C

19.2K 172 23
                                    

C

The next day was very weird. Napaka-awkward lang habang nakain kami nung breakfast. Pero, binasag ni Mommy yung katahimikan.

"Uhm, baby, aren't you gonna eat your breakfast?" my mom suddenly asked. Grabe lang, paano ba ako makakakakain nito kung, si mommy and---errr... daddy ay sobrang sweet! grabe lang, napaka-awkward lang talaga kasi na tanggapin na ang future-stepdad ko, ay kasing edad ko lang... and worst, yung future- stepdad ko pa ay yung taong mahal ko. Isang napaka-laking joke lang eh noh?

"Uh, mom wala po akong gana eh. Una na po ako ah? Medyo masama po kasi yung pakiramdam ko eh" hay nako Cyril! sige mag-sinungaling ka pa!

"Bakit naman baby? Sige, magpahinga ka na lang... Clint, paki-alagaan mo na lang muna si Cyril ah... papasok na ako sa work, Baby, pahinga ka na, baka na-stress ka lang masyado kaya ganyan" tapos kiniss na kami ni mommy at umalis na.

whew! pano na ako makapag-sisinungaling kay Clint nito?! Jusko naman!

"Baby, are you alright?" Waahhh!!! grabe naman 'tong si Daddy Clint!!! Iba kasi yung dating sakin nung pagkakasabi niya nung baby eh! parang ano... alam niyo yung feeling na para siyang isang concerned boyfriend?!

"Uhm, mesyo nahihilo lang po Daddy... Sige po, itutulog ko na lang po ito" I just smiled then pumasok na ako sa kwarto ko.

Hay nako Clint, ano bang gagawin ko sayo? lahat nalang ng ginawa mo, nahuhulog at nahuhulog ako. Kahit ata tumae o mangulangot ka pa diyan mahal parin kita eh. Hayy... ano ba kasing nangyari dun sa isang taong nawala ako? Pano kaya kung hindi ako umalis nun? Baka siguro, kami yung nagkatuluyan. Baka siguro, sakin siya nahulog. Pero, ano pa bang magagawa ko? wala na eh, ayan na eh, mahal na niya... sino pa ba ako para tumutol? Sabagay, ano ba naman kasing hindi magugustuhan kay mommy? Mabait, Matalino, Sobrang ganda, Sexy, mukhang bata, Matangkad, Mayaman, Mukhang Anghel, Mapagmahal, Maalaga, Maaalalahanin, In short, Nasa kanya na ang lahat. Well, namana ko din naman yung genes ni mommy na ganun, sa totoo nga lang mas maganda pa ako kay mommy eh, mas bata pa. Pero, bakit ganun? Si mommy pa rin ang nagustuhan niya? Ano bang meron kay mommy na wala ako? Hay nako... ang hirap naman ng kalaban ko! Sa lahat ba naman ng pwedeng kalabanin, si mommy pa?!

Mga 3:00 pm na siguro ako nagising.

Bumaba muna ako sa garden para mag-pahangin.

Nakatitig lang ako sa kawalan, sinusubukang kalimutan si Clint. Pero,parang hindi ko yata kaya.

Nagulat ako nung biglang lumapit si Clint.

"Cy..." tawag niya sakin

Hay, namiss ko yang pag-tawag sakin ng Cy, nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na medyo close kami dati ni Clint? Ah basta, so yun nga, Nung College lang kami nag-kahiwalay.

Imbes na sumagot, tumingin na lang ako sa kanya..

Grabe, ang gwapo niya parin, walang pinagbago. Di parin nawawala yung masculine look niya.

"Cy, I'm really sorry" panimula ni Clint

"Para saan?" Grabe, nakakapanibago! ngayon ko lang siyang nakitang seryosong nag-sorry! dati kasi pag nag-sosorry yan, pabiro lang eh.

"Dahil.... dahil papakasalan ko ang mommy mo kahit alam ko naman na ayaw mo"

Oh.... so it's about that marriage thingy again

"Ang hindi ko lang maintindihan eh, kung bakit si mommy pa? bakit hindi na lang ibang babae? yung kasing edad mo? Na, parang si mommy pero younger version?" I was reffering at myself that time

"Kasi.... iba si Karren Baby....  Ibang iba and I have my reasons"

Iba din naman ako ah.... yan ang gusto kong sabihin... kaso natatakot ako... natatakot ako sa reaction niya.. baka layuan niya ako

"Please? For the sake of our Friendship? wag ka nang maiilang sakin ah? Isipin mo, ako pa din si Clint na Close friend mo" He added

"Yes Daddy" I joked

"Ano ba yan! Nagkaroon tuloy ako ng instant baby na kasing edad ko lang!"

"Hahaha ang galing mo naman! pano mo ako nagawa nung fetus ka palang?"

"Tanong mo sa moon baka sumagot"

"Wala pa si moon! Mamaya pa daw dadating sabi ni sun! natraffic pa daw eh"

"Edi kay sun ka nalang magtanong"

"Sorry, Globe ako eh!"

"Edi tanong mo kay Globe!"

"Bakit di na lang kay Universe?"

"Hahahaha! Ang dami mong alam!"

"Syempre! bestfriend ko si encyclopedia eh!"

Wahh!!! Namiss ko 'tong barahan moments namin ni Clint! syempre ako lagi ang panalo!

Nag-movie marathon lang kami ni 'Daddy Clint' buong mag-hapon 

Then, dumating na si mommy

"Mommy!" Kiniss ko si Mommy sa cheeks

And si Clint naman, nag-kiss lang din sa cheeks kay mommy... 

Hayy... buti na lang talaga at hindi sila naghahalikan sa lips sa harap ko! Baka kung nagkataon, magulat na lang sila na nakabulagta na ako dito!

"Oh, it seems like nag-bobonding ang mag-ama ah!" 

Mag-ama? Hmm... mas maganda sigurong pakinggan kung mag-asawa kami!

 "Oo nga po eh Mommy!" Tapos Kumain na kami ng hapunan

"Uhm, Clint, Baby, may Grand opening ang Lopez Food Inc. sa Greece. And, I can't take both of you there. So, behave huh? I will be coming home by next, next week"

Hay nako! Work na naman ang inuna ni mommy! Nakakainis lang! Ano? Work nalang ang priority niya? Paano naman ako?

On the other side... mas maganda na din ito dahil mas may quality time kami ni Daddy Clint!

 Ay! Ang landi lang! Ang sagwa naman! Engaged sila tapos... makikipag-flirt ako? Tss... ayoko ngang maging kirida. Pero... hindi ko naman kayang i-give up si Clint!

tapos, tinulungan naming mag-pack si mommy ng mga gamit niya... hayy, 2 weeks vacation-- or let me say, 2 weeks work sa Greece? waahhh! Kung wala lang siguro si Clint, siguro kasama ako! Huhuhu.. pero, mas okay na nandito si Clint....

"Goodnight Baby" Mom kissed my cheeks

"Goodnight Baby Cy" DAD KISSED ME TOO! Pero sa cheeks lang T-T.. Pero, okay na yun! At least libre chansing! 

Tuwang-tuwa akong bumalik ng room ko.. lalalala.. hayy, sana lagi nalang gabi! Para lagi akong kinikiss ni DADDY CLINT!

Nakuuu!!! Mukhang masaya ang gabi ko ngayon ah! Sana nga!

Married To My StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon