Kabanata 7

15.3K 564 98
                                    

Kraius’ eyes widened as Rhezi’s lips touched his lips. Kasabay noon ay ang eratikong pagtibok ng puso niya. Paulit-ulit iyon na tila nakikipagkarerahan, habang pigil na pigil naman niya ang paghinga.

Hindi siya makapaniwala na hahalikan siya ni Rhezi. Ang pakay lamang niya sana roon ay personal na sabihin ditong tapos na ang pinapagawa nitong argumentative essay. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang talikuran ang isang masarap at mainit na gabi sa piling ni Shan dahil dito. Gayunpaman, walang siyang makapa na pagsisisi sa naging desisyon.

Nang pakawalan ni Rhezi ang labi niya ay ngali-ngaling kutusan niya ang sarili. He wanted more. Gusto niyang habulin ito at halikang muli sa paraan na gusto niya. Marubdob, mainit, at maaalab na halik, iba sa iginawad nito. Is he her first kiss?

He smiled as the realization hit him. Tiningnan niya nang nakakaloko ang dalaga na pulang-pula ang mukha dahil sa pagkapahiya. Nakatitig din ito sa kaniya pabalik habang nakanguso ang mga malalambot at mapupulang labi. Nakakaakit ito sa kaniyang paningin. Nabato-balani siya.

“Kraius?”

Napamura siya sa isip nang marinig ang tinig ni Rhezi. Lumunok, para pigilan ang sarili sa balak na gawin. He desperately stopped himself from doing things that he would regret after. For heaven’s sake, Rhezi’s a minor! But, damn! How would he resist her? Paano niya gagawin iyon kung para itong nanghihipnotismo nang hindi nito alam.

“I’m sorry,” wika ni Rhezi. Inayos din nito ang sarili at tumayo nang tuwid.

He creased his eyebrows. An indication that he didn’t like what he heard from her. Inilagay niya ang hintuturo sa panga niya. Nag-isip. Kapagkuwan ay naging payapa ang ekspresyon ng guwapo niyang mukha.

Jowa kita, ’di ba?” tanong niya.

He playfully smiled seeing Rhezi got stunned on what he said. So, hindi pala nito inaasahan na magiging seryoso siya sa sinabi nitong mag-jowa sila? Siya rin naman ay hindi lubos maisip na seseryosohin niya ang bagay na ’yon. But maybe, it was inevitable. Nagustuhan niya ang ideya dahil may kakaiba itong dulot sa kaniyang sistema.

He asked again, “Jowa kita, ’di ba?”

“Oo, bakit?” naguguluhang sagot nito. Kunot ang noo.

“Date me,” walang kaabog-abog na alok niya.

Nanlaki ang mga mata ni Rhezi.

Cute! sigaw ng utak niya.

Napangiti siya nang ngumuso ito, tila nag-iisip.

“Baka akala mo gustong-gusto ko ’yang offer mo, ah. Pero, sige na nga!” Napakagat ito sa labi. Sinulyapan ang tatlong kaibigan na parehong nanonood sa kanila. Bakas sa mga mata ng tatlo ang kilig.

Napailing siya. Napangiti. Rhezi’s voice lacked conviction. Alam niya na nagpapanggap lamang ito. Nang magsalita muli ito, natawa siya nang mahina. Sinamaan siya nito ng tingin kaya ang mahinang pagtawa niya ay naging halakhak.

Sumimangot si Rhezi. “Bakit ka tumatawa?”

“Nothing. Tara na nga!” wika niya. Mabilis niyang inakbayan ang dalaga na naging dahilan para manigas ang katawan nito. Siya man ay nagulat din sa tila kuryente na dumaloy sa balat niya.

Déjà vu!

ANG bawat dantay ng balat ni Kraius kay Rhezi ay nagdudulot sa kaniya ng kakaibang kiliti at pakiramdam; sanhi para magwala ang mga paruparo niya sa tiyan, habang walang habas naman ang puso niya sa pagtibok nang mabilis.

BS#3: OWNING HER INNOCENCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon