Chapter 5

127 3 0
                                    

Hindi ako makatulog dahil sa ingay mula sa mga tao sa hardin, hindi ko na din pinilit pang matulog dahil hindi din naman ako magtatagumpay.
Ilang oras pa ang lumipas ng unti-unti ng nababawasan ang maingay sa labas.

"Compared to earlier, some of the guest left already and only few from young bachelors and ladies was remain in the yard. I guess they are drinking. Mama is still outside, marahil ay nagliligpit pa sila sa mga naiwang kalat mula sa patapos ng pagdiriwang. I tried to sneak out from our tiny room, alam kong konti na ang tao roon at panay nasa sala at hardin na lamang, kaya't doon ako dumaan sa may likurang bahagi kung saan naroon ang comfort room which is adjacent to the backdoor that leads to the kitchen. Siguradong nasa kusina sina mama. Tutulungan ko na sila sa pagliligpit para makapagpahinga na rin.

Bago ko marating ang pintuan na nagkokonekta papasok ng kusina, isang ungol mula sa comfort room sa likuran ang narinig ko.

"Ahhhh.....ahhhhhh...fassstteeerrrr!!!

"I'm not naive, at my age nakakapanood na rin naman ako ng mga palabas na may ganoong tema. Pero hanggang halikan lamang ang napapanood ko sa telebisyon dahil mahilig si Tiya Martha na manood ng mga nakakakilig na palabas.

Lalong lumalakas ang ungol at nagdadalawang isip ako kung didiretso ba ako sa pintuan o babalik na lamang ng silid. Pag bubuksan ko ang pintuan, tiyak na lilikha iyon ng munting ingay at mabubulabog ang sinuman na nasa loon ng comfort room kung saan nanggagaling ang mga ungol. Napagpasiyahan ko ng humakbang subalit isang bisig ang malakas na humila sa akin palayo sa pintuan at dinala ako sa madilim na bahagi ng hardin. I felt so nervous, someone caught me in the act while eavesdropping on someone's activities.

My heart is beating faster, I can't recognize the one who pull me out of that place.

"You should stay inside your room and avoid eavesdropping on someone's business", matatag na tinig nito.

I recognize that voice, it was Ma'am Heather's fiancee. His calm yet strong voice made me shiver in fear.

Nanatili siyang tahimik na tila ba hinihintay ang isasagot ko.

" I'm so..sorry po, hindi ko po gustong makinig doon pero pupuntahan ko po sana sina mama sa kusina", naiiyak kung sambit.

" Fuck those bastards! Matatag na mura nito".

Lalo akong nanginig sa takot. Baka dalhin niya ako kay Don at isumbong, siguradong malalaman ni mama at ang malala pa ay baka palayasin kami dito. Saan kami pupunta, sana sinunod ko na lang si mama at matiyaga na lang naghintay sa silid namin.

"Matagal ka na ba roon bago ako dumating?, muling tanong nito.

"Hindi po Sir, kakarating ko lang din po, Hindi ko po agad binuksan ang pinto dahil baka...

Hindi ko na naituloy ang sasabihindahil sa pagputol nito.

"Just don't eavesdrop again, especially in adult's business, they are tainting your innocence", malumanay na saad nito.

Hindi ko narinig ang huling sinabi nito, batid kung nakainom na rin si Sir Tyler marahil ay kasama ito sa mga nagkakasiyahan sa hardin.

Go back to your room and just wait for your mother. Muling saad nito at agad naman akong tumalima at hindi na lumingon pa.

Nakahinga ako ng maluwag ng kinabukasan ay hindi nagalit si mama, batid kong hindi ako sinumbong ni Sir Tyler at nagpapasalamat ako dahil doon. Nanatili sila ng tatlong araw pa sa Bacolod bago napagpasyahang umuwi, sa mga natirang araw nila roon ay hindi na ako lumabas pa dahil sa kahihiyang nagawa.

Usap-usapan bago umalis ang mga panauhin na idadaos ang kasal sa Maynila dahil naroong ang lahat ng kaibigan at business partners ng parehong pamilya. Ang Don at Donya na lamang daw ang luluwas ng Maynila upang dumalo sa mahalagang okasyon na iyon. At iyon ay gaganapin apat na buwan pagkatapos ng Engagement Party sa Bacolod.

Sumapit ang ika-13 kaarawan ko at tulad ng nakagawian ay pinagdiwang namin iyon kasama si Papa. Pansin ko ang pagpayat ng dating matipunong katawan ni Papa. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit ng makarating kami sa kung saan siya nakakulong. Limang taon ng di namin nakakasama si Papa at wala akong ibang hiniling sa tuwing kaarawan ko at iyon ay makalaya na si Papa sa kasalanang hindi niya kailanman ginawa.

'Dalagang dalaga ka na anak, napakabilis ng panahon at baka hindi namin namamalayan ng mama mo na may nobyo ka na pala", pabirong sabi ni Papa.

"Ikaw lang ang pinaka the best na lalaki sa buhay ko Pa", paglalambing ko dito.

Nagpaalam si Mama para bumili ng inumin sa labas dahil nakalimutan pala namang makapagdala.

"Sienna, anak alagaan mong mabuti ang Mama mo ha, kahit malayo ako lagi kong ipinagdadasal na lagi kayong ligtas ng Mama mo, hinawakan ni Papa ang kamay ko ng mahigpit, anak patawarin mo si Papa at hindi ko natupad lahat ng pangako ko sa inyo ng Mama mo, mahal kita anak, lagi mong tatandaan yan", madamdaming sambit ni Papa.

"Pa, hindi pa naman po huli ang lahat, makakabawi ka pa sa amin ni mama, kapag nakalaya ka na dito pwedeng pwede ka ng bumawi Pa, wag kang mawawalan ng pag-asa kasi kami ni mama araw araw na naghihintay sa paglabas mo dito at makabalik na tayo sa bahay", umiiyak na sagot ko.

" Wag ka ng umiyak anak, kasi dobleng sakit ang nararamdaman ni Papa kapag umiiyak ang munti niyang prinsesa", sabay yakap sa akin ng napakahigpit.

Halos ayaw kong matapos ang araw na iyon, kasi alam kong pag natapos iyon maghihintay ulit ako mg matagal para makita at mayakap ulit ang aking ama.

Habang umaandar ang bus na sinasakyan namin pabalik ng Bacolod ay inaalala ko ang mga masasayang alaala namin noong kompleto pa kami.
Limang taon na subalit minsan iniisip ko na panaginip lang ang lahat ng nangyari at gigising ako sa luma naming bahay at sasalubungin ng yakap ang mga magulang ko.

It was once a happy family, I never imagined that we will be shattered into pieces.

Gabi na ng makarating kami sa mansyon ng mga Gonzales. Tulad ng taon-taong gawain, pagdating namin sa bahay ay naroon sina Don Alejandro at Donya Hermina kasama si Tiya Martha at Kuya Gener, nagpaluto sila sapagkat alam nilang kaarawan ko ngayon. Mayroong cake na nakapatong sa lamesa at agad ko iyong hinipan kasabay ng kahilingan na sana magkakasama na ulit kami nila mama at papa.

Sa mga taong nagsilbi naming pamilya ni mama sa mga nakalipas na taon, lubos akong nagpapasalamat, I am so grateful for meeting this kind of people.

" Naku, thirteen ka na pala iha, at habang nagdadalaga ka lalo kang gumagandang bata", magiliw na sambit ni Donya Hermina.

"Salamat po Don at Donya sa mga handa po tuwing sumasapit ang kaarawan ko", malugod ko namang pasasalamat.

"Ano ka ba iha, hindi na kayo iba sa amin, kayong lahat parang pamilya na ang turing namin sa inyo", sagot naman ni Don Alejandro.






Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon