Chapter 33

1.1K 28 0
                                    

Agatha POV

Nakita ko kung gaano na kamahal ni Theo si Ella, habang nakikita ko na umiiyak siya sa ibang babae at hindi sakin ay para bang nadudurog ang puso ko. bakit nangyayari to sakin, bakit pa dumating sa point na to.

"Theo." hinabol ko siya ng bigla siyang naglakad.

"Agatha, I'm so sorry but I want to tell you again, hindi na kita mahal. please Agatha tama na, you deserve better than me." wika nito na ikinanginig ng mga tuhod ko.

"Theo." napaluha ako sa mga sinabi niya sakin. iniwan niya ako ng tulala at di makagalaw.
kung umuwi lang sana ako ng maaga dito sa pilipinas siguro hindi to nangyayari samin ni Theo, wala sana si Ella sa buhay niya. napaupo ako dahil sa sobrang panghihina.

"Agatha." nang makita ko si Kuya ay agad ko siyang niyakap.

"Kuya Alvin." humagulgol ako sa dibdib ni kuya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Agatha bakit mo ginawa yun?" tanong ni kuya.

"Kuya I love him so much, akala ko kaya ko pang ibalik ang dati pero hindi ko nagawa." niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ang mga buhok ko.

"Agatha hayaan muna sila, tumigil ka na sa pag-iyak." bumitaw ako sa pagkakayaka

"Kuya, bakit ka ganyan alam ko may gusto ka kay Ella pero bakit hinahayaan mo na mapunta siya kay Theo." sambit ko habang lumuluha parin ang aking mga mata.

"Nakalimutan muna ba ang sabi ni Dadd? ang isang bagay o tao na gusto mo pero hindi sayo ay hindi mo dapat angkinin dahil may tunay na nagmamay-ari sakanya at yung tunay na nagmamay-ari sakanya dun siya mas sasaya, kaya bakit mo hahayaang maging malungkot ang mahal mo kung pwede namang magparaya ka para sumaya siya kahit hindi sayo." paliwanag nito at saka ngumiti, oo nga naalala ko na, ito nga ang sinasabi samin ni Daddy nung maliit pa kami ni kuya. dahil palagi kaming nagaaway dahil sa isang bagay na parehas namin gustong angkinin.

"Kuya." wika ko at niyakapa siya.

"Tahan na Agatha, I know someday you can find someone na mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal mo."

"Kuya, Thank you sa pag-papaalala mo ng bagay nayan."

"Agatha kahit anong mangyari I'm here for you as your friend and your kuya, okay." tumango naman ako at ngumiti sakanya.

Theo POV

"Bro." napahinto ako ng harangan ako nila Zach.

"Where's Ella? nakita niyo ba siya?" tanong ko.

"Bro, paano mo nagawa yun kay Ella?" wika ni Zach, nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bro look." may pinakita si Andrew sakin sa phone niya.

"The Grandson of the well known C.E.O in the Philippines spotted kissing to his ex-girlfriend infront of his wife."
NBB FLASH NEWS.

WTF, lahat nalang gagawin ng media para makapanira ng tao, badtrip.
Umalis ako at saka pumasok sa loob ng bahay, pumunta ako sa kwarto namin ni Ella pero wala siya pati ang mga damit nito ay wala rin.
nang lumabas ako ng kwarto ay agad akong sinalubong ng suntok ni Papa.

"Papa."

"Wala kang kwentang asawa Theo, alam mo ba kung gaano nasaktan ang anak ko sa ginawa mo ha!! ngayon sigurado akong pag piyepiyestahan ang anak ko sa ginawa mo." galit na galit na tugon ni Papa.

"Papa I'm sorry, hindi ko gustong mangyari yun." wika ko.

"Theo." napatingin naman ako sa likod ni Papa at nakita si Lolo papalapit samin.

"Lolo, I'm so sorry."

"Isang kahihiyan ang ginawa mo Theo." tugon ni Lolo sakin.

"Alam ko Lolo pero pangako aayusin ko ito."

Ella POV

"Bes tahan na."

"Bes, ang sakit-sakit eh alam ko dapat di ako masaktan kasi peke lang ang lahat samin ni Theo pero bes sobrang bigat ng pakiramdam ko." niyakap ako ni Patrice ng sobrang higpit at hinaplos ang likod ko.

"Bes, okay lang yan,  iiyak mo lang yan. oo masakit pero kailangan mong maging matatag, at yang walang hiyang kutong lupa mong Asawa ang dapat sakanya binabalatan ng buhay. tapos yung demonyitang Agatha nayan dapat pinapakuluan, haynakooo nanggigil talaga ako."

kahit humahagulgol ako sa iyak ay napatawa ako sa sinabi ni Patrice.

"Ano ka ba Patrice emotional na ako eh." wika ko habang tumutulo ang luha. para nga akong baliw eh tumatawa ako pero patuloy parin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

ngayon nasa gitna kami ng byahe ni Patrice, dun muna ako pansamantala sa Condo niya, nagpaalam naman ako kay Papa bago kami umalis. kaya nga pinahatid niya kami kay Manong.

Nang makarating kami sa Condo ni Patrice ay agad niya akong pinabihis at pinahiga sa kama niya.

"Take a rest now Bes." ika niya sakin at ngumiti.

"Thank you Bes."

Sabi nga nila after mong umiyak ay aantukin ka, bakit? kasi alam ni God na pagod na pagod kana at gusto niyang magpahinga ka muna kahit saglit, kaya gusto ko ngayon ang matulog at makalimutan ang lahat. sana lahat ng yun ay isang panaginip na lang, na pag kagising ko ay wala manlang nangyari. pinikit ko ang aking mga mata at nagpadala sa pagod kong mata at pagod kong katawan kakaiyak.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon