Chapter 5

1.3K 47 0
                                    

Theo POV

"Bakit ka ba nanghihila diyan, nakakaloka to." inis niyang sambit sakin.

"napaka ingay mo, tumahimik kalang." tiningnan ko kung nakaalis na ba yung nambastos dito sa amazonang babaeng Ito, at saka Ito hinila paalis sa pinagtataguan namin.

"Makahila wagas ah."

"ang sakit mo sa tenga." ika ko rito at saka tumalikod. kaya lang bigla naman niya akong hinila.

"problema mo."

"Ah kasi, pwede pasabay, wala na kasing masakyan sige na please." pagmamakaawa niya.

"Oo na ihahatid na kita." pumunta naman siya sa harap ko.

"Luh, seryoso ihahatid mo ko sa bahay."

"Kakasabi ko lang diba."

"Ang suplado nito." pumasok naman na kami sa kotse at saka umalis sa Bar nila Zach.

tahimik lang kami  habang nasa byahe, sinabi niya na rin kong saan siya nakatira kaya di narin kami nag-usap.

"Hoy nandito na tayo." sabi ko sakanya.

"Kita ko nga." lumabas naman siya sa kotse ko, aba't di man lang nag thank you.

"kumag, lumabas kana." nagulat ako sa sinabi niya.

"Ako?" turo ko sa sarili ko.

"Sino ba kumag dito ikaw lang naman, bumaba ka diyan gagamutin ko muna yang mga sugat mo."

"Don't worry I can manage myself."

"Hindi ako nag-aalala sayo, nakokonsensya ako. kaya baba ka ba diyan o hihilahin kita pababa." napaka bayolente talaga. bumaba nalang ako at saka sumunod sakanya. malaki yung bahay nila at maganda rin. nang makapasok kami ay naabutan namin ang isang lalaki.

"Papa, mano po."

"Oh, anak sino yang kasama mo?" tanong nung tatay niya.

"Ah nakita ko lang po sa labas, madaming sugat eh kaya pinapasok ko para gamutin."

"Anong nakita sa labas." tiningnan naman niya ako ng masama kaya di na ako nagsalita.

"Ganun ba sige maiwan ko muna kayo, aakyat na muna ako." pagpapaalam ng tatay niya at saka umakyat sa taas.

"Crazy Girl, napulot. napulot mo pala ako." inis kong sabi rito.

"okay nayun, di naman tayo close." umalis siya at nang bumalik siya ay may dala na siyang First Aid Kit.

"Umupo kana."

dahan-dahan niyang dinadampi ang bulak sa sugat ko. Magkalapit ang mukha namin kaya medyo nakita ko ang hugis at ganda na meron siya. oo inaamin ko maganda siya pero hindi ko siya type HAHAHA.
napasigaw ako ng biglang dumiin ang bulak sa sugat ko.

"what the fuck, may galit ka ba sakin ha!!."

"Sorry di ko sinasadya."

"Nurse ka ba o hindi." inis kong sabi.

"Sorry na nga diba napaka OA naman nito."

"Pfft. uuwi na ako." sabi ko at saka tumayo.

"Umuwi kana talaga, supladong kumag." ika niya sabay sarado ng gate nila.

Don Carlos POV

"Kayo ng bahala rito, kailangan kong makausap ang Ama ni Ella." tugon ko sa mga tauhan ko. aalis ako ngayon sa hospital para kausapin ang Ama ni Ella para mapag-usapan ang tungkol sa pangako ko at ng kanyang Ama.

nang nasa byahe kami ay biglang tumawag si Theo at tinatanong kong kamusta na ako. sinabi ko naman na okay naman na ako at nagpapahinga.

"Don Carlos nandito na po tayo." tiningnan ko ang bahay kung saan kami huminto at saka lumabas.

kumatok ang mga tauhan ko at may isang lalaking lumabas.

"Sino po sila?"

"Kayo po si Alex Silvestre?" tanong ng secretary ko.

"Ako nga po sino ba sila?." nagpakita ako sakanya at nagulat siya ng makita ako.

"Don, Don Carlos."

"Ako nga ijo, pwede ba kita makausap?" pinapasok niya kami sa loob at pinaupo.

"Don Carlos bakit po kayo naparito?" tanong nito sakin.

"Alam kong alam mo ang pinunta ko rito."

"Don Carlos, tungkol ba Ito sa pangako niyo sa isa't-isa ni papa?" tumango naman ako sa sinabi niya.

"ijo, nang malaman ko ang nangyari sa Ama mo ay wala na akong pag-aalinlangan na gawin na ngayon, ang pangako namin sa isa't-isa. gusto kong maipakasal kaagad ang Apo ko sa anak mo."

"Don Carlos kailangan ko muna kausapin ang anak ko tungkol dito."

"Ijo, kailangan kong matupad ang pangako ko sa iyong Ama kaya sana ay matulungan mo ako na ipakasal silang dalawa."

Ella POV

bakit ang daming sasakyan dito sa harap ng bahay, anong meron?. pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko na may kausap si Papa.

"Alam kong matutuwa ang Ama mo pag naipakasal natin si Ella at ang Apo ko."

"Kasal?" nabigla ako sa narinig ko at lalong nagulat ng makita si Don Carlos.

"Don Carlos, anong ginagawa niyo rito ? At saka anong kasal ko at ng Apo niyo." pagtataka kong tanong rito.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon