Rhezi looked at her phone when it blinked. It was a message from her mother. She abruptly took the phone and read the message. She frowned. Mas nasira ang mood niya nang mabasa ang mensahe nito. Mabilis na pinatay niya iyon at isinilid sa bag na dala.
“Ano’ng iniisip mo, taba?”
She instantly glared at Jericho. Magkasama sila ng binata dahil sa isang project sa English. Sa kasamaang palad, ito ang naging partner niya na inireklamo pa niya sa kanilang adviser, ngunit hindi rin nito pinakinggan. Siya lang kasi ang may ayaw na makasama ito, dapat daw dalawa sila ng kaklase para payagan siya ng adviser na maghanap ng bagong partner.
Sa isang sikat na restaurant sa BGC sila nagtungo. Presko ang lugar at hindi maingay dahil nasa private room sila. Doon niya nalaman na pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Jericho. She was impressed, but it vanished into thin air in an instant because of his arrogance.
“Hindi ikaw ang iniisip ko kaya kumalma ka!” Inikutan niya ito ng mga mata.
Natawa si Jericho. Hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy na sa pagtipa sa laptop para matapos na sila.
“Hindi ka pa ba tapos?” she asked him, irritated.
“Hindi pa.”
“Ang bagal mo naman.”
Jericho chuckled and shook his head. Binalingan nito ang sariling laptop, nagtipa, at inabot ang Lays na nasa mesa. “Do you have a crush, Rhezi?” tanong nito na ikinabigla niya.
Napakunot ang noo niya nang balingan si Jericho. May pagtataka na sinuyod niya ito ng tingin. Hindi man lamang makitaan ng kaunting pang-aasar ang mukha nito habang seryosong nakatitig sa kaniya.
“Kung meron, ano naman sa ’yo?” mataray na aniya.
Tumingala siya at hinilot ang noo. She was tired. Buong limang oras na ang ginugol niya para sa project nila. It was also late in the evening and she was hungry. Maraming pagkain na nakalahad sa mesa na nasa harapan nila, ngunit, dahil pinanindigan niyang mag-diet, hindi man lamang siya tumikim kahit kaunti sa mga nakahain. Pinaghahandaan niya kasi ang future figure niya, kasama si Kraius, of course!
Napangiti siya sa naisip.
Hindi pa rin niya mapaniwalaan na may maghihintay sa kaniya sa labas ng gate ng kanilang mansion. Hindi rin niya kailanman naisip na yayakapin siya roon at hahalikan nang walang pasubali. It was her first time. Sobrang kilig ang nadarama niya pagkatapos na hindi siya pinatulog buong magdamag. Then, the date happened. It was the most romantic and magical event in her entire life.
“Sino ang crush mo?” curious na tanong ni Jericho.
“It’s none of your business, Jericho. Bilisan mo na lang ’yang ginagawa mo.” Hinawakan niya ang necklace na suot. Bigay iyon ni Kraius nang nasa tuktok sila ng Sky Ranch sakay ng Ferris wheel.
She instantly remembered how possessive he was to her. Gusto nitong laging may update sa mga lakad niya. Gusto nitong lagi silang nagkakausap sa telepono gabi-gabi. Hindi naman problema sa kaniya iyon, gusto rin naman kasi siya ang pakiramdam na may interesado sa lahat ng bagay na ginagawa niya. She felt special with him. She felt she was being loved and protected.
Mahal mo rin naman siya! sigaw ng kaniyang utak.
Natigilan siya.
Oo, mahal na niya si Kraius. She finally admitted it now.
Was their relationship officially made now?
The thought was overwhelming, but there was no confirmation from Kraius. Ang sabi lang nito, they’re destiny. Isang bagay na mas lalo siyang naguluhan. Ano ba ang ibig nitong sabihin?
BINABASA MO ANG
BS#3: OWNING HER INNOCENCE
General Fiction#Mature #Age gap #Tinaguan ng anak Mapaglaro sa pag-ibig. Kaya si Kraius, seventeen years ang naging bad luck.