Kabanata 5

15.6K 577 87
                                    

Kraius shook his head as the vivid memory came flashing his mind. Gusto na niyang kutusan ang sarili dahil kahit na matagal ng nangyari ang bagay na iyon ay umuukilkil pa rin sa kaniyang utak. Hindi na nawala sa isip niya ang pulang-pulang mukha ng matabang babae na umangkin sa kaniya bilang nobyo nito. 

Naiiling at napabuntonghininga siya nang pasadahan ng tingin ang papeles na kanina pa niya hawak. Walang pumapasok sa utak niya, kaya marahas niyang itinapon iyon sa ibabaw ng mesa. Agad na nagkalat ang mga papel na humalo sa ibang mga papeles na naroon.

“Fuck!” Sinabunutan niya ang sarili sa sobrang frustration. “Bweset na nuno sa punso!” sigaw niya kapagkuwan.

Inaamin niyang may kung ano kay Rhezi na umagaw sa atensiyon niya. Isa na roon nang ipagtanggol nito ang sarili laban sa mga bully nitong kaklase. He could see pain in her eyes, but she stood up and managed to act as if nothing happened. Napahanga siya nito dahil doon. Perhaps, she was not just the fat girl he once thought she was. She was brave, and it fascinated him.

“Are you okay, Mr. Montreal?” Iyon ang tanong ng sekretarya niya nang nagkukumahog itong pumasok sa kaniyang opisina. “A-ano po ang problema, Sir?” Bakas ang pagtataka sa boses nito.

“I’m not okay, dammit!” Napasubsob siya sa mesa. “May tawas ka ba d’yan? I think there’s a bad spirit inside this office. I can’t do my job,” pagsusumbong niya sa babae na tila bata. 

“Tawas? Para saan po?”

“Sa mga nuno sa punso!” frustrated na aniya.

Naiiling, sumagot ang sekretarya, “I don’t actually know, Mr. Montreal. But we can use the incense we have. Sandali lang po.” Tumalikod ito at lumabas. 

Kraius tried to get up and fixed himself. He was trying to concentrate. Walang mangyayari sa kaniya kung iisipin niya buong araw ang matabang babae na iyon. He needed to divert his attention, or else he would have become crazy.

Bakit ba kasi hindi ito mawala sa isip niya?

Did she use her magical charm to control his emotions?

Napabuntonghininga na lamang siya nang walang mahanap na sagot sa sariling tanong. 

Napakaimposible naman kasi na mangyari ang bagay na ’yon!

Lumunok siya’t at huminga nang malalim. Binuksan din niya ang drawer ng mesa. He took the small mirror and placed it in front of him to look his face. Napangiti siya sa nakita. Guwapo was the understatement of what he was seeing, though his hair was bit messy. Ngunit, mas lalong lumawak ang ngiti niya nang maalala ang tawag sa matabang babae. Chubz. . . dahil chubby ito at cute kapag nakanguso. 

“Damn fucking cute.” Nabitiwan bigla niya ang hawak na salamin dahil sa nasabi. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata. Nababaliw na siya at sigurado siya roon. Paniguradong tatagain siya ng kaniyang ina kapag nagkataon. Damn!

Nasa ganoon siyang posisyon nang pumasok ang sekretarya dala ang mga incense sticks. He looked at her and asked, “Are you sure that this would help?”

Nagkibit-balikat ang sekretarya bago sinagot ang tanong niya, “I’m not sure, Sir. Let’s wait and see.”

Wala siyang nagawa kundi ang tumango na lamang nang iwan siya nito. Ang incense ay inilagay lamang nito sa gilid ng bookshelf niya na matatagpuan sa gilid ng opisina. Humahalimuyak ang amoy niyon sa buong paligid. Unti-unti, kumalma rin ang sistema niya dahil sa bango niyon. 

Itinuloy niya ang pagbabasa. Buong maghapon, ni-review niya ang kaso ni Laura Moran. Naagaw lamang ang pansin niya nang may tumatawag sa kaniyang cell phone. Kaagad niyang dinampot ang aparato na nasa ibabaw ng kaniyang mini shelf. Tiningnan iyon. Napangisi siya nang mabasa ang pangalan na nasa screen. Isang modelo na nakadaupang-palad na niya sa isang party sa Shangri-La. 

BS#3: OWNING HER INNOCENCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon