Chapter 7

50 1 0
                                    

Sofia's POV

Pagkatapos ng clase umuwi na ako agad dahil hindi ko trip gumala ngayon.

Iniisip ko yung mga bago naming ka klase, mukhang mga inosente. ba't napunta yung mga yun sa section namin?  Dapat dun sila inilagay sa mga nerdy students! Gaganahan na namang pumasako yung mga prof. namin dahil may makikinig na naman sa kanila! 

Pagkarating ko sa bahay, as usual, Sobrang tahimik. Puro katulong lang yung makikita mong pa ikot ikot sa bahay na to!

"Excuse me Miss Sopia, nakahanda na po yung denner niyo."

Naiinis talaga ako sa katulong na to! Kung hindi sobrang lanta, sobra tigas namang mag tagalog 

"geh, bihis lang ako."

sagot ko sa kanya at umakyat na ako sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng short short at sleveless na blouse. Bumaba na rin ako para kumain.

Habang kumakain ako, napagtanto kung napakalaki pala talaga ng bahay namin, Napaka habang lamesa na puno ng iba't ibang klaseng ulam. Napaka swerte ko dahil kabilang ako sa mga taong ganito ka yaman. Pero alam niyo kung anong problema? Ang laki ng mesa, ang dami ng ulam, ang laki ng bahay pero ito, mag isa lang akong kumakain. Saklap noh?

Bibihira lang mag stay dito yung parents ko, pinakamahaba na yang one week.

*kring kring*

Natauhan ako sa pag mumuni-muni ng tumunog yung cellphone ko.

Calling daddy...

Problema nito at tumawag? Sinagot ko nalang yung tawag.

"yeah"

"anak, how's your day?"

"fine." simpleng sagot ko sa kanya

"kumain ka na ba?"

"kumakain."

"mabuti naman. ah anak, na extend kami ng mommy mo dito dahil may kailangan pa kaming ayusin para si bussiness natin, pero nag padala na ako ng 80,000 para sa allowance mo. Next month pa kami makakauwi."

"okay."

"cge anak, i need to hang up now. bye princess, i love you"

Ine-end ko na yung call. Puro nalang bussiness, bussiness, bussiness! Ni hindi nga nila ako mabigyan kahit isang araw lang nila! Dinaadan nila palagi sa pera! Akala na nila yun yung gusto ko?

Umakyat nalang ako sa kwarto ko dahil nawalan na ako ng ganang kumain. Ikaw kaya kumain ng ganun? Tingnan ko lang kung di ka mawalan ng gana.

Kinuha ko nalang yung laptop ko at nag internet, nag check din ako ng facebook account ko.

86 Friend Request, 50 Messages, 130 Notification.

Parang kahapon lang ako nag online ah?

Ini open ko lang yung notification para ma wala yung red, hindi ko na binasa, ganun din sa message. Binura ko namang yung mga nag se-send ng friend request. Bakit ba kasi walang delete all request dito?

May nag request sakin na familiar yung mukha.

Timothy Maniego

Saan ko nga ba to nakita?

tama! yung bago naming classmate. Hindi ko siya binura pero hindi ko rin siya inaacept, hindi pa naman kami close no!

Nag log out na ako at humiga sa kama. Matutulog na sana ako ng bigla na namang tumunog yung cellphone ko.

Calling Baby Dustin <3....

Dali dali ko naman itong sinagot.

"Hello baby!!"

"Oh! hahahaha gising ka pa pala?"

"common sense please" =.=

obvious ba na gising pa ako? tumawa naman siya ng mahina.

"hahaha chini check lang kita. Sege na, tulog kana."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Cge, ikaw rin tulog kana."

" Opo. sege na goodnight. I love you"

"GoodNight. I love you too baby"

Ibinaba ko na yung cellphone ko sa bedside table ko at natulog. Siya lang talaga ang komo kompleto ng araw ko. Tanging siya lang.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon