Chapter 22

1K 32 0
                                    

"namiss talaga kita bes."  ika ni sakin ni Patrice.

"namiss din kita Patrice, super." sambit ko naman dito.

"tapos ka na ba sa pagtingin ng mga pasyente? tara kain na tayo." pag-yaya ni Patrice sakin.

"sige, namiss ko rin yung luto sa canteen eh." masayang sabi ko.

"tara." naglakad na kami ng makasalubong namin si Doctor Alvin.

"Hello Doctor Alvin." sambit ni Patrice na para bang bulateng nilagyan ng asin, kilig na kilig eh.

"Hi Nurce Patrice, Hi Nurse Ella maglulunch na kayo?"

"Oo Doc."

"Can I Join?"

"Oo Doc, kahit araw-araw pa." unsad ni Patrice.

"sure, sasabay na ako sainyo tuwing lunch." tugon nito.

"talaga ba Doc hehehe." siniko ko naman si Patrice at nilakihan ng mata.

"umayos ka nga." bulong ko.

"ano pang inaantay niyo, let's go?" dumiretso na nga kami sa canteen at saka namili ng makakain.

"Ginataang Hipon" nagkatinginan naman kami ni Alvin ng magkasabay kami sa pagsabi ng Chicken Curry at saka tumawa.

"HAHAHA favorite ko ang hipon how about you Nurse Ella?" tumatawang sabi ni Alvin.

"Same lang Doc, favorite ko din yan HAHAHA."

"edi kayo na may favorite diyan." napatingin naman kami may Patrice.

"ayaw mo ba Nurse Patrice?"

"hindi siya pwede sa hipon HAHAHA allergic siya eh." pagpapaliwanag ko.

"ay sorry Nurse Patrice."

"it's okay Doc pero kung gusto mo kakain ako niyan for you." natawa naman ako ng nginitian lang siya ni Alvin.

"oh ano ka ngayon HAHAHA." pang-aasar ko sakanya.

"inignore lang beauty ko bes." ika niya.

"saan banda?" sambit ko at saka hinawakan siya na para bang may hinahanap.

"ay ewan ko sayo diyan che." inis niya at saka ako iniwan at sumunod kay Doctor Alvin.

"Hoy bes HAHAHA, wait." nang makaupo na kami ay patuloy parin kaming nagkwekwentuhan nila Alvin. pinaiinggit nga ni Alvin si Patrice kaya tawa ako ng tawa.

"kung wala lang akong allergy sa hipon kakain talaga ako niyan che."

"HAHAHA pasensya ka dahil may allergy ka di mo matitikman ang sarap ng Ginataang hipon." ika ni Alvin habang ako masakit na ang tiyan kakatawa.

"hoy, tama na nga yan, HAHAHA kumain na tayo."

Theo POV

"Sir Theo ito na po ang mga papers." ika ng secretary ko.

"salamat." inopen ko ang mga papers na para sa bagong produkto ng Celestial. medyo okay naman ang sales ng produkto na ito.
bigla ako napatingin sa pinto ng may kumatok.

"Agatha."

"Hi Theo, may dala akong pagkain, I know na di ka pa naglulunch." umupo siya sa harap ko at ipinatong sa table ang mga pagkain.

"Thank you Agatha." nakangiti kong tugon. ang family ni Agatha ay business partner ni lolo kaya dito rin siya nagwowork sa company. at yung business na inayos niya sa Switzerland isang branch ng Celestial sila kasi ng Daddy niya ang nag mamanage siya Celestial Corporation Switzerland.

"let's eat." ika nito at saka binuksan ang mga dala niya.

"matagal-tagal din tayong di nagsama sa pagkain, I miss this." nakangiting wika nito.

"Oo nga, I'm happy na nandito kana Agatha." ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"hindi na ako aalis Theo." nginitian ko lang siya at saka niyaya na siyang kumain.

napag-usapan namin ang about sa company and about samin at sa mga nangyari sakanya sa Switzerland but he change the topic, sabi niya wag nalang daw pag-usapan ang mga nangyari sakanya sa Switzerland dahil puro trabaho lang naman siya dun.

hinayaan ko nalang siya dahil I trust her.

"Try this Theo, best seller ito ng restaurant nila." wika nito at inilapit ang kutsara sa bibig ko.

"masarap." masayang sabi ko.

"alam ko naman na di ka kumakain ng gulay so nagpagawa pa ako ng pagkain na without vegetables." nakangiting sabi nito sakin.

"Sabagay nayun Agatha, kumakain na ako ng gulay." nakita ko naman na nabigla siya sa sinabi ko.

"Seriously?"

"Yes, si Ella kasi She cook for me, at may mga gulay siyang pinatikim sakin at lahat yun masarap." masayang wika ko rito.

"Ella, your Wife."

"at alam mo ba ano ang mga pinatikim niya sakin? Kare-kare, Adobong sitaw at Bicol Express masarap pala yung mga yun."

"mukha ngang masarap ang saya mo eh." ika nito at saka ngumiti.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon