Ella POV
nandito na kami sa mansion nila Lolo, sabi kasi ni Lolo na dahil kasal na kami ni Theo, kailangan na dito na kami titira.
"Congratulations Ma'am and Sir Theo." bati ng mga maids na sumalubong samin. ngumiti lang ako sakanila at nagpasalamat, pagkapasok namin sa kwarto ay nakita namin ang kwarto na pinalalamutian ng iba't-ibang disenyo. Sa gitna ng kama ay may malaking unan na puso.
"Wow, pinaghandaan talaga nila tong kwarto nato." ika ko at saka dumiretso sa kama.
"Ang lambot at ang bango naman ng unan na to." masaya kong wika.
"Ignorante." napaupo naman ako sa sinabi ni Theo.
"Hoy, kumag hindi ako ignorante for your information nakakita na ako ng mga ganto, kaya lang ako natutuwa dahil nag-abala pa sila para gawin to satin." inis kong sabi at saka binato yung unan sakanya pero nailagan niya naman ito.
"Whatever." supladong kumag nayun sarap itapon sa mars. bumalik naman ako sa pagkakahiga.
"Hoy." napamulat ako ng may tumama sa mukha ko.
"Bakit ba? inaantok pa ako eh." inis kong sabi at saka tumagilid patalikod sa siraulong kumag.
"di ka ba maliligo?" napatingin naman ako sa harap at nagulat ng makita si kumag.
"ano bang problema mo, matulog ka nalang kaya."
"tumayo ka diyan at maligo ka." napaupo naman ako ng bigla siyang tumabi sakin.
"Baliw ka talagang kumag ka."
"maliligo ka o gusto mong may mangyari ngayon." wika nito habang may nakakalokong ngiti, napalunok naman ako sa sinabi niya at saka tumayo at dumiretso sa banyo.
"WHAAAAAA MANYAKIS KANG KUMAG KA." sigaw ko sakanya.
Theo POV
tawa ako ng tawa sa reaction ni Ella, ang saya talagang asarin nung babaeng yun. biglang nagring yung phone ko kaya agad ko itong sinagot.
[Hello, Theo.] napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Agatha.
"Agatha."
[Theo, nandito ako sa labas ng bahay niyo, I want to talk to you.] pagkakasabi niya nun ay agad akong lumabas sa kwarto at saka bumaba.
"Sige, papaunta na ako."
nakita ako ng maids na lumabas at nagtanong rin sila kung saan ako pupunta at sinabi ko namang may bibilihin lang.
paglabas na paglabas ko nakita ko agad ang kotse na ginagamit ni Agatha sa tuwing nandito siya sa Pilipinas, lumapit ako dito at nakita ko siyang nasa loob.
"Theo." lumabas Ito sa kotse at saka niyakap ako ng mahigpit.
"Agatha, kailan ka umuwi?" tanong ko.
"ngayon lang ako umuwi dahil naayos ko na ang lahat ng problema sa Switzerland, agad-agad akong nag pa book para makita kita." nakangiting sabi nito sakin.
"Pero Agatha, alam mo bang kasal na ako." nalungkot naman siya bigla sa sinabi ko.
"Yes, I know pero diba arrange marriage lang kayo? alam ko rin na ako ang mahal mo at hindi siya." nakangiting tugon nito habang hinahaplos ang mukha ko.
Ella POV
pagtapos ko maligo ay nagtaka ako ng makitang wala si Theo. nasaan na kaya yung kumag nayun.
hindi ko nalang muna pinansin kung nasaan siya baka kasi bumaba para kumain, humiga na ako sa kama at saka nag cellphone. syempre bago matulog post muna sa Instagram.
nabasa ko rin ang text ni Papa at Patrice. Ito ngang si Patrice napaka green minded baka daw maging ninang na daw siya bukas HAHAHAHA siraulo diba.
bigla akong nagutom kaya lumabas ako ng kwarto para kumain. naabutan ko sa kusina ang mga maids nila.
"Hello, ma'am Ella ano pong gusto niyo, marami pong pagkain tayo dahil sa kasal niyo, mamili lang po kayo." masayang sabi ng Isa sa maid nila Theo.
"Sige ako nalang ang kukuha." ngumiti ako at kumuha ng makakakain, hinanap ko si Theo pero wala talaga siya.
"Ma'am Ella si Sir. Theo po ba ang hinahanap mo?" grabe naman tong si Ate manghuhula ba siya.
"Ah-eh."
"Si Sir po nagpaalam kanina na may bibilhin lang daw po siya."
"Ah ganun ba sige." ika ko at saka kumuha ng pagkain. ang sasarap ng pagkain na hinanda nila, infernes yayamanin talaga ang mga putahe.
"Anak." napatingin naman ako sa likod ng marinig ko si Papa.
"Papa, wow papa namiss po talaga kita, kanina di kita nayakap ng sobrang higpit eh." masayang-masaya kong sabi.
"mukhang nilalantakan muna yung mga handa ah." pang-aasar ni papa.
"Oo papa eh nagutom po kasi ako, ano po palang ginagawa niyo rito?" tanong ko. hindi ko kasi alam kong tapos na yung pakain nila Lolo sa mga ka business partner niya at friends namin ni Theo basta lahat ng invited sa kasal, kaloka nga eh kami yung kinasal pero di kami pumunta sa pakain namin, paano ba naman ayaw daw ni kumag.
"Sabi ni Papa ay dito narin ako titira." papa it means sabi ni Lolo. napatalon naman ako sa sobrang tuwa.
"Talaga po ba Papa, yahooooo, makakasama na kita dito papa." ika ko at saka siya niyakap.

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]
RomanceIsang mapagmahal na anak at masipag na nurse si Ella Silvestre, siya ay nurse sa William Hospital kung saan namamalagi ang kilalang matandang negosyante sa Pilipinas. hindi niya inaasahan na siya ang magiging nurse ng matanda at dahil sa mapaglaron...