PROLOGUE

1K 22 0
                                    

A/N: This is the revised version of the chapter A. Updated on: November 5, 2020. I hope you like it!


"I'm getting married!" masaya at excited na bulalas ni mom.


Hindi ko mapigilang mapanganga sa rebelasyon niya. Ano? She's going to remarry? 


"Eh kanino naman?" tanong ko. I swear, this is not what I expected nung umuwi ako. This is not what I expected AT ALL. 


"He's on his way. Dapat talaga mamaya pa namin ia-announce but I'm too excited!" tumawa siya sabay yakap sa akin. "I missed you so much, my baby girl. How was Chicago?" malambing niyang sabi habang ina-ayos niya ang mga strand ng buhok na humaharang sa mukha ko.


"It's great, I'm scheduled to graduate on June. So, where did you meet this guy?" I said as I crossed my arms and arched my eyebrows.


My mom is young and beautiful, but I didn't really expect na magrere-marry pa siya after nila mag-split ni dad years ago. I guess she really did move on na. 


Magsasalita na sana si mom ng biglang may nagsalita sa likod ko.


"Sorry I'm late, sobrang traffic kasi," sabi nung lalaki.


I can't shake the feeling na familiar yung boses. Sobrang familiar, and the strong manly addictive scent na isang tao lang ang kilala kong ganun ang amoy. God, I hope I'm wrong. Please please please sana, kahit just this time lang, I really hope it's not him. I slowly turned around para harapin yung lalaking nagsalita. It felt like a slow-mo mainly because takot din akong malaman kung totoo ba yung hinala ko.


Isang napakalaking pagkakamali. 'Yan ang una kong naisip ng magtagpo ang mga mata namin. 


Isang malaking pagkakamali na umuwi pa ako. 


Dahan-dahan siyang lumapit at iniabot ang kanyang kamay na para bang magpapakilala siyang muli. 


Bakit? Paano nangyari ito? Bakit siya pa?


Pinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit pinagdasal na "Please, sana nananaginip lang ako"


"Hi, I'm Leandro. It's so nice to finally meet you, Gwen" sambit niya habang may ngiti siya sa labi at naka-abot ang kamay sa akin.


Nakangiti siya na parang hindi niya ako kilala.


Like our 2 years didn't exist. 


Like the everything meant nothing to him.


So I took a deep breath and accepted his hand.


"The pleasure is all mine," sabi ko at sinubukan kong ngumiti, kahit feeling ko eh mukhang pilit na pilit.


Two can play this game, Lean

and I'll make sure I'll win.



*****

Thanks for supporting my book! For more updates, follow me on twitter: https://twitter.com/heijiwrites (@heijiwrites)

- Heiji


Married To My StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon