Chapter 9; The World Turned it's Back at Me, Closed the Doors and Made
Me Face Reality.Did you ever had the feeling of nothing else to lose?
The feeling that there's no one's left in this world to give you comfort and tell you that everything's going to be okay?
Well I do. Eversince they died, everything turned dull and harsh and reality always reminds me that they're not coming back.
"Talaga bang wala ka nang ibang alam na bata ka kung hindi ang mag lakwatsa ha?!" Salubong agad sa akin ni Mama Fae ng makarating ako sa bahay, may daladala akong dalawang bayong ng mga pinamiling mga pagkain namin dahil namalengke ako ngayon.
"M-mano po Mama Fae, n-natagalan po k-kasi wala po agad a-akong n-nasakyan" paliwanang ko ngunit nakatangap lang ako ng masamang tingin mula dito bago mahigpit na hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako papasok, masakit man ang pagkakahawak niya ay hindi nalang ako nagsalita pa dahil alam ko na pag nagdahilan pa ako ay makakatikim lang ako ng sampal sa kaniya.
"Alam mo ba na halos mamuti na ang mga mata namin dito kahihintay sa pagkain namin ha?!" Sigaw nito sa akin ng makarating kami sa kusina saka ako pabalang na binitawan dahilan para tumama ang likod ko sa kanto ng lamesa dahilan para mabitawan ko ang dalawang bayong na hawak ko, impit nalang na dumaing ako dahil sa sakit bago yumuko para pamulutin ang mga nangalat na gulay at mga rekado
"Ano tapos ngayon iiyak-iyak ka?! Eh kung hindi ka naman tinamaan ng lintik na naglakwatsa pa ay di sana ay maaga kang umuwi at ipinagluto kami!" Dagdag pa nito bago hilahin ako patayo gamit ang buhok ko, wala nalang akong ibang sinabi at tahimik nalang na humikbi at tinatangap lahat ng mga sinasabi niya
"Ipagluto mo na kami ngayon! At hindi ka kakain! Bahala ka sa buhay mo!" Huling anito bago ako muling tinulak dahilan para muling mapatama ang likod ko ngayon sa lababo naman. Umiiyak na tinapos ko ang pamumulot ng mga nangalat na sangkap bago tumayo, ngunit agad ding akong napahawak sa gilid ng lababi dahil sa biglang pagsakit ng gulugod at bandang kaliwa ng likod ko ngunit binaliwala ko nalang ito ay nagluto na.
Hindi naman talaga ako nag lakwatsa, tagang wala lang akong masakyan agad kaya ako tinanghali ng dating. Alas otso ng umaga ako pumuntang palengke kanina matapos mag umagahan at ngayon ay mag-aalas doce y medya na ng tanhali. Hindi na ako nasorpresa na ganun ang naging reaksyon ni mama Fae dahil ayaw noon na magugutom si papa Adri. Nasa kalagitnaan na ako ng paghihiwa ng karne ng pumasok sa kusina si Papa Adri at nanlalaki ang mata na napa-baling sa likuran ko
"Anong nagyari diyan sa likuran mo at may dugo?!" Nahihintakutang turan nito habang unti-unting humulas ang kulay ng kaniyang mukha, unang pumasok sa isip ki na baka may dalaw na ako kay agad na kinapa ko ang may puwetan ko at ng wala ako doong makapang basa ay nangunot ang nuo ko. Anong dugo—
Agad na kinapa ko ang bandang likuran ko at doon ko nakapa ang may kahapdian at basa nga ang bahaging iyon, ng iharap ko sa mukha ko ang kamay ko ay may mapulang likido nga sa kamay ko dahilan para mabitawan ko ang kutsilyo na hawak ko at maptulala na lang doon, agad naman na may mga yabag ako na na-rinig na patungo sa amin
"Ano nanamang ginawa mong bata ka't—" hindi agad natapos ni Mama Fae ang sasabihin niya ng mapabaling sa likuran ko, tinaasaan ako niyo ng kilay ng mapabaling sa likuran ko.
"Oh napaano ka nanaman?!" Bulayaw nito at ng mapabaling sa asawa ay biglang bumakas ang pagka-bahala sa mukha nito.
YOU ARE READING
His Suicidal Girl
Historia CortaHIS SUICIDAL GIRL [ C O M P L E T E D ] A broken girl with a broken soul, and a Billionaire with a life made out of hell. Met by chance could there be love? HIS SUICIDAL GIRL.©2020. SUHYEONUNNIE Status: (COMPLETE)