Chapter 4

43 1 0
                                    

Sofia's POV

*kring kring*

Nagising ako dahil sa bwesit na tunog ng alarm clock ko. Tiningnan ko yung oras at 03:40 na pala ng hapon, oh well! mabuti nalang at walang isturbong gumising sakin kanina.

Kahit antok pa ako bumangon na ako at naligo. OO inaantok pa ako! ikaw kaya ang matulog ng 6am?

Nakalimutan ko palang sabihin, Evening student ako. Dahil wala lang! trip ko lang din!

Natapos akong mag prepare ng mga bandang alas singko na ng hapon, 5:30 yung clase ko, pake ko ba?

Nagbihis na ako, pero hindi ako naka uniform, ano ako shunga? fist day, mag u-uniform? tss.

Sinuot ko yung black skinny jeans ko, with my black t-shirt and black leather jacket, sinuot ko rin yung black na highcut na chucktaylor ko. Oh diba? all black? 

Kinuha ko yung iPod ko at nilagyan ng headset, sinaksak ko sa tenga ko, sinuot ko narin yung hoodie ng jacket ko and grab my packbag na wala namang laman kundi make up.

I'm driving my own car papuntang school, dun nalang din ako kakain. Tinex ko nalang yung mga loka.

To: All

Girls! kita tayo sa parking lot.

Pagkarating ko sa school parking lot nandun na silang lahat, well hindi lahat, wala pa si Tamara my ever so lausy friend!

"oh? si Tamara?"

bungad ko sa kanila

"as usual!"

Si Kate yung sumagot sabay roll eyes.

"I'm here guys!"

biglang sigaw ni Tamara

With all smiles pa ang loka! Feeling cute naman sa suot niya mini skirt then hangging na blouse, labas na yung tiyan niya together with her wedge sandals.

"oh? all black Sofie? hahaha semana santa ba ngayon?"

"pake mo? eh ikaw? ba't ang bulaklakin mo?"

"che!"

"oh girls awat na!"

saway naman ni Kate

"canteen na nga lang tayo. Gutom na ako"

"hindi ka na naman kumain Sophia?"

tanong ni Janine

"oo eh"

"hay! nako! hali na kayo, nagugutom rin kasi ako"

sabat naman ni Tamara

Pumunta na kami ng canteen para kumain, alangan naman anong gawin namin dun?

Magkakaibigan kaming lahat sa classroom, dahil pare- parehas kami ng ugali, sa katunayan kaunti lang kami sa section namin, takot kasi yung iba sa amin, mga weak kasi! Blocking rin yung sections kaya magiging mag ka klase kaming lahat hanggang 4th year. Actually binansagan na Most Notorious section ang section namin. Kasi kahit proffesor namin takot din samin, hindi naman nila kami ma paalis sa school dahil malaki rin yung contribution ng mga family namin dito sa University.

Iba talaga pag mayaman!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon