Sofia's POV
Nakauwi na ako ng bahay pero hindi ko parin mapigilang matawa. Grabe! Priceless yung mukha ng mga bago naming classmate. hahahaha
Pagkapasok ko ng bahay naabutan ko sila mommy ay daddy na naka upo sa sofa namin sa sala.
"oh baby! you're home na pala. Kumain kana ba?" tanong agad ni mommy.
"No. I'm full. pahinga na ako."
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng pang tulog.
*beep*
tiningnan ko yung cellphone ko.
From: Baby Dustin
Hey baby! I'm already home :*
Napangiti naman ako agad sa nabasa ko. Tinawagan ko kaagad si Dustin. Nakakatatlong ring palang, sinagot na niya yung tawag ko.
"Oh baby. Napatawag ka?"
"Ah wala lang. Kumain kana ba?"
"Hindi pa. E ikaw kumain kana?"
"Hindi pa din."
"Kumain ka muna baby. Kain din ako, pagkatapos tawagan kita."
"Okay baby. I Love you"
"I love you too"
Ine-end ko na yung tawag. Napangiti na naman ko. Grabe talagang epekto sakin ni Dustin. Sobrang mahal na mahal ko siya. Siya yung mundo ko. Sa kanya umiikot yung buhay ko.
Bumaba ako para kumain. Wala na sina mommy at daddy sa sala. Kumain akong mag isa. Wala namang problema dahil sanay na ako.
Pagkatapos kung kumain, umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Hinihintay kung tumawag si Dustin.
Mag ha-hating gabi na pero hindi pa rin siya tumatawag kaya tinawagan ko nalang siya.
The number you have dialed is busy at the moment. Please try your call later...
Busy? Sino na naman kayang tumawag dun? Masubukan nga ulit.
The number you have dialed is busy at the moment. Please try your call later...
Halos pitong beses ko na siyang tinatawan pero busy pa rin. Sege, last try.
*kring kring*
"Yes Sarah, are you in?"
Sarah?? Sino na naman ba tung Sarah na to???
"Baby it's me"
May narinig ako parang nahulog sa kabilang linya.
"Oh baby! ikaw pala! Tumawag kasi yung pinsan ko eh"
"Ah ganun ba."
"Yea."
Pinakingan ko lang siya sa kabilang linya.
"Ahhmm. Baby?"
"Yes?"
"Are you mad?"
"Huh? I'm not"
Pinilit ko maging jolly yung boses ko.
"Don't get mad on me baby ha?"
"Of course. I wont"
Dahil di ko kaya...
"Ah baby, Matutulog na ako ha?"
"Okay baby"
"GoodNight. I love you"
"GoodNight. I love you too"
Ine-end na niya yung call. Cousin? Ilang beses niya na bang ginamit na aliby yun sakin? Hindi ko na mabilang.
I try to hold back my tears. Alam ko mayroon na naman. Nag hintay ako ng mga 3 minutes at tinawagan siya ulit.
The number you dial is busy at the moment. Please try your call later....
Confirm. Pumunta ako sa may veranda namin at nag sindi ng sigarilyo. Tinawagan ko si Tamara
Dalawang beses palang nag ring sinagot na niya agad.
"Hey! What is it this time Sofie?"
"May iba na naman." sagot ko sakanya saka ko pinalaya yung luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga sa kanilang linya.
"Sifia, stop torturing your self. I know friend ko rin si Dustin, but, please.."
"No. Kaya ko pa naman."
"Segurado ka?"
"Oo. Segurado ako"
"Girl, nandito lang kami for you okay? Bumitaw ka na kung di mo na kaya. Ilang beses niya ng ginawa sayo yan."
"No.No.. Mas hindi ko kayang mawala siya. He's all I've got. Kayang kung magtiis kahit ilang beses pa siyang magloko. Basta wag niya lang akong iwan."
Napa hagulgul na ako ng iyak. Isipin ko palang na mawawala siya, hindi ko na kaya. Siya yung kahinaan ko.
"Sshh. tahan na Sofie. Usap tayo ng personal bukas, okay?"
"Okay. Thanks!"
"Ano ka ba! Ikaw pa? Wala yun!"
Ini-off ko na yung tawag. Hininhit ko na yung natitirang stick ng sigarilyo para pumasok na sa loob. Hindi ko inaasahang makikita ko si dad sa likod.
"Anak. " Pero di ko sinagot si daddy.
"Anak, bakit mo ba hinahayaang gawin niya sayo yan? Pag nakita ko yang lalaking yan makakatikim siya sakin dahil sa ginawa niya sayo"
Parang napintig yung tenga ko sa sinabi ni daddy.
"Gusto mong malaman yung dahilan? Ha dad? Pinipili ko lang mag mahal! Pilit kung hinahanap yung totoong pagmamahal na hindi ko naramdaman sa inyo ni mommy kahit kelan!"
.Iniwan ko siyang naka tayo na parang statwa dun sa veranda. Katangahan na ba ngayon ang magmahal ng todo todo? Dahil kung oo, sobrang tanga ko na dahil mahal na mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Dla nastolatkówAnong mangyayari sa isang Good Boy pag nalipat siya sa section na puro Bad boys at Badgirls? Pano kung ma inlove siya sa isang badgirl na sa kahit anong angulo mo tingnan eh magkaiba talaga sila. Does opposite really attracks?