Chapter 5

56 1 0
                                    

Timothy's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng bulletin board at hinahanap yung section ko, at yun nakita ko na ABL2-A. Sinulat ko naman yung section ko sa notebook na hawak ko. Nabigla nalng ako ng may tumapik sa balikat ko.

"ABL2-A ka?"

"ah oo eh" sagot ko naman dun sa nag tanong.

"Nako! goodluck sayo! Mukhang mabait kapa naman! tsk tsk"

"ha bakit pala?" bigla kasi akong na curious kung ano ang meron sa section ko.

"Alam mo yung Most Notorious section dito?"

"oo."

"yung section nayan! yan yun! Goodluck nalang sayo, una na ako!"

Naglakad na palayo yung nag sabi sakin nun. Bigla na naman akong kinabahan, ba't ba ako napunta sa section na to? Matataas naman yung grades ko ah? Pero alam ko may purpose si God.

Naglakad na ako papunta sa classroom ko. Nang nasa tapat na ako ng pinto, nag dasal muna ako.

Pagbukas ko ng pinto, sobrang ingay kaagad yung sumalubong sa akin. May nag gi gitara, may kumakanta, may nagbabatuhan ng papel. Natahimik sila pag pasok ko pero bumalik rin ulit sa kanya kanyang ginagawa nila. Tiningnan ko naman kung san pwedeng umupo, may nakita akong bakanteng upuan sa tabi ng isang babae na mukhang bago lang din rito dahil tahimik lang siya.

Lumapit ako sa kanya kaya napa angat yung ulo niya na kanina pa naka ub-ub sa upuan niya.

"ahm. m-miss, may naka upo ba dito?"

"hmm wala." sagot naman niya at ngumiti.

Umupo naman ako sa tabi niya.

"bago ka rin dito?" tanong niya

"ah. oo eh, ikaw bago ka?"

"oo, shifties ako from Education, ikaw?"

"shifties din, from Bussiness Ad."

At doon, nag usap lang kami, nagpakilala naman siya, Ashley daw pangalan niya.

Nabigla kami ng biglang bumukas ng malakas yung pinto at pumasok yung lalaking dilaw ang buhok.

"oy! may new classmate!"

Sabi niya pero nilampasan lang niya kami ni Ashley at pumunta doon sa mga nag kukumpulan sa likod.

"Nakakahiya, feeling ko ako lang yung babae dito." sabi ni Ashley

Oo nga, wala pa akong nakikitang babae dito bukod kay Ashley.

Maya-maya pa may pumasok na na guro.

"GoodEvening class!"

"GoodEvening Ma'am!"

Pero kaming dalawa lang ni Ashley yung bumati, patuloy parin sa pag kukulitan yung mga nasa likod. Ngumiti lang yung prof. samin ni Ashley

"Class, please settle down."

Umupo naman na yung mga lalake sa likod pero ang iingay parin nila. Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok ng walang pasabi yung apat babae.

"o, ayan. may girls na." bulong ko kay Ashley

"oo nga!" nakangiting sagot nito

Habang pumapasok yung mga babae, agaw atensyon yung babaeng naka itim. Hindi siya multo pero naka all black siya, isa lang masasabi ko.. Ang ganda niya. Dumiretso naman sila sa likod at naki pag kulitan din.

"Since this is your first day, we will just having our orientation and of course, introduce your self."

"duh! you know us already naman eh!" sagot nung isang babae na katabi ni black girl.

"may new classmates kasi kayo guys"

wala naman silang sinabi kaya nag patuloy na si prof. Tiningnan niya si Ashley para mag pakilala, tumayo naman si Ashley at pumunta sa harapan.

"Hi everyone! I'm Ashley Nemenzo. I'm a shiftee from education."

Ngumiti si Ashley sa kanila tapos nag bow at bumalik sa upuan. Tumayo naman ako at pumunta sa gitna.

"Hi! GoodEvening! I'm Timothy Maniego. I'm also a shiftee from Bussinesa Ad."

Bumalik na ako sa upuan ko. Tumayo naman yung lalake na may dilaw na buhok

"Dustin Ford" sabi niya lang

"Boyfriend ko yan!" sigaw naman ni black girl sabay hiyawan ng mga kasama nila sa likod kumindat naman si Dustin sa kanya. Sayang mukhang taken na siya.

sunod sunod namang nag pakilala yung iba. Nung time na ng girls para magpa kilala eh nakinig akong mabuti, syempre gusto kung malaman yung name ni black girl :)

"Katelyn Dela Fuente"

"Janine Venice Ayala"

"Tamara Scott here!" sabi nung babaeng katabi ni black girl, nag hiyawan naman yung mga lalake. Sumunod na tumayo si Blackgirl, nag hiyawan ulit yung mga ka klase namin.

"Sofia Aurora Arancon" sabi ni black girl.

Sofia Aurora pala ang pangalan niya, ang ganda, bagay sa kanya ..

"That's my girl!" sigaw nung Dustin.

 After magpakilala lahat, nag orientation lang yung teacher, sinabi nya rin yung rules and regulations, but sadly, kami lang ni Ashley yung nakinig, ang ingay nga sa likod eh. Kunti lang din kami sa klase mga 15 lang.

Hindi pa pumasok yung ibang teachers kaya maaga akong naka uwi. Hindi talaga mawala si Black este Sofia pala sa isip ko. Sa tingin ko nga, crush ko na siya, para akong na love at first sight sa kanya.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon