Kabanata 4

17K 532 55
                                    

Kanina pa nagpabiling-biling sa higaan si Rhezi habang yakap ang SpongeBob na unan. Iniisip niya ang nangyari sa loob ng sasakyan ni Kraius nang hawakan niya ang kamay nito. Nakamamangha. All her life, she didn’t feel that strong kind of connection to someone. It was extra ordinary that she could still feel the warmth inside her chest.

She sighed and pouted her lips while looking at the ceiling. Nanlaki kaagad ang mga mata niya nang makita ang mukha ni Kraius doon. Bigla, binitiwan niya ang SpongeBob pillow at sinabunutan ang sarili. Nababaliw na siya dahil sa lalaki! Crush lang naman niya ito at wala ng iba. She was young and admiring someone was normal. 

Normal pa rin kaya na hindi siya makatulog dahil dito?

Napailing siya at mariin na ipinikit ang mga mata. Idinadalangin na sana dapuan siya ng antok.

Kinabukasan, maaga siyang nagising kahit alas-dos ng umaga na siya nakatulog. Ginugol niya ang buong gabi sa ka-s-stalk kay Kraius sa Instagram, at katititig sa guwapo nitong mukha, maging sa pagpapantasya sa perpekto nitong katawan. Magkaganoon man, hindi pa rin kakitaan ng eyebags ang kaniyang mukha, maging tigyawat ay wala rin. Napakakinis niyon na nakuha niya sa Spanish blood na nananalaytay sa kaniya dahil sa ama, at half Chinese naman ang kaniyang ina na maganda rin ang kutis. 

Mabilis ang mga hakbang niya na nagtungo sa kanilang kusina. Suot ang kaniyang complete uniform; puting polo shirt na may logo ng kanilang school sa may dibdib at isang plain navy-blue skirt na hanggang itaas ng tuhod ang haba, bitbit niya ang black leather bagpack at masiglang naupo sa bakanteng upuan na naroon.

“Good morning, Mommy!” masiglang bati niya sa ina na abala sa paghahanda ng kaniyang baon.

“Hello, love! Good morning,” sagot naman nito bago hinalikan ang tuktok ng ulo niya. 

Napangiti siya dahil doon. Masyadong spoiled siya pagdating sa ina. Mahal na mahal siya nito dahil nag-iisa lamang siyang anak. Her mother had PCOS two years after she was born and couldn’t carry another child anymore. 

“Mommy, malapit na ang birthday ko. I want to tour Asia. Puwede ba ’yon, Mom?” tanong niya habang pinagmamasdan ang ina na naghahain ng pagkain. 

As usual, bacon at hotdog ang niluto nito. Paborito niya iyon lalo na at may ginisang kanin at maraming bawang na kapares. Hot choco naman ang paborito niyang inumin sa umaga. Lagi rin siyang pinababaunan nito ng sandwich bread kaya hindi na kataka-taka kung bakit mabigat ang kaniyang timbang.

“Sorry, baby. . . but it’s a no.” Inilapag nito ang plato at seryosong tinitigan siya. “Bawal,” dagdag nito. 

Sumimangot siya. “But, Mommy! Eighteen na po ako! Bawal pa rin?”

Tumaas ang kilay nito. “Eighteen is still young, baby. So, stop this, okay. Bilisan mo na d’yan nang hindi ka ma-late sa klase.”

Wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa sinabi ng ina. Gusto niyang magprotesta ngunit pinigilan niya ang sarili. She took the spoon and fork and started eating. Sa isip, sa kaniyang ama na lamang siya makikipag-usap. She wanted to tour Asia because of a personal reason. Nakita niya kasi ang mga photos ni Kraius na naglilibot sa iba’t ibang lugar. Gusto niya rin na puntahan ang mga iyon dahil totoong nagandahan siya. Ang pinakauna sa kaniyang listahan ay ang Turkey—kung saan ito lumaki.  

“I have different plans for your eighteenth birthday, baby. So, cheer up, okay!” nakangiting wika ng ina matapos niyang magpaalam. 

“I understand,” mahinang sagot niya. Sinadya niyang haluan ng lungkot ang boses para malaman nito na disappointed siya. Umiling lamang ito at tinapik ang balikat niya. 

BS#3: OWNING HER INNOCENCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon