Timothy's POV
Nagising ako dahil hinalikan ako ng kapatid ko sa pisngi.
"GoodMorning kuya!"
"GoodMorning Jirah!"
bati ko rin sa kapatid ko.
"Get up now kuya, malalate kana sa school mo!"
"Baby, gabi pa ang pasok ni Kuya sa school"
Oo, evening student ako, naubusan kasi ako ng slot sa morning eh.
"eh? may evening ba na clase kuya? diba morning lang ang pasok?"
"nah baby. Pag college kana, may evening classes na at dahil naubusan na ako ng slot sa morning, evening na yung clase ko."
"Hala! baka may mumu dun kuya?"
"Jirah, ano yung sabi ni mommy at daddy?"
"Wag po matakot kasi kasama natin si papa Jesus. Ai kuya! you forgot to pray!"
Hala! oo nga noh? Sorry po Lord.
"oo nga noh? Lika samahan mo si kuya mag pray."
GoodMorning Lord! Salamat po sa bagong umagang ibinigay niyo sakin, salamat po at nadugtungan na naman yung buhay ko. Salamat po sa blessings, sa pamilya, sa guidance at saka sa pagmamahal niyo sa amin. Amen.
Umalis na naman sila mommy at daddy para pumasok sa office, si Jirah naman, pumasok narin sa school. Nilaan ko yung oras ko sa pag babasa ng bible, may goal kasi ako na dapat matapos kung basahin yung bible.
Bandang alas tres ng hapon ng mag decide akong mag ayos para pumasok sa school, 5:30 pa yung start ng class ko, pero syempre ayaw ko namang ma late.
Mga 4:30 na ng tinawagan ko sila mommy para mag paalam na papasok na ako sa school. Nag dasal muna ako for my safety bago nag drive papuntang school.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Novela JuvenilAnong mangyayari sa isang Good Boy pag nalipat siya sa section na puro Bad boys at Badgirls? Pano kung ma inlove siya sa isang badgirl na sa kahit anong angulo mo tingnan eh magkaiba talaga sila. Does opposite really attracks?