Kabanata 11

13.6K 550 93
                                    

An inevitable smile flashed on Rhezi’s face when the unfamiliar ceiling greeted her sight. It was plain white but had an intricate design. The false ceiling in the room was elegantly designed with a combination of white and black hues. The alternating white and black panels create a visually striking pattern overhead, adding a modern and sophisticated touch to the space. The white sections contribute to a sense of openness and brightness, while the black portions provide contrast and depth, resulting in a stylish and balanced ceiling design. At the center of it, was with LED lights and a gold small chandelier. It was luxurious and classy. A breathtakingly beautiful view.

Umikot siya ng posisyon mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang lukot na kumot na katabi ng kaniyang ginagamit na comforter. Ginamit iyon ni Kraius noong nagdaang gabi at tinabihan rin siya nitong matulog habang yakap siya nito mula sa likuran.

She was overwhelmed by the memories with Kraius the other night. Nararamdaman pa rin niya ang yakap ng binata, maging ang amoy ng katawan nito ay tila nakadikit na sa kaniya. Nanunuot sa kaniyang ilong na kumakalat naman sa kaniyang buong sistema.

“Good morning, self,” nakangiting aniya.

She took her phone under the pillow and swiped it to scan some messages. She smiled upon seeing her friends’ greetings in their group chat. Naiiling na lamang siya nang makita ang kakulitan ng mga kaibigan. Pinaulanan lang naman kasi siya ng pusong pula bilang pagbati!

Hindi na lihim sa mga kaibigan niya ang nangyari. Simula sa pagkakaroon niya ng crush at ang pagdating ni Kraius sa buhay niya. Even the slightest information about her idea of making Kraius her pretend boyfriend was revealed. Sinabi niya ang totoo at suportado naman siya ng mga ito.

Nang mapagod sa ka-s-scroll sa Facebook at Instagram, mabilis siyang bumangon. Kaagad siyang napangiti nang makita ang suot na damit. Inamoy pa niya iyon sa may bandang leeg at tila nangangarap ng gising habang nakapikit.

Ang bango-bango. . .  kasing bango ni Kraius!

She was wearing Kraius’ white cotton shirt. Nagmistula itong dress sa kaniya dahil sa haba niyon na umabot sa gitna ng mapuputi niyang hita. Ibinigay iyon ng binata sa kaniya nang nagdaang gabi kasama ang isang Calvin Klein boy short bilang pamalit. Hindi naman kasi niya napaghandaan na isasama siya nito sa sarili nitong bahay. Desinsana’y nagdala man lang siya ng SpongeBob niyang sleeping pajama.

Naiiling na tumayo siya mula sa kama. She stretched her arm and shifted slightly, priming her reflexes. She had felt a bit dizzy because of sleeping late, but it was okay for her. Nothing could beat her mood anyway. It had been the best morning for her ever!

Nasa ganoong posisyon siya nang bumukas ang pinto ng kwartong kaniyang kinaroroonan. Mabilis ang pagbaling doon ng tingin niya. She immediately saw Kraius, looking stunned while his eyes were on her. Nakadama siya ng pagkailang sa klase ng tingin nito. Kumabog bigla ang kaniyang puso.

Gosh! Baka pangit siya sa paningin nito?!

Unthinkably, she shouted, “Bastos!” She abruptly pulled the thin blanket on top of the bed and wrapped herself in it. She glared at Kraius who, was still astonished. Kung bakit, hindi niya alam.

“Umalis ka rito!” Mabilis ang mga kilos niya na nagtungo sa bedside table. She took the small metallic alarm clock and faced Kraius again. Hindi pa rin ito natitinag. Sumimangot siya at walang pasubaling inihagis dito ang hawak.

Bullseye.

Sapol ito sa ulo!

Ngunit, hindi man lamang ito ininda ni Kraius. Mariin pa rin ang titig nito sa kaniya.

BS#3: OWNING HER INNOCENCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon