Chapter 18.2 - Twinkle's Birthday

174 3 6
                                    

 Chapter 18.2

Sapphire's P.O.V.

Prente akong nakaupo sa may garden area habang nagbabasa ng magazine.

GHHHAAAD! Walang magawa dito sa bahay. Wala rin pasok ngayon. Wala pang modeling projects, so it’s so BORING!! Tsk. >.<

“Yah! Yaya, halika nga dito!” tawag ko dun sa katulong naming na nagdidilig ng aking mga magagandang halaman.

“Ano po iyon Miss Sapphire?” tanong ng katulong.

“Ipagtimpla mo ako ng juice. Ngayon din! Magmadali ka!” utos ko sa katulong.

“Ok po.. Ano pong flavor?”

“Mango juice. Ayoko ng orange.”

“Fresh po o yung powdered?”

GOSH! Kailangan pa bang itanong yun??! “Ano bang nandyan sa Pantry natin?”

“Powdered po..”

“Eh di powdered! Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa! Bwiset!” pagmamataray ko.

“Malamig po bang tubig ang gagamitin ko?”

“Mainit na tubig kaya?? Magkakape kasi ako eh?” Sarcastikong sagot ko. “Diba juice? Ano bang ginagamit pag nagtitimpla ka ng juice? Diba malamig? Common sense din! Gamit utak!”

“Uhhm, sorry po. Bago lang po kasi ako dito eh.”

“So hindi ka pa nakakainom ng juice? Ganon ba kayo kahirap ha?”

“Uhhhm, hindi naman po. Isang tanong na lang po.”

“Ano yun?”

“Mineral water po ba ang gagamitin ko o tap water?”

TAEEEE!!! >.< Ang daming tanong!!! Nakakainit ng ulo! San ba to pinaglihi at ganon na lang kakonti ng common sense? Ako na lang ata ang matalino dito eh! Pagtitimpla lang ng juice ang dami pang tanong!

Nakakabawas ganda!

“Alam mo, pinatimpla lang kita ng juice ang dami mo pang tanong.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. “Ako na nga lang ang magtitimpla! Lumayas ka na sa harapan ko!”

But before I go to the kitchen to prepare my juice, I have to leave a message to her. And it seems that it is here last message.. “Teka lang. Kelan ka nakapasok dito?” tanong ko.

“Kahapon lang po.”

“Ok. Pack your bags. You’re leaving. In Tagalog, Magligpit ka na, Lumayas ka na. Tanggal ka na sa trabaho. Oh? Ano pang hinihintay mo!! Gusto mo bang ako pa ang magligpit ng mga mabaho mong gamit?”

“Uhhhm, sorry po talaga.. Hindi nap o mauulit..”

“ABA! Hindi na talaga mauulit. DAHIL TANGGAL KA NA NGA!! Kung hindi ka tanga at bobo eh di hindi ka matatanggal!”

Wala na siyang nagawa. Nagtungo na siya sa kwarto niya kung saan man. Kasalanan naman niya talaga eh!

Kung hindi siya tanga eh di hindi ko siya tinanggal.. Psh.

Nagtitimpla na ako ng juice ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

“Hello, sino ‘to?” tanong ko sa tumawag.

“Ate Sapphire! Si Twinkle po ito!”

KYAAAAHH!! Si Twinkle!!! GOSH! Nawala bigla yung BV ko. (Bad Vibes)

“Oh Twinkle? Kumusta naman?” Bati ko sa kanya.

“Uhhhmm, ayos naman po.. Hihihihi” KYAAAH! Pati pagtawa niya ang CUTE!!

“Haha! Twinkle, nga pala! Happy Birthday sayo!”

“WOW! Natatandaan niyo po? Ang galing naman! Salamat po!”

“Haha! Ako pa! Pupunta ako sa inyo mamaya ha! May gift ako sayo!”

“Talaga po?? Nakoooooo! Maraming salamat po Ate Sapphire!”

“You’re welcome Twinkle. Uhm, baket ka nga pala napatawag?”

“Icoconfirm ko po sana kung pupunta kayo. Since na-confirm ko na po, ok na po!”

“Oh, okay. Yun lang ba? Sino ba ang pupunta sa birthday mo?”

“Uhhm, si friend kop o pati si Teacher pati yung kamag-anak po namin. Kahit sino po. Pati ikaw! Pati po yung friends niyo! Ay meron pang isa!!”

“Sino yung ‘isa’ na iyon?”

“Uhhhm, si crush ko po! Hihihihihi!” Hala! Kinikilig ang bata!! HAHA! Ang cute niya kiligin!

“Ikaw ha! Naglalandi ka na ha!”

“Hindi naman po. Hihihi. Sige na Ate Sapphire. Kitakits na lang mamaya.. Bye!!”

“Bye din Twinkle!” At binaba na niya ang phone.

Haaayy. Buti na lang at tumawag si Twinkle. Nakabawas tuloy sa Bad Vibes ko kanina. Medyo happy na ako!

And I really enjoyed talking to her.. Ang cute nya kasi! At birthday pa nya ngayon.

Naihanda ko naman na ang regalo ko sa kanya. Yung Hello Kitty jacket with matching Hello Kitty ears na hood.

At since dalawa ang binili ko, one for her and one for me, yun ang aking susuotin mamaya.. Para parehas kami..

OKAY! Magpapaganda na ako.. I mean, magpapacute na ako! I’ll be right back!

B.L.U.E. ~  Babe i'll Love you Until eternity Ends [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon