I immediately dismissed my thoughts.
No, I shouldn't fight for him.
Hindi 'yun tama. It's not fair to mom.
Besides, si Lean na rin naman ang sumuko sa relasyon naming dalawa. How sure am I na he wants me back after everything that happened?
But how sure am I na he doesn't want me back?
Napailing ako sa ideya biglang pumasok sa utak ko. Nangunguna na naman ang puso ko, hindi tama 'to.
Humiga ako sa batong inuupuan namin at pinikit ko ang mga mata ko. I need rest, para mawala na 'tong mga kalokohang naiisip ko. Sana. I need to stop giving myself false hopes. I need to wake up to the reality na hindi na ako. Hindi na ako ang may karapatan sa kanya.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at ang lamig. Niyakap ko ang tiyan ko para hindi ko masyadong maramdaman ang ginaw.
Naramdaman kong may malambot na telang bumalot sa katawan ko.
Napamulat ang aking mga mata at nakita ko ang topless na si Lean, at ang polo niya na nakapatong sa katawan ko.
Nakatalikod siya sa'kin pero tanaw ko mula sa repleksyon ng buwan ang malapad niyang likod at matipuno niyang katawan.
Napalunok ako ng dalawang beses, at napakagat sa aking labi.
Kung nananaginip man ako, please sana hindi na ako magising.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga para isuot ang polo niya. Ang lakas ng kapit ng amoy niya sa polo, pakiramdam ko tuloy ay yakap-yakap niya ako.
"Salamat," bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya ba pero bigla siyang tumayo at naglakad palayo.
"Lean!" nagpapanic na sigaw ko sa kanya.
Tila nabigla siya sa sigaw ko, kaya mabilis siyang lumingon sa'kin.
"Anong nangyari?!" agad agad siyang bumalik papunta sa'kin.
"Don't leave me, please," sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.
As much as I don't want to give in to the temptation dahil dalawa lang kami dito at mukhang nang-aakit 'yung masarap na abs niya, ayoko rin naman maiwan dito mag-isa lalo na at na-sprain 'yung paa ko.
Napangiti si Lean sa sinabi ko. Ipinatong niya ang isa niya pang kamay sa ibabaw ng kamay kong mahigpit ang kapit sa kamay niya.
"Maghahanap lang ako ng kahoy. Gagawa ako ng apoy para hindi ka na ginawin," paliwanag niya.
He'll do that for me?
The thought na he'd go through the trouble of starting a campfire para lang masigurado na komportable ako makes my heart flutter.
BINABASA MO ANG
Married To My Stepdad
RomanceGwen came home after 3 years at nalaman niya na engaged na yung nanay niya at ang lalaking pinakamamahal niya. Magpapaubaya ba siya o ipaglalaban ang kanilang nakaraan? This story is written in Taglish (Tagalog-English).