Chapter 3

1.4K 44 0
                                    

Whoo makakapahinga narin. nagbihis na ako at inayos ang mga gamit ko. Off work na ako sa wakas.

"Bes, Bar tayo." pag-yaya ni Patrice sakin.

"Ayoko, pagod na pagod talaga ako ngayon Bes. next time nalang at saka si papa walang kasama." sagot ko sakanya.

"Ah sige, una na ako babush." paalam nito sakin at saka umalis.

uwing-uwi na talaga ako. naglakad na muna ako pauwi dahil hindi ko dinala ang motor bike ko.
may nadaanan akong convenience store at bumili ng makakain.

"100 pesos po Ma'am." sabi nung cashier. inabot ko naman agad ang bayad.

"Salamat Ma'am balik po ulit kayo." nginitian ko nalang siya at lumabas ng convenience store.

habang naglalakad ako ay may nakita akong buntis na nakaupo sa gitna ng kalsada. kaya dali-dali akong tumakbo papunta sakanya.

"Misis, ano pong nangyari sainyo?" pag-aalalang tanong ko.

"Manganganak na ata ako. Ah-Ah."

"ANO?" sigaw ko.

"Miss, wag mo naman akong sigawan, ang sakit na nga ng tiyan ko. Aray."

"Pasensya na po, hahanap ako ng Taxi diyan kalang po, Inhale, Exhale lang ang gawin mo Misis." pumara ako ng taxi. pero kainis di man lang humihinto.

"Ahhhhh, Miss Bilisan mo." nataranta ako ng sumigaw yung buntis kaya hinarang ko na ang sasakyan na nakita ko.

"HOY, ikaw nanaman ano bang problema mo ha?." nakita ko naman na biglang lumabas si kumag. aishh bakit sa dinami-raming pwede kong harangin bakit ito pang damuhong to.

"Miss, Aray masakit na pumara kana." tiningnan ko naman yung babae at nakita kong dinudugo na siya.

"Please kumag tulungan mo kami, manganganak na siya kailangan namin ng masasakyan." Ika ko rito.

"Anong pakialam ko diyan, di ko naman yan kaano-ano, wag mo akong istorbuhin."

"Hoy kumag maawa ka naman, manganganak na yung tao may puso kaba." inis kong sigaw dito.

"Pumara kayo ng iba, wag niyo sayangin oras ko." naiinis na talaga ako sa lalaking to. di ko napigilan ang sarili kong suntukin siya.

"WTF, bakit mo ko sinuntok? baliw ka." inis niyang tanong sakin.

"Para matauhan ka, Manganganak na yung tao. at kailangan ka namin tapos aalisan mo lang kami." sigaw ko.

"AHHHHHHHH." napatingin kami sa babae. kaya walang ano-ano ay hinawakan ko Ang kamay ni  kumag.

"Bitawan mo nga ako."

"Please, tulungan mo siya kahit ngayon lang maging mabait ka para din sa bata." mukha namang nakapag-isip na siya ng maayos. kaya binuhat niya yung ginang at pinasok sa kotse niya.

"Misis, pupunta na tayo sa hospital lumaban ka po ah." ika ko rito.

"Inhale, Exhale. HOY bilisan mo mag drive."

"Mabilis na to bwesit." nang nakarating kami sa hospital ay idiniretso na siya sa emergency room.

nakita ko naman na paalis na yung kumag. kaya hinabol ko Ito.

"Hoy, kumag."

"Ano nanaman ba? I'm done." may regla ba to. everyday ang init ng ulo.

"chill kalang, magpapasalamat lang naman ako sayo." sabi ko sakanya.

"It's okay, pwede na ba akong umalis?" sarcasm na tanong nito.

"Umalis ka, pinipigilan ba kita sungit."

"What did you say?"

"Ah wala, sabi ko sige alis kana hehe byeee." pilit kong ngiti rito.

"Pfft, crazy." napakayabang talaga nung kumag nayun buti nalang tinulungan niya kami kung hindi araw-araw siyang makokonsenysa.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon