Chapter 6 - Saging

658 12 1
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Pagbangon ko mula sa pagkakahiga, ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko, lalo na ang sakit ng paa kong na-sprain kagabi. Inunat ko ang aking mga braso, saka nag-sink in sa'kin lahat ng nangyari kahapon.


NAKAKAHIYA! 


Kung ano-anong pinaggagagawa ko kahapon, ako pa talaga ang unang humalik!


Agad kong pinaling ang tingin ko kung saan nakahiga si Lean kagabi pero wala na siya dun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na wala siya dahil sa sobrang hiya ko sa mga pangyayari kahapon, o malulungkot dahil wala siya sa tabi ko ngayon?


"Lean?" tawag ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko siya mahanap.


I felt the panic build in the pit of my stomach. My palms started to sweat, and I can feel the heavy beating on my chest. Did he leave without me? Sa gitna ng kagubatan na 'to, sa isla na hindi ako pamilyar?


Hindi naman siguro niya ako iiwan mag-isa dito, 'di ba?


Breathe, Gwen, breathe.


Nag-inhale at exhale ako hanggang sa naramdaman kong humpa na ang panic sa katawan ko. I'm a strong, independent woman. Kaya ko 'to. Hindi ko kailangan si Lean para makaalis dito. 


Yes! This is a start. Hindi ko siya makakalimutan kung lagi ko siyang iisipin. 


Dahan-dahan akong bumaba mula sa malaking bato kung sa'n ako inilapag ni Lean. Buti na lang at medyo mababa lang 'yun. 


Mabagal lang ang pagkilos ko dahil masakit talaga 'yung kanang paa ko mula sa pagkakahulog ko kagabi. Bawat tapak ko ay ramdam na ramdam ko na parang pinipilipit ang paa ko. Kitang kita ko rin ang pamumula nung injured area, kaya kinakabahan ako na baka mas lumala 'yung sakit kapag binigla ko ang paglalakad.


"One... Two... One... Two..." binibilangan ko ang bawat hakbang ko para masigurado na hindi masyadong mabilis ang paglalakad ko. 


Tumigil ako saglit para magpahinga, dahil pakiramdam ko ay parang malalaglag na 'yung paa ko. Pinunasan ko ang pawis na namuo sa noo ko bago ko nilibot ang tingin ko sa mga punong nakapaligid sa akin. Nagugutom na ako. Bakit ba walang mga bunga 'tong mga punong 'to?!


Lumingon ako sa direksyon na pinanggalingan ko para tignan kung gaano na kalayo ang nai-uusad ko, at anak ng tokwa! Akala ko naman medyo malayo na 'yung nalakad ko! 


Kitang kita ko pa rin 'yung falls. Ang ganda pala talaga, sayang lang at wala 'yung cellphone ko, ang ganda sana kunan ng picture.


Sinubukan kong tumayo ulit pero parang masyadong bigla 'yung pagtayo ko kaya napaupo ulit ako, at naramdaman kong parang nag-twist na naman 'yung ankle ko.


"Shit!" napasigaw ako sa sobrang sakit. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luhang kagabi ko pa pinipigil. Tuloy tuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko, parang umapaw na dam.

Married To My StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon