"So ano na ngang chika?" tanong ni Yumi, best friend ko since dugyot at uhuging mga bata pa kami.
"Wala man lang welcome? Chika agad agad? Di ba pwedeng kamustahin mo muna ako?" sabi ko sabay kurot sa pisngi niya, "Ayan dyan ka talaga magaling. 'Pag chismis ang bilis," humakbang ako paharap dahil tapos na umorder yung nauna sa'min.
"Two cheesecake milk tea, large, 50% sugar," sabi ko dun sa cashier. Kinalabit naman ako ni Yumi sa tagiliran niya sinabing, "So ano ngang ginawa mo after niyo mag-shake hands?"
"Eto na nga magkukwento na," inirap ko ang aking mata bago nagsimulang magkwento.
- 2 hours earlier-
"The pleasure is all mine," sabi ko at sinubukan kong ngumiti, kahit feeling ko eh mukhang pilit na pilit.
"I'm so glad na nagkita na rin kayo, at last!" sabi ni mom. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawa niyang mga kamay. "Are you hungry na ba, Gwen? I prepared food if you want to eat na," she said.
"Ah, actually I need to change. May plans kami mamaya ni Yumi. It's been a year since we last saw each other." kinuha ko yung maleta at binitbit ko na rin yung iba kong mga bag
"Ako na magbubuhat niyan," walang pasabing kinuha ni Lean yung maleta mula sa kamay ko at isinukbit niya rin sa balikat niya yung backpack ko na nakalagay sa sofa. Nauna siyang maglakad papunta sa hagdaan pa-taas.
"Kumain ka na muna before you leave. And get some rest first. I know how uncomfortable jet lag is," sabi ni mom habang minasahe niya ng kaunti 'yung balikat ko.
"I'm fine, sa labas na lang kami kakain ni Yumi. I'll probably be late mamaya, don't wait up for me," I gave her a reassuring smile bago ako tumalikod para sundan si Lean. Pero bago ako tumalikod, nakita ko yung disappointment sa mukha niya.
I'm sorry mom, it hurts so much and it hurts even more na hindi mo alam that Lean and I had a past. And that's not your fault.
Pag-akyat ko ng hagdan, nakita kong nakatitig sakin si Lean habang inaabangan niya akong makaayat. His stare feels just like it did when I last saw him.
"What?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa'n dito yung kwarto mo?" pagbanggit niya habang tinuturo yung mga magkakatapat na pinto sa hallway.
Napa-ismid ako sa sinabi niya. Wow, ang galing talaga umarte.
Naglakad ako papunta sa kwarto ko at hinawakan ko yung pinto para maipasok niya ng maayos yung mga gamit ko.
My room's still the same as I left it 4 years ago. It's like hinihintay lang talaga akong bumalik. Sobrang na-miss ko tong kwarto ko. Naaalala ko yung napakaraming sleepovers namin ni Yumi, na halos dito na siya tumira. Ipinatong ko sa kama ko yung bitbit kong bag bago ako humarap kay Leandro para magsalita.
BINABASA MO ANG
Married To My Stepdad
RomanceGwen came home after 3 years at nalaman niya na engaged na yung nanay niya at ang lalaking pinakamamahal niya. Magpapaubaya ba siya o ipaglalaban ang kanilang nakaraan? This story is written in Taglish (Tagalog-English).