Hindi mawaglit ang ngiti ni Rhezi sa mga labi habang pinagmamasdan ang sarili sa harapan ng salamin. She was wearing her usual fitted skinny jeans and a white ruffled chiffon blouse paired with her favourite white Adidas sneakers. Her wavy hair was falling in its right places that fitted her doll-like-shaped face and enhanced her small pointed nose.
She smiled when she realized something. Sigurado siyang malaki ang naging pinagbago ng kaniyang timbang. She moved and looked at her side. Mas lumapad ang pagkakangiti niya nang makumpirma iyon. Kapagkuwan, muli niyang sinipat ang sarili at nagpasyang maglagay ng kaunting kulay sa labi. She put on her favorite lip gloss and decided to leave her room after.
She was happy. It was not just because she lost weight but because Kraius asked her on a date. Isa iyong milagro para sa kaniya na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan. Who would have thought that her joke on him would become serious? Hindi niya kayang ipaliwanag, ngunit ang nagiging relasyon nila ni Kraius ay higit pa sa kaibigan. In fact, she had to admit, she was not just infatuated with him. She thought she was falling in love with the man!
“Oh, nandito na pala ang prinsesa ko.” Isang malapad na ngiti kaagad ang isinalubong ng kaniyang ina na si Jansen sa kaniya.
“Hi, Ma, good morning!” aniya.
She walked close to her mother and hugged her tight. Hinalikan din niya ang pisngi ng ina bago lumapit sa naghihintay na si Kraius. Tumayo kaagad ito nang makita siya. Nakasimpleng jeans at white T-shirt lamang ang binata na bakat sa katawan nito, habang suot ang paboritong dog tag na necklace mula pa sa mga ninuno nito sa Turkey. Kahit simple, masyado pa rin itong guwapo sa paningin niya. Nakaramdam siya ng insekyuridad.
“Let’s go?” wika ni Kraius. Pinagmasdan siya nito nang mariin.
“K-Kraius, ayos ka lang?” tawag niya rito. Tumikhim siya dahil sa pagkailang.
Paano kung hindi nagustuhan ni Kraius ang kaniyang itsura?
Paano kung pangit siya sa paningin nito?
Napayuko siya.
“You look beautiful,” ani Kraius. Para bang nabasa nito ang kaniyang isip.
Kaagad ang pagtaas niya ng tingin. She looked at him. Sumalubong kaagad sa kaniya ang mga mata nitong maririin. May kakaibang emosyon iyon na maging siya ay hindi kayang basahin.
Dinadaya ba siya ng sarili?
“You’re beautiful, Chubz,” bulong muli nito.
“Come on, you two! Bilisan niyo na at baka ma-late pa kayo sa byahe,” agaw ng kaniyang ina sa namamayaning awkwardness.
Tumango si Kraius sa sinabi ng mommy niya.
“Hihiramin ko muna ang dalaga mo, Tita.”
“No problem, Krai. Take care. Alagaan mo ang anak ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya.” Kumindat ito kay Kraius.
Namula ang pisngi ni Rhezi. “Mommy! Nakakahiya,” saway niya.
Kraius chuckled. Inabot nito ang kamay niya.
Umiwas siya ng tingin nang silipin nito ang kaniyang mukha. Alam niya kasi na pulang-pula iyon. Hindi pa siya nababaliw para ipagkanulo ang sarili!
“You’re so cute when you blush.”
“Don’t tease me,” pagpigil niya rito.
“I am not.” Inakay siya ni Kraius palabas ng mansion nila.
Nang marating nila ang malawak na bakuran ng mga Lagdameo, tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya.
“Look at me in the eye, Chubz. Come on!” utos nito.
BINABASA MO ANG
BS#3: OWNING HER INNOCENCE
General Fiction#Mature #Age gap #Tinaguan ng anak Mapaglaro sa pag-ibig. Kaya si Kraius, seventeen years ang naging bad luck.