Timothy's POV
Nandito na ako sa school kasama si Ashley, pero kaming dalawa pa lang sa classroom. Nasan na kaya si Sofia?
"May hinahanap ka?"
Kanina pa nag bell, pero wala pa yung teacher namin. Hala! baka walang clase? Baka hindi kami na inform?
"Earth to Timothy!"
Natauhan ako bigla dahil sa sinabi ni Ashley.
"ha? may sinasabi ka? Sorry hindi ko narinig."
" sabi ko may hinahanap ka ba?" Sabi ni Ashley sabay pa iling iling.
"ha? ah meron.." halos pa bulong kung sagot
"sino? share ka naman jan!"
"atin atin lang natin to ha?"
mabilis namang tumango si Ashley at nag raise pa ng right hand niya.
"si ano.. si.."
"sino?"
"si... Sofia.."
Nabigla naman ako ng pumalakpak siya bigla.
"Sabi ko na nga ba eh! kahapon ko pa na papansin na iba yung tingin mo sa kanya!"
"wag kang maingay baka may makarinig."
tinakpan naman ni Ashley yung bibig niya sabay giggle.
Isa't kalahating oras na kami nag hihintay ni Ashley pero walang pumasok na teacher. Second subject na pero kaming dalawa palang ni Ashley yung nandito.
May pumihit sa doorknob, umupo naman ako ng maayos dahil baka si Sofia na, pero hindi pala. Yung teacher pala namin sa next subject.
"Kayo palang?" tanong ng teacher namin.
"opo ma'am" sabay na sagot namin ni Ashley. Napailing nalang yung teacher namin.
"Kung ganun mag aatendance nalang ako. Ano surname niyo?"
"Maniego po." sagot ko sa teacher namin.
"Nemenzo po" sagot naman ni Ashley
Isinulat lang ng teacher namin yung apilyedo namin at umalis na.
Maya-maya lang bumukas ulit yung pinto ng classroom namin, at sa ingay palang nila alam kung sila Sofia na yun. Napangiti kaagad ako ng makita ko siya, pero nawala yung ngiti ko ng makita ko yung soot niyang shirt. Couple shirt nila ni Dustin..
Ang swerte naman ni Dustin, dahil sa kanya na si Sofia. Tinapik lang ni Ashley yung kamay ko kaya nginitian ko nalang siya.
Ang swerte ni Dustin, sana ingatan niya si Sofia..
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionAnong mangyayari sa isang Good Boy pag nalipat siya sa section na puro Bad boys at Badgirls? Pano kung ma inlove siya sa isang badgirl na sa kahit anong angulo mo tingnan eh magkaiba talaga sila. Does opposite really attracks?