Concealed Mutual Feelings

2.8K 16 0
                                    

First of All.Baguhan lang ako sa Wattpad Haha.kaya pagtiyagaan no muna.Give this story a shot naman.Enjoy

 =

Kuhanan na ng Card.kakatapos lang ng school year (3rd year high school)yung iba ,mga naghahabol pang magpa'sign ng clearance,others are tapos na makuha card pero nagpupunta parin ng school,meron naman kasama magulang para tulungan kumbinsihin ang teachers para di mag'summer.Grabe ah magse'senior na ganyan parin.Buti pa kme ni Jo Anne (Bestfriend ko)kumpleto na sa requirements,kukunin na lang namin card .

Pumunta na kami sa Faculty ng adviser namin,Si mam Jen Martinez,nasa first floor yun kaya di na kami mahihirapan.

"Excuse me"Bati ko sa mga Faculty Teachers."Si Mam Jen po ?"Tanong ko habang ineeksamin ang buong faculty.Ayun! Nakita ko si Mam sa usual table niya.Medyo natatakpan siya kse yung iba naming C'mates nakapila na para kunin yung Card nila.

"Pasok kayo mga Bunso ko"Alok samin ni Mam at sumenyas samin na pumasok.Bunso tawag nya samin kse nakasanayan na naming tawagin syang panganay.Sa totoo lang parang magkakapatid na kami nila Jo Anne at ni mam Jen e.Si Mam naman kse bagets pa.21 yrs old pa lang sya,si Jo 16 ,ako naman 18,yup. I know what you are thinking bket 18 nko.Nagstop ako nung Namatay Father ko then my Mother needed to work abroad para lang maka'survive kami.Right now our life is stable and enough na to make us Happy.kaya nga lang Di ko naman ksama Mommy ko.Kayla Tita Roxanne ako nakatira kaya minsan kaylangan ko pang alagaan yung anak nyang 4 years old.Pero okay lang, Mabait naman si Tita e.Okay I'll stop complaining.

"Mam grabe may LBM si Jo"Palusot ko.Sinadya ko tlga na marinig ng mga classmates namin.Para wag na silang umangal kapag binigay agad ni Mam yung card.Okay lang naman eh.Di naman nakakkahiya sanay na rin sila kse lagi naman yun akong palusot namin.

"Oh eto na Card mo Jo"Yes!Kinuha ni Jo ang card nya habang ako hinihintay ko pa yung akin na ibigay ni Mam.Any minute now."Oh?Sige na Jo pwede ka ng magpasabog sa Cr."

"Eh Mam yung akin?"Mam parin ang tawag namin skanya kapag nasa school,pero kapag nasa bahay nila kami,'Pangs' tawag namin sknya.meaning panganay.

"Pila ka bunso"Utos sakin ni mam habang natatawa.Naiintindihan ko naman siya kasi kailangan di ni Mam na mging Fair sa lahat.

"Kala mo ha!"Biro sakin ng isa naming kaibigan na si Edmon.Natawa lang ako at siniko sya sa tagiliran ng mahina.

Buti na lang hindi na pinatagal ni Mam ang pagDidistribute ng Card at nakuha ko din agad ng humigit kumulanng 5 minuto.

"Thank you Mam."

"What ever.Oy may bad news!"Sabi saken ni Mam bago pako umalis.

"Hala ano yun ?"Ano naman kaya yun?Si Mam talaga pinakatsismosa na yata to.

"Jo Anne ! Tara dto humila kayo ng upuan ni Hayley!"Sinunod naman namin utos ni Mam dahil isa rin kaming tsismosa.

Lumapit ang ulo ni Mam samin"Si Sir Rick..."Ano ? Anong meron sa kay Sir Eric?ang gusto kong maging teacher sa English sa Senior year?

"Ano?Dali.Pa'thrill pa e.Haha"Madali ni Jo Anne kay ate Jen.

"Balita ko magreretire na."

"What?!!!Sure kaba dyan? Hala kung sino pa yung mapagtyatyagaan"

"Oo nga ! Sabi nga nila naghahanap na daw sila ng papalit eh."Dagdag pa ni Mam

"Haha.Ang malas mo Lily(Lily nickname ko)"Natatawang asar sakin ni Jo anne.

"Shit.Naiinis ako"

"Watch your mouth Bunso!"Tinakpan ni Mam ang bibig ko"Malay mo naman magbago pa isip ni Sir"

Concealed Mutual Feelings (Student/Teacher Relationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon