Chapter 3 - Afterparty

734 15 3
                                    

It's been two days since Lean and I decided to be civil. Civil as in, hindi kami nag-aaway sa harap ni mom pero hindi rin naman kami nagpapansinan. Sa loob ng 2 days na laging nandito si Lean, dalawang beses lang kami nag-usap.


---


Usap #1: Thursday, 12:16 pm


"Ehem," Lean cleared his throat. "Pwedeng paabot 'nung ketchup?" tanong niya sakin. Nilagay ko kasi sa tabi ko 'yung ketchup kasi I can't eat fish and chips without it. 


Usap #2:  Friday, 5:00 pm


Nag-eempake ako ng mga damit na dadalhin ko bukas para sa reunion/birthday celebration ni mommy.


Napatigil ako sa pagtutupi ng mga damit nang maalala ko na naiwan ko pala sa kotse ni Rebreb 'yung pinamili kong damit na susuotin ko dapat bukas. 


"Sayang naman, ang ganda pa naman nun," sabi ko sa sarili ko. 


 "Hayy, buti pa 'yung damit nakalimutan ko," napabugtong hininga ako habang pinaglalaruan ko 'yung butones ng polo na hawak ko.


I wish I can forget him too.


Aabutin ko na sana 'yung cellphone ko para i-text si Rebreb tungkol sa damit ng may marinig akong katok sa pinto. 


"Pinapasabi ng mommy mo 'wag mo daw kakalimutan na 10am tayo aalis bukas," bungad niya pagbukas ko ng pinto, na parang minemorize niya 'yun ng ilang ulit bago siya kumatok.


"Okay," sabi ko bago ko sinara ulit 'yung pinto.


"Nandito naman ako kung kailangan mo ng kausap, 'di 'yung kinakausap mo sarili mo d'yan," nanunuyang sabi niya sa kabilang side ng pinto.


"In your dreams!" sigaw ko.


---

Present day: Saturday, 6:17pm

Simula nung araw na hindi ako nakauwi, 'di rin naman kami nakapag-usap masyado ni mommy kasi naging busy din siya sa company niya.


Kararating lang namin ngayon dito sa private island na pagmamay-ari ng tito and tita ko. It's my first time here sa island nila and I must say na sure akong babalik ako dito. Kahit na madilim na at nakalubog ng araw, sobrang ganda pa rin tignan. Hindi ko alam na may ganito pala kagandang beach dito sa Pinas.


"Glamma! Glampa!" sigaw ko nang makita ko silang dalawa. Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi, dahil ganun ang paraan namin ng pagbati dito sa pamilya namin. 


Yes, I call my grandparents as Glam-ma and Glam-pa. At first they said it was because bulol ako sa r nung maliit pa ako but then they grew fond of it kasi they like the glam na parang"glamorous" daw. 


"Gwen! It's been so long," sabi ni grandma bago niya ako niyakap ng mahigpit. "You're getting skinnier, ha. Do you have a boyfriend?" she looked at me suspiciously.

Married To My StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon