Chapter 7 - Dead

526 11 0
                                    

"Anong ibig sabihin ni Leandro sa sinabi niyang ikaw ang tanungin ko kung anong ginawa mo sa kanya?" tanong ni Yumi. Hindi niya talaga ako tinatantanan mula nung nagkita ulit kami. At mukhang hanggang sa makauwi kami ay hindi niya talaga ako titigilan.


But still, I pretended not to hear her. Tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng gamit ko dahil uuwi na kami mamaya. 


"Isa..." pagbabantang bilang ni Yumi. 


"Eh ikaw, anong nangyari sa inyo ni Theon kagabi?" pabalik kong tanong sa kanya. Hah! Have a taste of your own medicine.


"Ah, 'wag mong iniiba ang usapan. Walang nangyari sa'min kagabi, period," confident na sabi niya. "Ikaw, magkukwento ka o kailangan kitang gamitan ng dahas?" ngumiti siya nang nakakaloko at ihinanda ang dalawa niyang hintuturo para kilitiin ako.


"Yumi, kahit anong gawin mo, hinding hind-- AHH!" nabitawan ko 'yung tinutupi kong t-shirt nang bigla akong atakihin ni Yumi ng mga kiliti.


"Dalawa!" nakangiting bilang ni Yumi. Alam niyang panalo na siya.


"N-HAHAHAHA-nn--HAAHAHA--noooO!!!" hindi na ako halos makahinga dahil sa pagkiliti niya. 


Ang daya! Alam niya lahat ng kiliti ko! I can never really win against this girl.


Nagpumiglas ako para makatakas sa kanya but I can't fully escape dahil injured nga ang paa ko. Kaya kumapit na lang ako sa bedsheet at sinubukang kumapit sa una kong mahawakan. 


Crash!


Natigilan kami pareho nang may narinig kaming nabasag. 


"Hala ka!" niyugyog ni Yumi ang balikat ko habang nakatingin kami sa nabasag na glass candle holder. "Paalis na nga tayo, nambasag ka pa!" natatawang sabi niya.


Napatitig ako sa pira-pirasong candle holder na nabasag ko dahil sa pangungulit ni Yumi. Hinabol ko muna ang hininga ko bago nagsalita.


"I kissed him," pag-amin ko. I can't keep it much longer, anyway. She's my best friend for a reason. 


Sinasabi ko lahat kay Yumi. She guides me through everything, and she's been with me through all my ups and downs even when I was in Chicago. It's the only way to keep my sanity. She listens to everything with no judgment, at most of the time ay pinapranka niya ako sa kung anong tingin niya tungkol sa sinabi ko. She has no brakes when it comes with her tongue. No filter. That's one of the many things that I love about her.


Napanganga siya at napatulala saglit bago nagsalita. "Tangang tanga ka na ba?!" bulalas niya.


See? No filter.


Napabuntong-hininga ako. I know, what I did made matters more complicated. I know na mali 'yun, but when I was in the moment, it just felt so right. 

Married To My StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon