Kabanata 6

14.7K 564 85
                                    

Kanina pa nababagot si Rhezi. Bukod sa bored na siya sa mga nangyayari ay wala ring pumukaw sa kaniyang interes sa loob ng gym na kinaroroonan. Ang mga sigawan mula sa mga estudyante ang nagsisilbing ingay sa paligid ngunit wala roon ang isip ng dalaga. She was thinking about Kraius and her argumentative essay.

Ang totoo, kaya naman niyang gawin ang paperworks ng ilang minuto, ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung ano ang nagtulak sa kaniya para tawagan si Kraius at pakiusapan. Hindi rin niya lubos maisip na papayag kaagad ang lalaki nang walang kahirap-hirap. Sa huli, puro stalk sa lahat ng social media ng binata ang kaniyang ginawa nang nakaraang gabi.

“Hoy!”

“Aray! Ang sakit, ah!” reklamo niya nang maramdaman ang kirot sa kaniyang balikat. Malakas na hinampas kasi iyon ni Tin.

Sumimangot kaagad siya nang bumungad sa kaniya ang mukha ni Tin. Nakangisi ito habang hawak ang bola ng volleyball. Naka-cycling short ito habang suot ang kanilang P.E. shirt na white at green combination. Nakatali rin ang mahaba nitong buhok sa likod habang pawisan ang noo.

“Tulala? Why don’t you join us, Rhez?” aya ni Tin sa kaniya habang nakataas ang kilay.

Napabuntonghininga siya. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa lahat. Ayaw niya lamang aminin iyon sa mga kaibigan dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Bukod pa roon, alam niyang pagsasabihan siya ng mga kaibigan at pagagalitan. Alam kasi ng mga ito na hindi siya kumain kanina dahil sa goal niyang pumayat.

“Wala akong gana. You can play without me, Tin. Nandoon naman si Mics at Mina,” sagot niya. Seryosong sinasalubong ang mata ni Tin na may pagdududa.

“Shut the fuck up, Rhez! Ang arte mo!” inis na wika ni Tin bago siya inirapan. Itinapon din nito ang bola na hawak sa malawak na gymnasium. “Let’s go. Have some fun!” anito nang balingan siya’t pilit na pinapatayo.

Walang nagawa si Rhezi nang hilahin siya ni Tin. Kahit anong reklamo niya rito ay hindi nito pinakinggan. Determinado ito, alam niya. Hila-hila siya ng kaibigan sa braso habang mahigpit ang hawak doon. Malakas din ang kaibigan dahil Judo black belter ito. Ang tatlong kaibigan niya ay aktibo sa sports habang siya naman ay aktibo lamang sa pagkain.

“Bakit niyo ba ako pinipilit dito?!” inis na tanong niya nang pakawalan siya ni Tin. Malakas ang boses niya na umagaw din sa iba pang mga estudyante. May ibang nagbulungan, mayroon namang napataas ang kilay.

Tin tapped her left shoulder. Hinarap din siya nito habang sinusuyod ng tingin ang kaniyang kabuuan. Umiling ito pagkatapos ng ilang sandali at inakbayan siya. “Alam naming ginugutom mo ang sarili mo, Rhez. Suicidal ka na! Hindi ganiyan ang tamang gawin kung gusto mong pumayat.”

“Alam ko,” sumusukong tugon niya.

“Ganoon naman pala, eh!” pabalang na sagot ni Tin. “Oh! Sabunutan niyo nga itong maarte na ’to,” dagdag pa nito habang nakatanaw sa palapit na sina Mics at Carmina.

“Sorry,” mahinang bulong niya habang ang mga mata ay nasa dalawang kaibigan na kararating pa lamang.

“Rhezi, kung gusto mong pumayat, mag-exercise ka. Hindi ’yong nagpapagutom ka,” wika naman ng kaibigan niyang si Mina.

She smiled. Kahit na may kaniya-kaniyang ugali ang mga kaibigan ay mababait naman ang mga ito. Lagi din itong nakaalalay sa kaniya kahit pa nasusungitan niya minsan. They shared the best and the worst memories together.

“Oo na po,” wika niya.

“Good to hear that from you, Rhez. Huwag kang mag-inarte ulit. Hindi ka maganda!” Ngumiti lamang siya sa sinabi ni Mics.

BS#3: OWNING HER INNOCENCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon