November 06, 2020
He used me
"Alam mo Che malakas talaga yung kutob ko jan sa bago mong jowa eh, aba kung maka utang sayo wagas." na tawa ako ng marinig ang sinabi ng kaibigan ko.
"Nasa hospital daw kasi yung tatay niya, na ngako naman siya sakin na ibabalik niya yung inutang niya eh kaya chill ka lang jan." saka ko ipinag patuloy yung pag lilinis ko sa mesa.
Isa akong restaurant crew hindi na ako naka pag patuloy sa pag aaral dahil kailangan kong mag trabaho para suportahan ang mga kapatid ko.
"Pangako, pangako, pangakong napapako!" sigaw niya saka tumalikod at nag martsa papunta sa storage room.
Na tawa naman ako sa kanya, bata palang kami ni Ralph mag bestfriend na kami marangya ang buhay niya pero nag trabaho siya para daw may kasama ako.
Kaya siya na gagalit ay dahil pinautangan ko ng sampung libong piso yung boyfriend ko dahil kailangan na daw ng pambayad sa hospital ng tatay niya.
Mahirap lang ako, walang ganon ka laking pera pero ang ibinigay ko sa kanya ay ang perang lagi kong itinatabi para sa sarili ko at kapag nag karoon ng problema.
Na pahinto ako sa pag lilinis ng pinag kainan ng costumer ng biglang may tumawag sa akin, na pangiti ako ng makitang ang boyfriend ko ang tumawag.
"Magandang hapon mahal." masigla't naka ngiti kong bati.
"Afternoon naka uwi na ko, saka ko nalang babayaran yung utang ko pag may pera na ko sige yun lang bye." na gulat ako ng agad niyang binaba ang tawag ko sa kanya.
Nasa probinsya kasi siya, gaya ko'y nag lakas loob siyang makipag sapalaran sa maynila para sa pamilya, umuwi siya para tignan ang kanyang tatay na nasa hospital at para bayaran narin ang kanilang hospital bill.
Malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko, hindi siya kagaya ng iba na basta basta na lang aalis pag na kuha na yung gusto nila.
"Ok mag ayos na kayo at pwede na tayong umuwi para maka pag pahinga marami nanaman tayong tratrabahuhin bukas panigurado. Mag iingat kayong lahat sa pag uwi." nag si tunguan kami upang mag bigay respeto sa isa't isa.
"Tara na." sabi ni Ralph, sinukbit ko naman ang sling bag ko sa katawan ko saka kami nag lakad palabas ng restaurant.
"Oh naka usap mo na yung jowa mo?" tanong niya habang nag lalakad kami pauwi, medyo malapit lang naman ang apartment na tinitirahan namin sa pinag tratrabahuhan namin.
"Oo, pero mabilis lang, sinabi niya naka rating na daw siya tapos saka niya daw babayaran yung pera ko pag may pera na siya." na kita ko naman siyang napa iling.
"Che." saka siya huminto at hinawakan ang mag kabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya.
"Sige magalit ka na sakin, pero kasi hindi talaga maganda yung kutob ko jan sa lalaking yan eh." saka niya ako tinignan ng nag aalala.
"Ralph, alam kong nag aalala ka sakin pero kaya ko naman ang sarili ko at isa pa malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko Ralph hindi niya ako gagaguhin at peperahan, alam ko iyon." saka hinawakan yung pisngi niya para mapa kalma siya.
Ngumiti lang siya ng pilit at nag lakad na ulit kami't naka uwi sa apartment ng tahimik.
Naka tira kami ni Ralph sa iisang bubong pero wala kaming relasyon, para na lang kasi kaming mag kapatid.
Habang na liligo na isip ko yung sinabi ni Ralph sa akin kanina. 'Pangako, pangako, pangkong na papako!' Pilit kong itinatatak sa isip kong hindi niya magagawa sa akin yun pero hindi ko talaga mapigilang hindi mag alala, ngayon lang kasi niya ako hiniraman ng ganong kalaking pera.
YOU ARE READING
100 Short Stories
Short StoryI'm Annah_Writes and I have the rights to write what is right...