! Sorry i'm late. I'm Alvaro, you are??"  tanong nito at iniabot ang kamay sa kaniya tanda ng pagpapakilala.

She's having second thoughts on accepting him dahil sa ginawa nito kanina pero ayaw naman niyang ipahiya ang kaniyang Ina kaya tinanggap niya ang kamay nito.

"Denise!"  She said and extended her hand to him.

Kaagad na dumaloy ang kuryente sa palad ni Denise. Bahagya pang pumisil ang kamay ni Alvaro sa kaniya na dahilan para magkaroon ng nag uunahang daga sa dibdib niya.

Brave Man Series 1- Alvaro SandejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon