Hindi mapigil ni Kraius ang inis na nadarama. Tinawagan siya ng kaniyang ina para daw sa isang importanteng bagay. Akala niya ay kung ano ang hihilingin nito, ngunit nasira kaagad ang maganda niyang mood sa sinabi na pabor. Gayunpaman, naririnig pa ng kaniyang balintataw ang lambing ng boses ng ina. Isa iyon sa kaniyang kahinaan. Alam na alam nito kung paano siya mapapapayag. Isang salita lang ang kailangan nitong bigkasin na hindi naman nito kinalimutan. Isang salita na puwedeng ipagpabago ng kaniyang desisyon. Ang salitang guwapo.
Napailing siya habang inaalala ang hiling ng ina. Iniwan niya ang trabaho para lamang sundin ito, at maging tagasundo ng isang matabang bata sa isang eksklusibong eskwelahan.
He looked at his iPhone. Kanina nang tawagan niya ang numero na ibinigay ng kaniyang ina ay mas lalo siyang nainis. Wala kasi siyang nakuhang matinong sagot mula sa kabilang linya. Panay oo lang ito sa lahat ng kaniyang sinasabi kaya pinatay niya ang tawag. Hahanapin na lamang niya ito sa tracker dahil alam naman niya ang pasikot-sikot sa Saint Benilde College. Ekslusibo ang eskwelahan ngunit puwedeng pumasok ang mga kagaya niyang matatawag na VIP. Kilala rin siya ng lahat ng staff doon dahil isa siyang alumni.
Ilang liko ang ginawa niya bago natagpuan ang lokasyon ni Rhezi. Nakaupo ito mag-isa sa isang waiting area. Napailing kaagad siya. Then, he parked his car at the side of the pathway and put on his wayfarer before getting out.
He looked around. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante, bakas sa mga mata ang paghanga. May iba na animo’y sinilihan dahil sa kilig. May iba rin na tumitili. Nang dumako ang paningin niya kay Rhezi, mas lalo siyang napangisi. Kitang-kita niya ang mariin nitong titig sa kaniya mula sa kinaroroonan nito.
“Tsk! I know I’m handsome, but I didn’t know this was coming. Damn! Teenagers drool on you, idiot,” pagkausap niya sa sarili. Ngiting-ngiti.
Nilapitan niya si Rhezi. Seryoso ang guwapo niyang mukha habang magkatagpo ang makakapal na kilay. His playboy aura disappeared, while his authoritative stance was evident. Iyon ang klase ng awra na pangingilagan ng lahat dahil naka-i-intimidate.
“You did not answer my call. You kept on mumbling words I didn’t understand. Stand up, and we’re going,” aniya. May halong inis ang boses.
Napakurap ang kaharap nang paulit-ulit.
Here you go, little kitten, sa isip niya.
Napangisi siya at binistahan ito ng tingin. Ngayon lamang niya napagtanto na may itsura ito kahit mataba. Manipis ang hugis puso nitong mga labi. Maitim at malalantik ang mga pilikmata nito na bumagay naman sa nangungusap nitong mga mata. Maganda rin ang tangos ng ilong nito habang pangahan ang mukha. Sa makatuwid, maganda ito.
“Tsk! What now? Alam kong guwapo ako, but can you move faster? Mamaya ka na maglaway sa akin!” birong-totoo niya.
“Huh? Uhh. . .”
“There you go again. Speechless, huh. Come on, let’s go,” aniya bago ito tinalikuran.
Naglakad siya pabalik sa sariling sasakyan. Nakangisi. His charisma never faded. Too bad, hindi niya ito type.
Hinintay niya si Rhezi sa loob ng sasakyan. Ngunit, lumipas na lamang ang ilang minuto, hindi pa rin ito nagpakita. He sighed and took his phone from the dashboard of the car. He dialed her number and waited for her to answer it. Nakailang ring muli ang aparato bago iyon sinagot.
TILA pinangapusan ng hininga si Rhezi habang palapit si Kraius sa kaniya kanina. Ang eratikong pagtibok ng puso niya ay mas lalo pang naging eratiko. Pakiramdam ng dalaga ay lalabas ang kaniyang puso sa sobrang bilis niyon na halos ang tunog na lamang niyon ang kaniyang naririnig. Parang isang panaginip sa kaniya ang lahat at ang tanging nagawa niya lang habang nagsasalita ito ay ang titigan ang guwapo nitong mukha. In short, nagmukha siyang tanga sa harapan nito!
BINABASA MO ANG
BS#3: OWNING HER INNOCENCE
Fiction générale#Mature #Age gap #Tinaguan ng anak Mapaglaro sa pag-ibig. Kaya si Kraius, seventeen years ang naging bad luck.