Chapter 5

38 4 0
                                    

Alexa's POV

"Patay" Tss. Siya ang may kasalanan nito e. -_-

"What's happening here?!" Tanong ulet samin ni Principal.

"Mam, sorry po. Eto po kasing gurpo ng mga lalaking to, pinagtripan ako. Kinuha nila yung pagkain ko ng walang paalam at ang eto pa pong isang to, pilit na tinatawag akong Halimaw" Paliwanag ko kay Principal. Mahirap na baka mabaliktad pa ako ng mokong na ito.

"E sa Halimaw ka naman talaga e! Mam, siya rin naman po! Tinawag niya akong Bakulaw! Seriously? Me?! BAKULAW?! Its too unbelievelable. Halatang imbento lang. E yung sa sinabi ko pong Halimaw, makatotohanan, walang halong biro yun." Sabi nung Bakulaw. Ang kapal tlga ng mukha.

"Mam, o! Pinagtripan na nga ako, nilait lait pa ako ng Bakulaw na yan!"

"Totoo namang Halimaw ka e! HALIMAW!"

"Che! Tumahimik kang Bakulaw ka! BAKULAW!"

"HALIMAW!

"BAKULAW!"

Magsasalita pa sana yung Bakulaw nang biglang sumigaw si Principal.

"Enough! The two of you. In my office!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya ng room. Sumunod ako sa kanya na nakabusangot ang mukha. Ghad! Seriously? First Day is Hell Day. Nang makarating na ako sa office ng principal, umupo agad ako sa may sofa.

"Where's Mr. Dela Fuente?" tanong sakin ni Ms. Principal. 'The hell I care' Yan tlga ang gusto ko sabihin kaso I have to be nice even though Im pissed off. I just shrugged at her. Pagkatapos biglang bumukas ang pinto at iniluwa yung Bakulaw na yun. Speaking of the devil.

"What happened Ms.Davis?" tanong sakin ni Ms. Buti nalang at ako ang unang tinanong nito.

"Like what I've said a while ago, his gang is teasing me and then he joined them. And he won't stop in calling me Halim--"

"Pero tinawag mo din naman akong bakulaw! Fair nam--"

"Im not yet asking you Mr. Dela Fuente!" Pagsita sa kanya ni Ms. Binelatan ko nalang siya.

"Continue Ms. Davis"

"Thankyou Ms. As I was saying, he keeps on calling me halimaw. So I've got pissed and called him Bakulaw. And after that, you saw us yelling at each other" I said to Ms. Everybody knows that I like speaking in English because I was raised from America but then again, I've realized its too "sosyal" and it doesnt suits to a nerd, let's just consider it in my academics.

Tumingin si Ms. kay Bakulaw, giving him the signal to speak.

"She called me Bakulaw, so I called her Halimaw backed. Its not a big deal. It suits her." Napakunot ako ng noo sa sagot. This is guy is really getting into my nerves.

"Hmm.Well if that's the case. The both of you have a mistake. So the punishment will be given to the two of you" And that made my jaw-dropped.

"Punishment?" Paninigurado ko.

"Yes"

------------

Kakaupo ko palang sa bench nang meroon na namang nagtapon ng basura. -.- Siyempre, winalis ko na naman ulet at itinapon sa basurahan. Ganun din ang ginagawa ng bakulaw na kasama ko.

"Ang hirap naman ng parusa nato. Yung totoo? Parusa ba to o torture. Ang laki laki nitong garden e. At mga wala pang puso ang mga nagtatapon ng basura dito. " Reklamo ko. Oo tama kayo ng basa. Paglilinis lang naman ng garden ang parusa namin. Hay, grabe. Pagod na ako at ang sakit ng likod ko.Papaupo palang kami nung bakulaw nang meroon na namang dadaan at nagtangkang magtapon ng basura. Kaso di niya nagawa dahil sa tingin ni Bakulaw.

"Subukan mo lang itapon yang basura kung saan saan. Hindi ka na sisikatan ng araw." Seryoso ang mukha niya pero punong puno ng authority ang boses niya.

Nagulat nalang ako ng biglang tumakbo yung lalaki na parang takot na takot. May katakot takot ba sa pagmumukha ng Bakulaw nato? E, kung sakin yun lahat na siguro ng tao dito sa school magtatapon e. If I know, kung hindi ko kasama tong Bakulaw na ito e, malaman ko bang kasama siya sa mga walang.pusong nagtatapon ng basura dito sa garden.

"Caizer!" Sigaw ni Luke, kasama din niya yung kapatid ni Trixy at si Tuck. Naghand shake lang silang apat tapos nagkwentuhan tungkol sa mga lesson na hindi ko naattendan. It sucks. Kasama pa ang Math sa hindi ko naattendan.

"Kelan ka pa nagkaroon ng malasakit sa Inang Kalikasan? HAHAHAHA!" Halos dina makahinga itong si Luke na ito sa pagtawa. Tss.

"Hi Ladyghost!" Sabi sakin ni Tuck. Hay, anghel--. Ghad. What am I even saying? Inirapan ko nalang tapos napatawa siya ng mahina. What's so funny?

"Alexa!" Sigaw ni Trixy habang papalapit sakin. Kasama rin niya si Annika.

"Linis ha. Buti di ka tinamad." Sabi ni Annika.

"Tss."Yan nalang nasabi ko. Kahit ayoko, kelangan. Kung hindi magkakarecord ako.

"Trixy, tara na umuwi" Sabi ng kuya ni Trixy.

"Okay. Girls, una na ako ha? :) Seeyou tomorrow" Tapos nagbeso kaming tatlo.

"Tara na Alexa. Mag-mall tayo?" Aya sakin ni Annika.

"Annika, gusto ko nalang umuwi. Ang sakit na ng ulo ko" Sobra na talaga yung sakit ng ulo ko. After kasing ibigay samin ang parusa, umaattend muna kami ng morning classes namin. Di namin sinabi sa kanila yung parusa, ayaw ipaalam ni Bakulaw e. Tapos, pinatawag kami ni Ms. at sinabing after lunch daw namin simulan ang cleaning. Nagsimula kami ng 1, at ngayon uwian na. 3:30 na. Mahigit 4 oras na kaming nandito sa park.

"Hindi ka pa pwedeng umuwi. Hanggang 4 sabi ni Ms." Sabi ni Bakulaw. Tss. Ayoko na talaga, uuwi na ako.Kinuha ko yung phone ko at dinial ang # ng mga bodyguards ko. Mga BG na hindi ko pinadidikit sakin. Mga 1 km away ang agwat nila sakin. Tapos tinatawagan ko sila kapag kelangan ko sila. And this time kelangan ko talaga sila.

"Yes, Mam Alexa?" Tanong sakin ni Kuya Ben.

"Kuya, Alexa nalang po. Pwede po bang humingi ng favor? Pwede kayo nalang ang tumapos ng parusa na ito? Hanggang 4 lang naman, 30 mins. na lang naman. Uuwi na ako ha :) Salamat" Siyempre, susundin niya ang utos ko. Isumbong ko siya kay Mom e, for sure wala na siyang trabaho.

Pinulot ko na yung bag ko at naglakad na papalayo, nakakailang hakbang palang ako nang biglang nagsalita si Bakulaw.

"Hoy! Pandaraya yang ginagawa mo!" Hindi ko na siya nilingon at itinaas ang kamay ko at sinabi ang bagay na hindi pa niya siguro alam.

"No worries. Kami naman ang may-ari ng school na ito" Sabi ko. At naglakad na. Alam kong hindi bagay sa pagiging nerd ko yung asal kong yun. Kaso, simula ng dumating yang grupo na yan. Simula nung araw na makilala ko sila, nangako na ako na magiging mas matapang na ako ngayon. Kahit na sabihin pa nilang nagbago na ako.

"Looks like, your making your first step again" Sabi sakin ni Annika na nginitian ko lang.

Now Im sure that I will bring back the real Alexa.

------

All Bad Boys Fell In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon