Kabanata 1

34.9K 811 108
                                    

Ten years ago. . .

 

 

Naiinis na si Kraius dahil sa sobrang traffic ng EDSA. Kanina pa siya sa daan ngunit wala na yatang katapusan ang byahe dahil sa haba ng pila ng mga sasakyan. Busina dito, busina roon ang tanging naririnig niya. Ang mga usok na nagmumula sa tambutso ng jeep, at ang mga taong naglalakad sa makipot na gilid ng kalsada ang kaniyang nakikita. 

Pawisan ang kaniyang noo at iritado ang kaniyang pakiramdam. The coldness that was coming from the aircon of his black BMW was not enough for him. Ang gusto niya ay makaalis sa gitgitan ng mga sasakyan, makaalis sa lugar na iyon, at makarating sa kaniyang destinasyon. 

Sa naisip ay mas lalo siyang nainis. He hated to be late. Ang motto niya sa buhay, Time is Gold. Kaya nagtapos siya ng abogasya sa edad na bente dos. Ngunit, wala na yata siyang magagawa sa sitwasyon sa kasalukuyan kundi ang maghintay kung kailan uusad ang trapiko; pero mukhang matatagalan pa iyon. 

“Damn!” malutong niyang mura nang makita ang oras sa screen ng kaniyang iPhone. Late na siya ng trenta minutos sa kaniyang meeting sa isang kilalang aktres.

Napamura muli siya. Alam niyang guwapo siya ngunit nauubusan din ng pasensya. Nang umusad ang trapiko, mabilis niyang pinaharurot ang kotse. Ilang sandali ay tumigil ang sasakyan sa isang Chinese restaurant sa BGC. Kaagad niyang ibinigay sa valet ang kaniyang susi at umibis palabas. Dala ang kaniyang attaché case at cell phone, naglakad siya na tila isang modelo ng Abercrombie, wearing his usual business suit, black slacks, and shiny loafers.

Pagkapasok pa lamang niya sa loob ng resto, inilibot kaagad niya ang paningin. Namangha kaagad siya sa interior ng buong lugar. Hindi lamang ito typical na Chinese resto kundi ekslusibo lamang para sa mga mayayaman at prominenteng mga tao. Cozy ang ambiance at malinis tingnan ang paligid.

Nakita niya kaagad ang hinahanap nang ibaling niya ang paningin sa kaliwang bahagi ng restaurant. Nakaupo ito sa isang pandalawahang mesa at mukhang aalis na. Mabibilis ang mga hakbang na nilapitan niya ito at hinawakan sa braso mula sa may likuran nito.

“Sorry, I’m late!” wika niya at mabilis na lumipat sa harapan nito. He immediately smiled seeing the famous Laura Moran, an award-winning actress. Sopistikada ang anyo nito ngunit mababakas pa rin ang kasimplehan. 

Puting blouse at jeans lamang ang suot ng babae. May isang simpleng relo sa kanang kamay habang nakapusod ang mahaba at kulay itim na buhok. Simple ang makeup sa mukha at pulang lipstick sa labi. Tantiya niya ay mas matanda lamang ito ng limang taon sa kaniya. 

“Kraius Montreal, at your service,” pabirong wika niya at inilahad ang kaliwang kamay rito. 

“Laura Moran,” nakangiting sagot naman ng babae. 

Napangiti si Kraius. Nainis man siya sa trapiko sa EDSA, binawi naman iyon ng napakagandang mukha na nasa kaniyang harapan. Kung hindi lamang niya alam na may asawa na ito at magpapa-annul, baka napabilang na rin ito sa kaniyang listahan. 

He loved virgin girls. Mas gusto niya ang mga inosenteng babae para makuha sa kama. He loved to train them in bed, pleasuring them like a pro and claiming them senseless. Mas gusto niyang nasasaktan ang mga babae niya at umiiyak kapag kasama siya at pinapaligaya ang mga ito sa kama. 

“Are you okay, Mr. Montreal?”

Napailing siya nang marinig ang boses ng kaharap. Tirik pa ang araw dahil alas-dos pa lamang ng hapon ngunit kung ano-anong kamunduhan ang pumapasok sa utak niya. Kailangan niyang palisin ang iniisip at maging propesyunal sa isang kliyente, kaya paulit-ulit niyang sinaway ang sarili.

BS#3: OWNING HER INNOCENCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon