Timothy's POV
3 months have passed. Maayos naman sa classroom, mababait naman sila pero hindi rin sobra. Hindi sila yung tipong mga bully sa school, hindi lang talaga sila nag pa participate sa clase.
Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog kay Sofia, hindi yung tipong crush, parang mahal ko na siya.
Napaaga ako sa school ngayon, may ipinasa kasi akong report sa prof. namin sa Taxation. Umupo muna ako dito sa may bench kaharap nung field. Ang sarap ng hangin...
"Naku! kawawa naman yung si Sofia, sobrang babaero ng boyfriend niya!"
Napa ayos ako ng upo ng marinig ko yung pangalan ni Sofia. Lord payagan niyo po sana akong mag evesdrop, kahit ngayon lang.
"sinabi mo pa, hindi ko nga alam kung bakit sila pa hanggang ngayon!"
"hindi seguro alam ni Sofia yung mga pinag gagawa ng boyfriend niya?"
"nakuu! alam niya girl! nag tatanga-tangahan lang siya dahil takot siyang mawala yung boyfriend niya!"
"pano mo nalaman aber?!"
"narinig ko mismo kay Sofia, nung nag uusap sia nung kaibigan niya."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Nakaramdam ako ng galit kaya pumikit ako at nagdasal. Pero bakit? bakit siya pumapayag na lokohin siya ni Dustin? Ganun niya ba ito kamahal?
Nag bell na kaya dali-dali akong pumunta ng classroom. Pagkapasok ko palang, nakita ko ng magkayakap si Sofia at Dustin. Parang tinusok yung puso. Umupo nalang ako sa tabi ni Ashley.
"may problema ka?"
"ah wala." nginitian ko nalang si Ashley para ipakita na okay lang ako.
Pumasok na yung teacher namin sa elective kaya natahimik sila. Itong guro lang na ito yung kinakatakutan nila. Sobrang terror rin kasi.
" Okay class. Since mag mi-midterm na. May project kayo."
Narinig ko naman na nag re reklamo sila sa likod.
"Mag co-comply kayo ng mga magagandang novel na nabasa niyo at e cri-critic niyo ito. By pair kayo"
"Pair kami ni Dustin!" Narinig kung sigaw ni Sofia. Napa fist ako dahil naalala ko na naman yung narinig ko kanina.
"No! I will be the one who will choose kung sinong partner niyo."
Narinig ko naman na nag re react sila sa likuran. Nag simula nang mag pili ng pair yung teacher namin.
"Ms.Janine Venice Ayala and Mr.Eric Guevara"
"Ms.Katelyn Dela Fuenta and Mr. Randrei Martinez"
"Ms.Tamara Scott and Xander Go"
"Ms.Ashley Nemenzo and Dustin Ford"
"fvck!" Narinig kung napamura si Sofia. Masama kayang mag mura.
"Ms.Sofia Aurora Arancon and Mr. Timothy Maniego."
Ang bilis ng kabog ng dib-dib ko, partner kami!!!!!
"Please go to your partners now and discuss about this project" sabi nung teacher namin
Tumayo naman ako at dahan dahang lumapit kay Sofia.
"So- Sofia, p-partn-er t-ta-yo"
Natawa naman siya. Nakakahiya ka Timothy.
"Alam ko. Wag kang matakot, hindi ako kumakain ng tao! hahahaha"
"Ilagay mo yung number mo, text nlang kita kung kelan tayo gagawa." sabi niya sabay abot nung cellphone niya, tinype ko nman yung number ko at ibinalik ko sa kanya.
Bumalik na ako sa upuan ko, nginitian naman ako ng nakakalo ni Ashley, nginitian ko nalang rin siya.
Pumasok na yung huling prof. namin para sa araw este sa gabing ito. May ibinigay siyang mga papel samin
"class gusto ko e cretic niyo yung buong school, bibigyan ko kayo ng 45 minutes para libutin niyo yung buong school, pagkatapos e sulat niyo jan yung observation niyo tapos e balik niyo sakin yung papel"
Hala! libutin yung buong school? gabi na? Tiningnan ko yung grupo nila Sofia, mukhang tuwang-tuwa sila sa ediyang libutin yung school kesa mag turo yung teacher.
Lumabas na kami ng classroom, nasa hulian kami ni Ashley dahil nahihiya kaming sumabay sa grupo nila. Pilit kung nilalabanan yung takot ko na baka may biglang lumitaw na babaeng naka puti. Diyos ko! wag naman sana.
Mabilis silang nag lakad, pero tumigil rin sila sa isang bench sa field.
"tol bilisan niyo!" narinig kung sigaw ni Ran, kaya binilisan namin ni Ashley yung paglalakad, nanindig yung balahibo ko dahil madadaanan pala namin yung puno ng acacia. Malapit na kami ni Ashley sa may acacia ng biglang
"bbbooo!!!!"
"aaahhhhh"
Napatakbo kami ni Ashley dahil may biglang lumabas sa likod ng acacia.
Halos lumabas yung puso dahil sa takot. Dali-dali kaming tumakbo papunta sa grupo nila na halos gumulong na sa kakatawa, pag lingon ko sa likuran ko, nakita ko yung babaeng nagtatago sa likod ng puno, si Sofia. Tawa rin siya ng tawa.
Napangiti nalang din ako, ang cute niya tumawa. Nilapitan niya kami ni Ashley at..
"Joke lang yun! Wag na kayong matakot! Di totoo ang multo"
Hindi ako makapaniwala... ni.. niyakap niya ako, kami pala. Natauhan lang ako ng tinapik ako ni Ashley.
Pagkatapos naming mag libot, sinulatan na namin yung papel at pinasa. Papunta na kami ng parking lot, nandun na yung sundo ni Ashley. Papasok na sana ako sa kotse ko kaya lang may narinig akong tawa, nag si tayuan na naman yung balahibo ko. May nakita akong anino. Kahit nanginginig na yung tuhod ko lumapit parin ako.
Inisip ko nalang yung sinabi ni Sofia na walang multo. Sinilip ko yung anino. Hindi nga multo, si Sofia at Dustin pala. Naalala ko na nman yung narinig ko kanina kaya tumalikod nalang ako at nag lakad palayo, ayokong magalit kay Dustin pero hindi ko mapigilan.

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Novela JuvenilAnong mangyayari sa isang Good Boy pag nalipat siya sa section na puro Bad boys at Badgirls? Pano kung ma inlove siya sa isang badgirl na sa kahit anong angulo mo tingnan eh magkaiba talaga sila. Does opposite really attracks?